Chapter 2: Going Back
........10 years later........
[Mae Shin Han POV]
Sampung taon na ang nagdaan ng mangyari ang trahedya na nagpagulo sa'min ng aking kapatid. Pinatay nila ang ang aming magulang sa hindi malaman na dahilan. Hindi parin maalis sa aking isipan ang maghiganti sa pagkamatay nila. Hindi ko sila mapapatawad, kung ano ang ginawa nila sa magulang namin yun din ang gagawin namin. Sabi nila dapat fair kaya 'yon din ang gagawin namin para fair.
"Empress Shin! Handa na po ang sasakyan ninyo." Sabi ng maid namin
"Ah sige pakitawag na din ng kapatid ko sa itaas." Sabi ko,
Babalik na kami ngayon sa korea upang hawakan ang lahat ng mga naiwan ng magulang namin na negosyo. Kami ang hahawak nito dahil kami ang tagapagmana ako at ang aking kapatid na si Min Lee ang magpapatakbo ng mafia organization na naiwan nila habang busy kami sa lahat ng negosyo ng pamilya namin mag-aaral din kami sa isang paaralan na pinangalan din sa'min. Subalit kailangan naming mag desguise bilang isang normal na tao. Uumpisahan namin ang paghahanap sa kalaban sa pamamagitan ng kanilang anak, napag-alaman ng mga tauhan ko na nagaaral sa paaralan na 'yon ang anak nila. Kaya ang kailangan lang naming gawin hanapin kung sino sa kanila ang mga ito.
"Ate bakit ka pa nandiyan halika na!! Baka malate pa tayo sa airport!" Sigaw sa'kin ng kapatid ko habang pababa ng hagdan
"Hinihintay lang kita sis, gusto ko sabay tayong sumakay ng kotse." Ngiti kong sabi
"Sweet naman ng ate Mae ko! Yan ang gusto ko sayo eh." Sabi nito ng nakababa na at agad niya akong niyakap.
Bata kung magisip ang kapatid ko but, demonyo kung magalit.
"Halika na naghihintay na si Zeke sa labas baka magalit pa yun." Sabi ko
"Matanda na kasi siya kaya kung magalit parang ewan." Wika nito na ikinatawa ko
"Ano ba ang tagal niyo! Mahuhuli na tayo!" Sigaw nito sa'min ng nakalabas na kami
"Oh! diba matanda na!!" Hinhin ng kapatid ko sa'kin
"Tsk, wala kang pakialam! Tiyaka kung mahuli man tayo hindi sila agad aalis dahil dalawang empress kaya ang sasakay sa eroplano nila. May private jet naman tayo hindi ba? Kaya don't worry!" Sagot ko sabay sakay sa kotse, driver namin ang pinsan niyang si Mark habang siya naman ay nasa kabilang kotse. Katabi ko ang kapatid ko. Si Mark ang personal butler ng kapatid ko habang yung sa'kin naman ay nasa korea. Pinauna ko na kasi siya para paghandaan ang pagbabalik namin.
"Ate Shin!?" Tawag sa'kin ni Min habang nagbabasa ito ng aklat
"Ano yun Min?" Sagot ko
"Handa ka na ba?" Tanong nito na ikinakunoo ko naman
"Handa saan?" Taka kung tanong
"Handa ka ng balikan ang lugar kung saan nangyari ang lahat? Ang lugar na nagpagimbal sa'tin? Ang lugar na dahilan ng pagkamatay ng magulang natin?" Tanong nito na ikinahinto ko sa kaka scroll sa facebook.
Tama siya handa na ba ako? Handa na ba akong balikan ang lugar na dahilan ng lahat ng poot, galit at hinagpis na aming nararamdaman? Handa na ba akong makita ang lahat ng mga iniwan sa'min ni mom at dad?
Nilingon ko si Min, at ngumiti ng peke.
