Chapter 22

79 9 0
                                    

"Ouch! Filthy little evil!" Napaatras ako nang batuhin ako ng maliit na demonyo habang seryosong nagbibilang ng mga buto ng mabagsik na demonyong hayop sa gitna ng kadiliman.

"Go away!"

Narinig ko ang mahinang hagikgik nito, parang musika ng kalokohan sa dilim. Gamit ang mga matang nasanay sa kadiliman, nakita ko siya, nagtatago sa likod ng isang pader malapit sa grand hallway ng mansion dito sa kailaliman ng lupa.

"There you are," sabi ko, tumayo at agad na lumapit sa kanya. Pinalibutan ko siya ng aking kapangyarihan, walang puwang para makatakas.

"You shouldn't hide here. Underground dogs might smell you," banta ko, dinidiin ang bawat salita upang matakot siya.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa, ngunit alam kong ramdam niya ang panganib. "Do you think you can scare me with your threats?" sagot niya, subalit ang kanyang boses ay nanginginig.

Sa isang iglap, pinahigpit ko ang aking hawak sa kanya, naramdaman ko ang kanyang takot. "Try me," tugon ko, puno ng determinasyon at galit.

Unti-unting naglaho ang kanyang ngiti, napalitan ng takot. Ang aking kapangyarihan ay tila baga'y apoy na sumusunog sa kanyang paligid, walang paraan para makatakas siya.

"D-don't hurt me," pakiusap niya sa wakas, ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa.

"Then tell me why you're here," utos ko, hindi inaalis ang kapangyarihan kong nakapalibot sa kanya.

"Gusto ko lang naman makipaglaro sa anak ng Hari!" Mahina siyang napahikbi, at naramdaman ko ang luha nitong pumatak sa aking kapangyarihan. Habang bumabagsak ang kanyang luha, may kung anong kumurot sa aking puso. Hindi ko inaasahan na ang isang tila makulit na demonyo ay may ganitong hinaing.

Nang bigla akong mapagtanto ang kanyang inosenteng hangarin, pinakawalan ko siya. Nang siya'y malaya na, napansin ko ang pagkakatanggal ng kanyang balabal sa ulo. Sa unang pagkakataon, lumantad sa aking harapan ang kanyang kulay itim na buhok at ang maputi niyang balat.

Ang kanyang mukha ay hindi nagpapakita ng kasamaan, kundi ng pagkalito at takot. Tumitig siya sa akin ng may halo ng kaba at pag-asa.

"Why do you want to play with the King's son?" tanong ko, pinipilit na maging kalmado kahit na ang puso ko'y bumibigat sa naririnig.

"Ang lahat ay ayaw sa akin dahil sa kung ano ako," paliwanag niya, ang kanyang boses ay pabulong. "Pero ang anak ng Hari ay hindi. Siya lang ang tumanggap sa akin kung ano ako."

Kaya lagi niya akong inaasar tuwing nagbibilang ako ng buto. Hindi ko masabi kung gaano na niya katagal itong ginagawa sa akin.

"I understand," sabi ko, ang aking boses ay malumanay na ngayon. "Pero sa lugar na ito, kailangan mong mag-ingat. Maraming mga nilalang dito ang hindi makakaintindi sa'yo."

Sinister Facades (Complete)Where stories live. Discover now