[Scarlett's POV]
At the call. "Okay! Tawagan mo ako kapag may bago kang information." bilin ko sa kausap ko sa kabilang linya.
Nasa loob lang ako ng kwarto. Hindi pa ako lumalabas. Ayoko muna silang makita ngayon. I just want to focus on my plan. Lalabas lang ako kapag nakaisip na akong plano.
"Tok!Tok!Tok!" someone knocking at my door.
Naglakad ako patungo doon upang tingnan kung sino ang kumakatok.
Binuksan ko ito ang bumungad sakin ang napaka gwapong nilalang. Ngumiti ito ng matamis.
"Dinalhan kita ng makakain." saad nito sabay pasok sa kwarto ko
Napa smirk na lamang ako. Hindi man lang siya nagtanong kung pwedeng pumasok.
Nilagay na lamang niya ang dala nitong pagkain sa mesa at sabay lingon sa akin.
"By the way. Bakit hindi ka lumalabas ng room mo? May problema ka ba?" tanong nito na may halong pag-aalala.
Tiningnan ko siya ng nakakaloko. "Bakit gusto mo bang samahan ako dito?" maloko kong sabi dito na ikinanginig ng buong katawan nito.
"A-ah e-eh...w-wag na lang. S-sige maiwan na k-kita...m-may gagawin pa pala ako." utal-utal nitong sabi na ikinangiti ko ng kaonti.
Hindi ko alam kung bakit sila na uutal sa oras na tingnan ko sila ng seryoso o kaya naman nakakaloko. Hindi ko naman sila kakainin.
Nang tuluyan na itong makalabas ng kwarto agad kong nilock ang room at doon bumalik na ako sa aking ginagawa. Kinuha ko ang laptop ko at sabay open ng account ko sa Facebook. Meron akong titingnan na facebook friends na alam kung palaging active sa mga balita katulad na lamang ng problema sa pamilya ko. She's an stalker. Yes she's a girl but look like a boy. Because she likes to wear a boy clothes i don't know.
Nang mabuksan ko na ang facebook account ko, someone send me a message that shocked me.
[From Unknown: Be ready on Sunday, you're enemy will attacked your mafia organization.]
Agad naman akong nagreply sa kanya.
["Who are you? Bakit mo sinasabi sakin ito?"]
Nakita kong nag tatype siya. Kaya naman hinintay ko hanggang sa isend na niya ito.
[From Unknown: I'm not an enemy and also I'm not your ally. I just want to inform you this because i don't want someone die with their hands. I hope your going to have a good plan about this.]
Napaisip ako saglit at napatingin muli sa reply nito. What should i do? Hindi ko inaasahan na sa linggo sila aatake, ang akala ko kapag kabilugan na ng buwan. Pero bakit ang aga naman, hindi kaya may iba pa silang binabalak.
Ting!!
Another message has been send.
[From unknown: Do your best to win on this war. Sana makamtam mo na ang matagal mo ng gustong makamit—ang kalayaan.]
Nang mabasa ko ito, may biglang pumasok sa isipan ko. Ang mga katagang ito parang matagal ko ng nabasa at narinig. Pero hindi ko alam kung saan at kanino ko ito narinig.
"Scarlett! Gusto kang makausap ni Mom." malakas na sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto kaya naman napalingon ako sa pinto.
Napatakip na lamang akong mukha ng tawagin niya ako. "Nakakainis naman sila!" inis kong sabi habang takip ng dalawa kong kamay ang aking mukha.
"Scarlett!" muli nitong tawag sakin kaya naman napatayo ako at nagtungo sa pinto sabay itong binuksan.
Tiningnan ko siya ng matalim. "Ano ba! Hindi ba't sinabi ko na ayoko munang maistorbo ngayon. Hindi ba kayo marunong makinig?" galit ko sabi sa kanya
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...