QAVIS LIERA. Iyon ang kanyang pangalan na matagal ko nang gustong malaman, mula pa noong isang gabi na nalasing siya, pagbisita sa akin, at sa misteryong pagpunta nito sa istasyon ni Officer Brixton. Ngayon alam ko na ang pangalan niya.
"I warned you, utter my name and you'll unlock a curse older than time itself."
"Chill, may bisita ako-"
"Did I ever care if you have a visitor? Even your fucking crazy flings-"
Natigil ang babae nang lingunin ko siya, para itong naputulan ng dila habang magkatitigan kaming dalawa. Bumuka ang bibig niya pero agad na itinikom ng wala itong makapagsalita.
"Qavis, this is Kyle Snapper, my friend since first year college."
Nakita ko ang pagform ng bilog sa kanyang labi.
"Kyle, this is Qavis, my bestie since fourth year college."
So kaklase niya ang babaeng ito? No wonder I don't know her.
"Seems like you two know each other, am I right?"
"No." sabi ko.
"Yes." sabi niya.
Nagtataka at palipat-lipat ang tingin ni Noel sa aming dalawa ng babae.
"Really?"
"Yes" sabay naming sabihin na mas lalong nagpalito kay Noel.
"Why are you here? Akala ko nasa trabaho ka pa?"
"Fuck off."
Nang makuha ng babae ang lakas nito, agad siyang naglakad, tinanggal nito ang takong na kulay itim habang patuloy itong naglalakad, hindi inabala ang sariling ayusin ito at para nalang hinayaang nakakalat kahit saan.
"Don't worry, ganyan siya pag sinaltik," bulong ni Noel sa akin, humagikhik pa ito bago lumapit sa nakakalat na takong ng babae at maingat itong nilagay sa lagayan. Doon ko napansin ang maraming takong na tila mamahalin, may iba't ibang brand na nandoon at halatang para sa mayayaman.
Jimmy Choo, Christian Louboutin, Prada, Valentino, Alexander McQueen, Salvatore Ferragamo, Gucci, Chanel, Miu Miu, Stuart Weitzman, Aquazzura, Bottega Veneta, Gianvito Rossi, Louis Vuitton, YSL, at iba pa. Halos koleksyon na ito ng mga takong mula sa iba't ibang brand.
"She likes collecting different brands, not just high heels worth millions, but also bags and formal wear," paliwanag ni Noel habang tinitingnan ang mga gamit ng babae.
Parang hindi lalaki ang nakatira sa unit dahil sa mga kagamitan ng babae. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga koleksyon niya.
"Saan kayo nagkakilala?" biglang tanong ni Noel sa akin.
"Sa bar," tipid kong sagot. Ang mga alaala ay tila bumalik sa akin.
"Oh, I never thought she'll drink other alcohols... Sa red wine kasi siya mahilig," dugtong niya bago napansin kong huminto siya.
"Hey, dickhead." Napatingin kami ni Noel sa babaeng sumisilip sa bahagyang nakabukas na pintuan. Kunot ang noo nito habang pinapaypay ang ilong gamit ang kanyang kanang palad. Parang may kakaibang amoy na hindi niya nagustuhan.
"Why does the surroundings smell like that?"
"Like what?"
"Manly scent."
"Ah, baka si Officer kanina, matapang kasi ang amoy niya noong pumasok siya dito sa loob-"
"Officer what?"
"Kasama ni Kyle na naghatid dito." Paliwanag ni Noel sa babae. Ngunit nanatiling nakatayo ang babae sa pintuan, blangko ang mukha, bago sinara ang pintuan.
"Sorry about that, she's sensitive when it comes to colognes, that's why."
Makaraan ang ilang sandali, nagsalita si Noel. "That room," tumingin ito sa kwarto ng pintuan kung saan isinarado ng babae. "Iyon ang magiging room mo, pero don't worry may two beds doon," dugtong niya.
Napalunok ako. "Ah, okay. Salamat, Noel."
"Sure, no problem. Settle down muna, Kyle. I’m sure you’re tired from the trip."
Nagpasalamat ako kay Noel bago siya pumunta sa kusina, pinuntahan ko ang kwarto at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto.
