"MAGANDANG UMAGA, Hijo," bati sa akin ng matanda habang nakangiti.
"Magandang umaga rin po. Ano po iyon?" magalang kong tanong, curious sa pakiusap niya.
"Gusto ko sanang magpatulong sa iyo sa pagluto ng mga putahe. Ngayon kasi ang balik ng asawa ko galing sa ospital kasama ang aming manugang kaya walang makakatulong sa akin. Pwede ba, Hijo?"
"Siyempre po, walang problema!" sagot ko nang may ngiti. "Pupunta po ako sa inyo mamaya. Maghahanda lang po ako." Isinara ko ang pinto matapos umalis ng matanda at bumalik ako sa loob.
"Pupunta lang ako sa kabilang apartment para tumulong sa pagluto. Dito ka lang muna ha," sabi ko sa babae at ngumiti.
Matapos kong matulungan ang matanda sa pagluto ng mga masasarap na putahe, agad akong bumalik sa aking apartment. Ngunit, nagulat ako nang wala na ang babae. Hinanap ko siya sa buong lugar pero parang naglaho na siya. Siguro ay umalis na iyon. May tiwala naman akong wala siyang kinuha o ninakaw dahil wala rin siyang mapagkakainteresan sa aking mga gamit. Sa yaman niyang iyon, hindi naman siya mukhang magnanakaw.
Hindi man lang ako hinintay para magpaalam, bahala na. Nakalimutan ko pang tanungin ang pangalan niya. Ngayon ang alaala ko lang sa kanya ay ang kanyang napakagandang mukha at ang kanyang makurbang katawan.
Umiling ako.
Ano ba, Kyle Snapper, umayos ka!
Nakangiti akong umupo sa upuan, pinagmamasdan ang pinto na sana'y muling pagbubuksan ng babae. Ngunit sa ngayon, tila isa siyang misteryosong anino na bigla na lang naglaho.
NAGPASIYA AKONG bumalik sa trabaho kinagabihan, sa bar kung saan ako nagta-trabaho. Pagdating ko doon, sinalubong ako ng ingay at liwanag ng paborito kong lugar.
"Kyle! Buti naman at nandito ka na," bati ni Justine, ang bartender na kasama ko sa counter. "Medyo magulo kanina. Maraming customers."
"Sorry na-late ako," sabi ko habang inaayos ang aking apron. "Mahirap ang sakayan," paliwanag ko.
Nagsimula na ang aming shift, at abala ako sa pag-aasikaso ng mga customer. Habang naglilinis ng mesa, napansin kong parang may nagmamasid sa akin. Nang lingunin ko, nakita kong nakaupo sa dulo ng bar ang isang babae na hindi ko inaasahang makikita ko ulit—si Chantriel. Nagtagpo ang aming mga mata, ngumiti siya at kumaway, tila ba walang nangyari sa aming nakaraan.
Naramdaman ko ang presensya ni Justine sa aking tabi at kinabig niya ang aking bisig. "Uy, Kyle, si Chantriel oh, mukhang hinihintay ka," bulong niya sa akin, puno ng kantsaw. Agad ko namang inilingan.
"Hi, Kylie my loves!" sigaw ni Chantriel, habang palapit siya. Napailing ako sa tawag niya sa akin. Hindi ko inasahan na muling maririnig ang malambing niyang boses na dati'y nagpapatibok ng puso ko.
"Busy ako, Chantriel. Wag ngayon," sagot ko, pilit na pinipigil ang sarili na magpaapekto sa presensya niya.
"Namimiss kita, hindi mo ba ako namimiss?" tanong niya, may halong lungkot at pag-asang makikita sa kanyang mga mata.
Sa puntong iyon, naramdaman kong nagiging sentro na kami ng atensyon sa bar. Pumasok ako sa restroom upang makatakas sa nakakailang na sitwasyon, ngunit bago tuluyang sumara ang pintuan, narinig ko ang sigaw ni Chantriel.
"Hihintayin kita!"
Napatingin ako sa salamin sa loob ng restroom. "Bakit ngayon pa?" tanong ko sa sarili ko, habang pilit na inaayos ang gulo sa aking isipan. Ang mga alaala ng aming nakaraan ay bumabalik, ngunit hindi ko alam kung handa na ba akong muling harapin ang mga ito. Dumaan ang mga minuto na tila ba naglalaban ang isip at puso ko.
Paglabas ko ng restroom, naroon pa rin si Chantriel, naghihintay, nakatingin sa akin nang may ngiti.
Bumalik ako sa loob ng counter upang magmix ng mga alak, pero kahit anong abala ko sa aking sarili, hindi ko maiwasan ang nararamdamang titig nito sa akin na para bang napapaso ako.
Sumapit ang alas dose ng gabi, at iilang mga tao na lamang ang natitira sa bar. Marami na ang umuwi dahil dumidilim na sa labas. Akala ko ay nakauwi na si Chantriel, ngunit nagulat ako nang makita ko siyang nakadapo sa mesa, tila natutulog na at mayroong bote ng alak sa tabi.
Nilapitan ko siya at pinatagilid upang alamin kung ano ang nangyari. "Chantriel, kailangan mo nang umuwi. Wala ka nang masasakyan," sabi ko, ngunit walang tugon mula sa kanya, tanging humihilik lang siya.
Nagdesisyon akong buhatin siya. Kinuha ko ang kanyang bag at isinabit sa aking balikat, saka nagsimulang lumabas ng bar. Naramdaman ko ang bigat ng kanyang katawan at ang higpit ng pagkapit niya sa aking leeg, na halos pumigil sa akin sa paglakad.
"Kylie, love," bulong niya, na tila pumipiga sa aking damdamin. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hindi na kami pwedeng magsama ni Chantriel, dahil ikakasal na siya sa iba. Subalit sa kabila ng lahat, nararamdaman ko pa rin ang dating pagmamahal at pangungulila niya.
Huminto ang tricycle sa tapat ng bar at maingat na pinaupo si Chantriel sa loob. Sa huling sandali, sinulyapan ko ang maamong mukha niya, ang babaeng minahal ko noon. Ngunit bago ako humakbang paatras, nahawakan niya ang aking braso, pinatitig ako sa kanya.
"Chantriel..."
"K-Kyle, mahal kita," bulong niya, ang boses ay puno ng sakit at pangungulila.
Tinitigan ko siya ng malalim, ngunit agad itong nauwi sa malamlam na tingin. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at maingat na inalis.
"You need to let go, Chantriel," sabi ko nang may pagsusumamo sa boses bago umalis ang tricycle.
Pagdating sa apartment ko, pagod ang unang naramdaman ko habang tinatanggal ang aking damit. Hindi na ako nag-abalang maligo, sa halip ay humiha na lang ako sa kama.
Sa tahimik na kwarto, naramdaman ko ang mainit na kamay na humahaplos sa aking pisngi, pababa sa aking panga. Napalakas ang pintig ng puso ko habang inaabangan ang susunod na pangyayari.
Mula sa liwanag ng buwan na tumatama sa bintana, hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita.
Ang babaeng ito...
"How intriguingly tragic this romance unfolds, don't you think?" mahinang tawa nito na nakapag-bigay kilabot sa aking sistema. "Oh, Welcome home, Fish."
Ang babaeng hindi ko inaasahang babalik dito!
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...