Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti kong napapansin na pareho kaming lumalaki hanggang sa naging matured na ang aming mga katawan. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumalim ang pagkakakilala ko sa kanya. Parang mayroon kaming espesyal na koneksyon na bumubuklod sa amin. Sa mahabang panahon ng aming pagsasama, walang kamalay-malay si Dad na may kasama ako dito sa kwarto ko araw-araw.
"Good evening, Your Infernal prince!" Bati niya sa akin pagkatapos umupo sa kulay pulang sofa na malapit sa king-size na kama ko.
"You came early."
Napansin ko ang suot niyang itim na dress, may mahabang manggas na maayos na sumisiksik sa kanyang katawan, na nagbibigay-diin sa kanyang makinis na balat na kulay puti. Ang kanyang itim na buhok ay bahagyang nakataas at napapalibutan ito ng kumikinang na maliliit na diyamante.
Hinalikan ko siya sa ulo nang lapitan ko siya, bahagya kong hinawakan ang baba niya.
Sanay na ako sa gawain na paghahalik sa kanya sa ulo, tila pagpapakita ng aking galang sa kanya.
"How was your day?" tanong ko pagkatapos kumuha ng sariwang blood wine sa lamesa at maingat na isinalin ito sa wine glass.
"It was good. May mga inasikaso lang ako sa mansion," sabi niya habang nakatingin sa akin.
"That's good," tugon ko sabay ngiti habang nilalapitan ko siya sa kinaroroonan niya. Nang makalapit na ako, pareho naming inubos ang laman ng wine glass.
"My father will soon meet your Infernal Majesty. He wishes to meet my soon-to-be husband," sabi niya.
"Oh, thinking of marrying me?" biro ko.
"Nag-usap na tayo tungkol dito," sagot niya ng seryoso. Mahina akong humalakhak sa kanyang naging reaksyon.
"We've already reached one hundred years of age, my love," dagdag niya.
"But we still haven't developed a single wrinkle or aged at all."
"We're a demon."
Thinking of her and seeing her all day makes my day feel better. Bawat pagdating niya, parang natatanggal ang anumang problema na bumabalot sa akin.
Ang kanyang presensya ay nagbibigay ng kasiyahan at kapayapaan sa puso ko. Tuwing nariyan siya, parang nagliliwanag ang buong araw ko.
Hindi ko inakalang makakakilala ako ng isang babaeng katulad niya. Napakakaiba niya sa mga babaeng nakilala ko sa nakaraan—may sariling kakaibang kagandahan at pagkamakabuluhan na hindi ko matantya. Sa bawat pagkakataon na magkasama kami, ramdam ko ang espesyal na kakaiba niyang enerhiya na nagpapaligaya sa akin at nagbibigay ng bagong sigla sa bawat araw. Gusto kong maging bahagi ng kanyang buhay, at nais kong maging bahagi rin siya ng akin habang buhay.
Nalaman ko ang buong buhay nitong paghihirap na nagtatago mula sa ibang demonyo. Siya ay isang kakaibang nilalang na demonyo, isang mahinang nilalang na may sariling mga pagsubok at pagkakataon. Ngunit alam ko na hindi siya pwedeng asawahin ng sino man dahil may mga batas na itinakda ng mga nakakataas. Para sa mga matataas na ranggo, ang kanilang mga asawa at kapantay ay dapat din mula sa mga ranggong mataas. Sa kabilang banda, ang mga mas mababang ranggo ay mayroon din ang kanilang mga kapalaran na mas mababa kaysa sa mga ito.
Pero ang batas na iyon ay hindi naging hadlang sa aming namumuong pagmamahalan sa isa't isa, kahit na marami ang gustong tumutol.
Pero hindi ko naman akalain na isang iglap, nasa grand hallway na ako ng mansion, ang paligid ay bumabalot ng matinding aura ni Dad.
"Dad?"
"Are you ready to meet the royals—" biglang nasabi ni Dad, ngunit mabilis kong pinutol.
"I can't."
"What's her name again? Oh, Eisheth."
Nanlamig ako sa narinig na tila dumaloy ang mga kaluluwa sa buong katawan ko.
Paano niya nalaman?
"That's her name, isn't it?" tanong niya.
"How'd you know?" balik ko, pilit pinapakalma ang aking boses.
"I constantly sense her presence. As a demon like you, my son, I understand these things all too well," tugon niya, puno ng kumpiyansa.
"Why her, all of a sudden? Don't you dare lay a hand on her."
Mahinang natawa si Dad sa aking sinabi, "How dare you speak to me that way. Know who you are addressing, young man."
"You still haven't changed, have you? Fixing me with someone I can't even bear to imagine having a family with—"
Dumaloy ang kakaibang init mula sa aking paa, pataas sa aking katawan, halos bumakat sa aking balat ang nagliliyab na ugat ng apoy. Ang poot at pangamba ay naghalo, binabalot ang aking buong pagkatao.
Lumabas ang kakaibang wangis ni Dad, nagpakita ang totoo niyang anyo bilang hari ng mga demonyo sa kailaliman.
"Don't tell me you've already become obsessed with that low-class demon?" tanong niya, puno ng paghamak.
"S-she's not a low-class d-demon," sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko.
"Yes, she is. No wonder other demons don't like her," balik niya, ang kanyang mga salita'y tumatama sa akin na parang mga patalim.
Nasaktan ako sa kanyang sinabi, ngunit hindi ko hinayaang kainin ako ng nararamdaman. Gumanti ako at naglabas ng mainit na apoy mula sa aking palad. Nararamdaman ko pa ang marahang pag-init ng aking mga mata habang nakatitig kay Dad, na taas-noo ring nakatingin sa akin, may ngisi na sumilay sa kanyang itim na labi. Ang kanyang anyo ay naglalabas ng mas matinding aura, tila pinapakita ang kanyang lubos na kapangyarihan.
"I must confess, El Diego, the notion of you marrying her doesn't quite sit well with me."
"Dad, you can't control me anymore. I'm old enough, and I need a wife of my own choosing."
"El Diego, it goes against our principles. You cannot marry someone who isn't your equal,"
"You're very stubborn, aren't you. If that's what you want, I'll send you somewhere in the earth, no memories of who you are. If finding a wife was your plan, go and find a person who you can mate there. But never her, for they are not your equal!"
"She is my equal!"
Nabalot ng katahimikan ang paligid matapos kong ilabas ang matinding galit sa kanya. Hindi ko namalayan, nagiinit na ang buong katawan ko sa tindi ng galit at frustration na nararamdaman. Napansin ko ang pagbabago sa kanyang reaksiyon, na nagpabago ng aking pagtataka.
"You amuse me, young man. You're already becoming like me," sabi ni Dad, ang tono'y halos nakakatakot.
Naguluhan ako, kaya't tinanong ko siya, "What?"
"Look at yourself, see how far you've come. You've truly become the embodiment of a demon. But," biglang nagbago ang kanyang tono, naging mapanganib. "But that means you are not worthy of that woman, because she is different from you."
"I'll break the laws, I'll break everything just to be with her!" mariing sabi ko, wala na akong pakialam kung against ako sa batas, ang mahalaga ay mapasaakin si Eisheth.
YOU ARE READING
Sinister Facades (Complete)
Romance"Behind every sinister facade lies a tale of hidden intentions." *** Kyle Snapper Alonzo wakes with no memory except for an old bar where he once tended nights. When news of mysterious killings linked to a woman with red eyes emerges, Kyle's world i...