Pumasok ako at nakita ko ang dalawang kama. Isa sa mga ito ay may mga gamit na, marahil sa babaeng si Qavis. Sinubukan kong ngumiti sa kanya, pero tila malamig ang naging tugon niya.
"Hey," bati ko, pilit na binibreak ang tension sa kwarto.
Nag-angat siya ng tingin pero hindi nagsalita. Tila may mabigat na iniisip si Qavis, pero hindi ko na ito pinilit. Nag-ayos ako ng aking mga gamit at naupo sa kama.
Habang nagpapahinga, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa Villa Romanillos. Pero ngayon, kailangan kong ituon ang sarili sa bagong simula dito sa unit ni Noel, kahit na may kakaibang aura ang paligid.
Kakaibang aura?
Bakit ganoon?
Malamig, na medyo mainit sa pakiramdam, tila nang-iimbita ito.
Nahiga ako pa-side upang alisin ang nararamdamang kakaiba, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at paggising ko, hapon na. Bahagyang tumatama ang paglubog ng araw sa loob ng kwarto mula sa bintanang nakabukas. Bumangon ako sa pagkakahiga at saka kinusot ang magkabilang mata.
"Good afternoon," bati ng babae, si Qavis. Napaangat ang tingin ko sa kanya, doon ko napansin na nakasuot na ito ng pambahay na kasuotan, pero halata pa rin na mamahalin ito. "You slept almost Ten hours," sabi niya.
Medyo nagulat ako sa oras. "Pasensya na, hindi ko namalayan ang oras."
Tumango si Qavis, at bahagyang ngumiti. "Don't be, it's a good thing you rested. Because tonight, you won't be getting much sleep... it's Noel's day."
Napakunot ang noo ko. "Noel's day? Ano yun?"
Ngumisi si Qavis, tila may tinatago itong lihim na kasiyahan. "Oh, you don't know? It's a celebration we do every now and then. Parang reunion namin ng mga college friends. But it's more than that—let's just say, it's quite an experience."
Nangilabot ako sa sinabi niya, pero sinubukan kong magpakasigla. "Sounds interesting. Anong kailangan kong gawin?"
"Just be yourself and enjoy." sagot niya, bago lumabas ng kwarto.
Naiwan akong nag-iisip sa mga sinabi ni Qavis. Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa "Noel's day"? Kakaiba ang dating nito, at tila may misteryo sa bawat salita niya. Pero wala na akong magagawa kundi maghintay at alamin kung ano ang mangyayari mamaya. Tumayo ako mula sa kama, inayos ang sarili, at naghanda para sa darating na gabi.
Naligo ako mula sa malawak na shower room, hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko. Pakiramdam ko, ang lahat ng mga bangungot ay unti-unting nawawala na, marahil dahil nandito ako sa unit ni Noel. Sa bawat patak ng tubig, para bang nalilinis din ang aking isip at damdamin mula sa mga pangit na alaala ng nakaraan.
Matapos maligo, nagbihis ako ng malinis na damit at huminga ng malalim. Naririnig ko mula sa labas ng kwarto ang mga tawanan at usapan ng mga tao. Tila nagsisimula na ang selebrasyon. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa sala kung saan naroon si Noel at ang ilang mga kakilala namin mula noong kolehiyo.
"Hey, Kyle! Halika dito!" sigaw ni Noel, na tila masayang-masaya. "Meet the gang, some of them you might remember."
Masaya ang paligid, puno ng tawa at kwentuhan. Pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kaunting kaba. Habang patuloy ang kwentuhan at tawanan, napansin kong si Qavis na nakasuot ng plain dress na kulay itim, ay tahimik lang sa isang sulok, na tila nagmamasid. Nang magtama ang aming mga mata, ngumiti siya, ngiti na tila nakakatakot pero matamis itong tignan.
Makalipas ang ilang sandali, tumayo si Noel at kumatok sa isang baso para makuha ang atensyon ng lahat. "Okay, everyone, it's time for the main event of Noel's day! I hope you're all ready!"
Naghiyawan ang lahat, halatang sabik na sabik na sa kung ano mang mangyayari.
"Happy birthday, Noel!"
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...