Chapter 29: The Real Min Lee Han
[Mae Shin POV]
Maaga akong nagising dahil sa sikat ng araw na dumapi sa aking mga mata.
"Miss Mae! Ang aga niyo naman pong magising." Wika ng mga maid
"Ahm, bakit? May problema ba kung maaga akong nagising.?" Sabi ko
Nagkatinginan silang lahat dahil sa aking tanong.
"Ahm, hindi po kasi kami sanay na maagang nagigising ang aming mga panauhin. Katulad na lamang po ng inyong kapatid. Mga 9:30 na po itong nagigising." Wika ng isang maid na tila kinakabahan
"Kung ganon, palaging puyat ang aking kapatid." Sabi ko sa kanila
"Hindi po namin alam miss Mae. Ang alam lang po namin ay nasasarapan lang ito sa tulog kaya't huli na po itong magising." Sagot naman ng isa
Napaisip ako bigla. Hindi naman ganon magising ang kapatid ko. Sa tuwing kasama ko siya 6:30 am palang gising na ito. Pero bakit ngayon, may nagbago sa kaniya.
"Ganon ba. Hayaan niyo muna siya. Mabuti na yun upang makapagpahinga ito ng mahaba. Ang sir Nathan niyo pala, gising na siya.? May kailangan kasi akong sabihin sa kaniya." Saad ko
"Si sir Nathan po ba?"
"Oo, nakita niyo ba siya.? Maaari niyo bang sabihin sakin kung nasaan siya ngayon.?" Turan ko
"Actually, hindi po namin siya nakikita simula kanina." Sagot nila
"Ah ganon ba?. May alam ba kayong lugar na pwede niyang puntahan na magisa?"
"Meron po." Bigla sagot ng pinakabata sa kanila.
Base on what I've observed. Lahat ng maid ng tarantado, magaganda, sexy at bata. Wala akong nakikitang matanda, maliban na lang sa ibang bodyguard sa labas. Hindi kaya babaero ang Nathan na'to.
"Saan?"
"Sa library po, madalas po siyang pumupunta doon upang magbasa ng mga bagong libro na kaniyang binili. Kaya maaaring nandoon po siya ngayon."
"Salamat. Maaari na kayong bumalik sa inyong ginagawa. Pupuntahan ko muna siya." Sabi ko sa kanila habang nakangiti
"Sige po."
Naglakad na ako patungong silid aklatan. Sana nandoon siya upang hindi na ako mapagod pa sa kakahanap. Nang nasa tapat na ako ng library at pipihitan ko na ang doorknob ng biglang may pumigil sakin kaya naman nilingon ko ang taong mapangahas na hawakan ang aking kamay. Alam niyo na baka may virus, hindi pa kaya nawawala ang COVID. Iwas muna tayo, ayokong dapuan ng virus na yan.
"Anong ginagawa mo dito?" Wika ng baritonong boses, kaya naman tiningnan ko ito
"Tsk, hinahanap ko lang naman ang nagngangalang Nathan, dahil may kailangan pa kaming pagusapan." Mataray kong sabi
"Tch, bakit dito pa sa library mo naisipan na hanapin.?" Walang emosyon nitong sabi
"Dahil, ayon sa mga tagasilbi nito, madalas daw itong pumupunta sa silid aklatan upang magbasa ng bagong aklat kaya naman nandito ako." Sagot ko habang nakatitig sa kaniya habang walang emosyon
"Tch, you don't need to come inside." He said, kaya naman napataas ang kanang kilay ko
"Why.?"
"Tch, because the person you are looking for is already in front of you." He says full of seriousness
"What? Are you sure by that?. Kasi ang pagkakaalam ko, pangit yung Nathan na nakilala ko kagabi at hindi lang 'yon parang may pagkabaliw din." Sabi ko na dahilan na ikinainis nito
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...