[𝐌𝐚𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]
"What happened to her? And who's that girl?" Bungad na tanong ni Tyler sakin ng makarating na siya dito sa hospital. I call him para tulungan ako na maiuwi sila Elle sa mansion.
"Nadaplisan ng bala si Nathalie." Mahinahon kong sagot
"What the!! N-nadaplisan? Are you sure by that Mae?" Hindi makapaniwala nitong tanong
"Yes, I'm really sure."
"Kung nadaplisan lang naman pala ng bala. Bakit ngayon hindi pa siya nagigising.?"
"Dahil may halong lason ang bala na tumama sa kanya. Kaya ngayon hindi pa siya nagigising." Sagot ko na ikinabago naman ng reaksyon nito
"Sino naman ang may gawa nito?" Muli nitong tanonh, pero bakas sa kanyang boses ang pagkaseryoso.
"Tyler, pwede ba mamaya ko na sagutin lahat ng mga tanong mo. Gusto ko iuwi muna ang dalawang yan sa bahay. Baka may pumunta na naman dito at tuluyan na silang patayin." Sabi ko sa kanya na, ikinasangayon naman nito
"Okay." Tipid nitong tanong
Agad naman naming inayos ang gamit ng dalawa. How i wish, walang humarang sa dinadaanan namin.
Lumabas na ako ng kwarto. Naka wheelchair si Elle habang si Min naman binuhat ni Tyler. Binilisan namin ang paglalakad.
"Hindi ko akalain na mabigat pala kapatid mo." Biglang reklamo ni Tyler
"Tsk, sinabi ko naman sayo na sila Kevin na lang ang magbuhat kay Min. Kaya lang ayaw mo, edi buhatin mo siya hanggang sa parking lot."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Dumaan kami sa exit para sa ganon walang makakita samin. Hindi kasi ako sure kung ligtas sila Elle dito sa hospital. Lalo na si Zeke ang may gustong pumatay sa kanya. Kilala ko si Zeke, hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.
"Ate Mae, uuwi na ba tayo?" Biglang tanong ni Elle sakin habang tinutulak ang wheelchair niya
"Ahm, yes Elle. Uuwi na tayo kaya konting hintay na lang." Nakangiti kong sagot sa kanya
"Mabuti naman kung ganon. Kanina ko pa kasi nararamdaman na may mangyayari sa buong hospital." Ani nito na nakakuha ng atensyon naming lahat maging si Tyler na kanina pa nahihirapan sa pagbuhat kay Min.
"What do you mean by that.?" Tyler ask
Lumingon naman si Elle sa kanya.
"I'm not sure.. Pero yun ang nararamdaman ko. Kanina pa ako kinakabahan." Sagot naman ni Elle na animo'y kinakabahan talaga.
"Okay, nandito na tayo. Kaya sumakay na kayo, baka may makakita pa satin dito." Biglang sabi ni Tyler, kaya naman luminga-linga ako sa buong paligid. Baka kasi may makakita samin.
"Mae, ano na? Tara na. Baka may makakita pa satin dito." Biglang tawag sakin ni Tyler. Ako na lang kasi ang hindi pa nakakasakay si Elle naman ipinasok na ni Kevin.
Agad naman akong sumakay. Pero kahit ganoon, nakatingin parin ako sa labas ng parking lot. Para kasing nakaramdam ako na may mga matang nanunood samin.
"Ate Mae? Are you okay?" Biglang tanong ni Elle, na tila kinakabahan
"Ah eh, oo naman Elle. Okay lang si Ate. Mabuti pa umidlip ka muna diyan dahil mahaba pa ang biyahe." Sabi ko sa kanya
"Hindi naman po ako antok." Sagot nito
"Alam mo Elle, tama ang ate Mae mo. Mabuti pang umidlip ka muna dahil mahaba ang biyahe. Sige ka mas lalong maghihina ka niyan."
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
Hành độngSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...