Chapter 25: Tiwala
[Mae Shin POV]
"Nabobored ka na ba.?" Wika ng katabi ko
"Hmm, hindi naman. Sadyang nais ko lang matulog." Sagot ko
Nandito na kami ngayon sa loob ng mafia kingdom. Nakaupo na ako sa aking trono.
"Naku naman, bakit wala pa sila?. Nababagot na ako." Rinig kong reklamo ni Cindy
"Tsk, wag ka ngang magreklamo diyan. Kami nga kanina pa nababagot, nagreklamo ba kami.?" Pilosopong sabi ni Cedrick sa kaniya
"Eh! Kasi naman."
Hindi ko na sila pinakinggan pa. Bagkus itunuon ko ang aking pansin sa dalawang ginoo na nakaupo malapit lamang sa'min. Ang tahimim nila, wala ba silang balak magsalita.
"Kung nakakamatay sana ang matalim mong titig, kanina pa sila nakahandusay sa sahig." Wika nito malapit sa aking tenga
"Tsk, sana nga. Para hindi na ako mahirapan pa na kausapin sila at magplastikan sa kanila." Sagot ko sa kaniya habang hindi lumilingon
Hindi lamang ako nakatingin sa kanila, lumilinga din ako sa ibang lugar upang sa ganon hindi nila maramdaman na kanina ko pa sila pinapanood.
"Hindi ko alam na malakas pala ang enerhiya mo." Wika nito ulit, kaya naman agad ko siyang nilingon
"Tsk, ano ka ba! Kanina ka pa." Sabi ko
"Tsk, bakit ayaw mo ba.?"
"Tch, bakit sa tingin mo gusto ko ang ganiyang tao. Wala akong pakialam kung ikaw ang tunay kong fiance." Giit kong sabi
"Aba'--." Magsasalita pa sana ito ng may biglang nagsalita sa aking likuran
"Kamahalan!. Paumanhin kung wala parin sila." wika nito
Hindi ko ito nilingon, dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko ngayon. Baka hindi ko mapigilan na..na..yakapin siya. Mahal ko kasi siya, siya ang unang lalaki na minahal ko. Ang unang lalaki na pinagkatiwalaan ko. Kaya lang lahat ng nararamdaman ko sa kaniya dapat hindi nangyari, dahil siya ang dahilan kung bakit ngayon hinagpis, galit at pangugulila ang nadarama ng buong puso ko. Hindi ko nga alam kung kaya ko siyang harapin at kausapin, lalo na't alam ko na ang lahat.
"Young Empress. Alam namin na nababagot na kayo. Kung hindi niyo naman po kayang maghintay, maaari na po kayong umuwi. Sa susunod na lang po kayo magpatawag ng pagpupulong." Sa sinabi niya napaharap ako sa kaniya na walang emosyon.
"Hindi ko kailangang umuwi kaya kong maghintay, kahit anong oras man sila dumating. Maghihintay parin ako." Walang emosyon kong sagot
Nakita ko ang pagbago ng reaksiyon ng kanilang mga mukha sa sinabi ko. Alam ko nagtataka na kayo kung bakit ganito na ang aking asal.
"Empress!. Tila nagbago na kayo." Jarold said
Tiningnan ko siya sa kaniya mga mata.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin.
"Yes, I'm change. I change myself for good."
"But why.?" Puno ng pagtataka ang mababasa mo sa kaniyang mga mata
"Para maging mahusay na pinuno ng buong clan. Hindi ba ikaw na mismo ang nagsabi sakin na. Kailangan kong magbago upang maging mahusay akong pinuno kapag dumating na ang oras na umupo na ako sa trono."
"Oo, sinabi ko yun. Pero hindi ibig sabihin no'n maging sa'min magbabago ang pakikitungo mo."
Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...