[Scarlett POV]
Nakauwi na ako ng bahay. Lahat sila lubos na nagalala sa nangyari, lalo na ang aming ina.
Nandito ako ngayon sa aking silid, nagiisip kung paano ko mapapatigil ang away sa pagitan ng dalawang Mafia. Gusto ko ng matahimik ang aming buhay, ayoko na sa ganitong mundo na panay patayan ang nangyayari. Naglakad ako patungong terrace, pinagmasdan ko ang mga ngiti nila na tila animoy walang problema na hinaharap. Ibig kong bumalik sa pilipinas, magaganda ang mga tanawin doon lalo na sa probinsya. Kailan kaya kami makakabalik sa lugar na kung saan namin naranasan ng aking mga kapatid ang masayang pamumuhay. Tahimik akong nagiisip ng biglang tumunog ang aking telepono. Kaya naman agad ko itong sinagot.
"Hello! Who's this please?" bigla kong tanong sa kabilang linya
"Free ka ba today miss Han?" saad nito na ikinataka ko sa tanong nito
"Oo naman, pero sino ka ba? Kung nangloloko ka ng tao, pwes wag ako. Iba ako kung magalit." turan ko sa kanya na ikinatawa nito
"Hahaha! Hindi ka parin nagbabago, ganyan palagi ang sinasabi mo sa mga taong hindi mo kilala." saad nito
"Alam mo naiinis na ako, magpapakilala ka ba o hindi?" irita kong tanong
"Pumunta ka dito sa Thailand, kailangan natin magusap." saad nito na ikinakunot noo ko
"Sino ka naman para pakinggan ko ha?" mataray kong sabi
"Kung hindi ka sumunod sa sinabi ko, hindi mo makukuha ang tahimik na buhay na matagal mo ng gustong mangyari." saad nito na ikinatahimik ko. Pamilyar ang mga salita niya, para bang may nagsabi na saakin ng mga katagang 'yon, pero sino?
"Totoo ba ang sinasabi mo?" paninigurado ko sa kanya
"Oo, magisa ka lang pumunta dito. Wag na wag kang sasama ng iba kung ayaw mong masira ang plano na sasabihin ko sayo sa oras na nakarating kana dito." bilin nito
"Okay, pupunta ako diyan." sagot ko
"I will send you the adaddress where we can meet. Before you go here, just make sure na walang makakaalam kung saan ka pupunta. Dahil ang plano na sasabihin ko sayo ay napaka-importante, at ikaw lang ang pwedeng makaalam nito. Naiintindihan mo ba Scarlett Han?" saad nito na ikinatango ko
"Oo, wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan."
"Magaling kung ganon. Maghanda kana, ngayon mo kailangang umalis."
"Okay bye." agad ko pinatay ang tawag at sabay ligpit ng gamit. Konti lang ang dadalhin kong damit dahil pwede naman doon na lang ako bumili ng mga gamit. Besides, may bahay naman kami doon na ako lang ang nakakaalam.
Nagbihis na ako ng mabilis, ang isinuot ko ay isang ternong Cargo Pants na kulat itim at sumuot din ako ng jacket para hindi makita hubog ng katawan ko. Naglagy din ako ng konting make up at agad lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan, ramdam ko na may mga matang nakatingin sakin kaya naman hindi ako nagpahalata na alam kong tinitingnan nila ako. Nang makababa na ako ng hagdan nakita ko silang nakatingin sakin, lalo na si Clyde. Sorry Clyde iiwan muna kita sa kanila.
"Sandali! Scar! Saan ka pupunta? Bakit may dala kang bag?" biglang tanong P'Win na ikinatango ng iba
"May pupuntahan lang ako, hindi naman ako tatagal." kalmado kong sagot, wag kang magpapahalata Scarlett
"Kung ganon samahan na kita," biglang sabat ni Clyde na ikinatingin ko sa kanya ng masama
"Hindi ka pwedeng sumama Clyde." sabi ko
"P-pero bakit?"
"Nakalimutan mo na ba na gusto kang kunin ng mga kapatid mo sakin. Kaya naman dito ka lang sa bahay, wag kang aalis ng hindi nila alam. Hindi naman delikado ang pupuntahan ko, sadyang kailangan ako lang mag-isa ang pumunta. Babalik ako ka agad, pangako yan." saad ko
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
AcciónSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...