"Hindi ko masasagot yan sis, basta gawin na lang natin ang lahat. Maghihiganti tayo sa mga gumawa no'n, yan ang itatak mo sa buong isipan mo." Ngiti kong sabi sabay yakap sa kaniya
"Ate alam mo nabalitaan ko na may bagong studyante sa school na papasukan natin. Sila na kaya ang hinahanap natin?" Wika nito
"Hindi ko alam sis, pero sana sila na nga para hindi na tayo mahirapan sa paghahanap." Sagot ko sa kaniya
"Hindi ba ate hahanapin natin ang anak nila o kamag-anak nila tapos gagawing kakampi natin upang sila ang humarap sa mga magulang nila?" Wika nito ulit, yun ang alam niya, ang gawing kakampi ang anak ng mga hay*p na yun! Nagsinungaling ako sa kapatid ko. Papatayin ko din ang mga anak nila! Ipaparamdam ko sa kanila kung gaano kasakit mawalan ng isang magulang.
"Oo sis, kakaibiganin natin sila for real at gagawing kakampi." Ngiti kong sabi sabay tingin kay Mark na nakatingin din sa'min gamit ang mirror sa itaas niya.
Sorry Min pero kailangan kong magsinungaling sayo, maiintindihan mo din ito sa huli hindi muna ngayon.
"Your highness nandito na po tayo." Wika ni Mark kaya napatingin na lang ako sa labas nandito na nga kami. Kaya bumaba na ako. Baka kasi magtanong pa siya na ikinakabahala ko.
"Your highness, dito po tayo" Wika ng body guard namin kaya sumunod na lang kami.
Tumingin ako sa mga taong nadadaanan namin, tila nakakita sila ng artista .
"Ate tila nagagandahan sila sa atin." Wika ng kapatid ko
"Huwag mo silang pansinin. Mabuti pa bilisan na natin." Sabi ko sabay bilis ng paglalakad kaya lang may lokong bumangga sa'kin.
"Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?! " Pagalit nitong sabi
"Excuse me? Ikaw kaya hindi tumitingin Mr." Mataray kong sabi
"Alam mo miss wala akong time para makipag awag sayo kaya mag sorry ka na lang" wika nito habang pinupulot ang kaniyang mga gamit na nahulog. Kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Sa tingin mo mag so sorry ako? Ikaw nga ang may kasalanan tapos ako ang mag so sorry? Hell no!!" Sabi ko kaya napatayo na siya at humarap sa'kin,
Shit!! Ang gwapo!! Mae Shin Han wag kang malandi galit ka sa kaniya!!
"Alam mo miss...S-shin!!" Gulat nitong sabi, wait kilala niya ako?
"Kilala mo ako?" Taka kong tanong
"Ako nga pala si Jirro Festin fiance mo miss Mae Shin Han!" Ngiti nitong sabi, wow huh! Siya ang fiance ko? Pero ang alam ko nasa korea siya bakit nandito ang ga*go na 'to?
"Tsk, kilala na kita! Hindi ba nasa korea ka bakit nandito ka sa pilipinas?" Mataray kong sabi
"Sinusundo ko kasi ang mahal ko!" Sagot niya na ikinasigaw ng kapatid ko
"Ate alam mo hilahin mo yang si kuya Jirro kasi late na tayo" wika ng kapatid ko.
"Tsk, narinig mo na kapatid ko kaya halika na." Hila ko sa kaniya
"Hi kuya Jirro!" Wika ng kapatid ko
"Hello Min, musta na ang bunso namin?" Tanong nito sa kapatid ko habang nakangiti.
"Ayos lang po ako kuya alam mo nagulat ako dahil hindi ka nakilala ng ate ko, nagpagupit ka kasi ng buhok. Ang gwapo mo po ngayon." Wika ni Min sa kaniya
"Hahaha, salamat Min. Kaya nga eh hindi ako nakilala ng ate mo pero ayos lang tanggap ko naman." Emot nitong sabi,
Tsk. Baliw magsama sila ng kapatid ko.
Nasa loob na kami ng eroplano. Nakaupo ako sa may window habang nasa gitna si Jirro at sa kabila naman si Min. Handa na kaya akong bumalik?. Habang nagiisiip ako naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko ang lalaking kinaiinisan ko.
"Matulog ka muna Shin! Gisingin na lang kita kapag nakalapag na tayo." Wika nito kaya, ipinikit ko na ang aking mga mata.
Sana paglapag namin, hindi ako umiyak dahil kapag nangyari 'yon. Tiyak na babalik ang buong alaala ko sa kanila. Ang mga alaala na masasaya kami at ang..ang sakit na hindi parin mawala-wala sa aking puso't isipan.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...