Chapter 76: Scarlett VS. Lance

114 14 0
                                    

[Scarlett POV]

Hapon na ng magising ako dahil siguro sa pagod. Ngayong araw kami kikilos, nagpatawag ako ng meeting sa lahat ng mafia na hawak namin. I'm sure, nandoon siya. Makikita ko muli ang kanyang mukha.

[Toktok] Someone knocking at my door.

"Who's that!" sigaw ko sa taong kumatok

"Si Mae ito, pwede ba akong pumasok?" sagot nito

"Come in,"

[Click]

"Anong kailangan mo sakin?" bungad kong tanong ng makapasok na siya sa loob

"Mom said, we need to be more be careful. Hindi natin alam kung pupunta siya mamaya," ani nito

Agad ko siyang hinarap. "Sabihin mo sa kanya, kaya ko ang sarili ko. Wala akong pakialam kung hindi siya pumunta. Pero para sakin gusto ko nandoon siya para naman makaharap ninyo ang taong 'yun." saad ko sa kanya

"Scarlett!"

"Alam kong matagal na ninyo siyang namimiss. Kaya kahit mamaya lang masilayan ninyo ang mukha niya. Dahil 'yun na ang huling araw na masisilayan natin siya bilang ating ama," wika ko

"Are you sure for that? Wala ka bang hinayang na mawawala siya sa 'tin," wika nito

Nginitian ko siya. "Matagal na siyang nawala sa 'tin kaya naman hindi na ako manghihinayang na mawala siya sa buhay nating lahat." seryoso kong sabi

"Wala ka na bang kahit konting pagmamahal sa ama natin?" tanong nito na ikinatahimik ko saglit

Ano ba ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung may natitira pa akong pagmamahal sa taong 'yun. Niloko niya kami sa loob ng sampung taon. Kaya paano pa ako magkakaroon ng pagmamahal sa taong sumira ng buhay naming lahat.

"Scarlett, are you listening?"

"Mae, pwede ba wag mo muna akong tanungin sa bagay na yan. Dahil maging ako hindi ko alam kung anong isasagot ko." turan ko sa kanya na ikinatango naman nito

"Sige, maiwan na kita." aniya

"Magbihis na kayo. Ang isuot mo ngayon  damit..."

"Alam ko na po, kulay pula simbolo ng madugong pagbati sa kanila," saad nito na ikinangiti ko

"Mabuti naman at alam mo. Sige na iwan muna ako may gagawin pa ako bago tayo umalis,"

"Okay," Tumalikod na ito at naglakad na papuntang pintuan.

Nang makalabas na siya, bigla akong napaupo sa aking kama. Kahit anong gawin ko, hindi ko parin kayang pigilin ang mga luha na gustong tumulo sa aking pisngi.

Kaya ko ba siyang harapin sa oras na magpakita siya mamaya. Kaya ko bang pigilan ang emosyon na hindi ko matago-tago. Kaya ko bang pigilan ang mga luha ko na bigla na lamang tumutulo na hindi ko namamalayan.

B-bakit kasi sa lahat pang nabuhay. B-bakit siya pa, bakit hindi na lang siya tuluyang namatay. Oo, palagi kong pinapanalangin na sana buhay na lang siya pero ngayon, ayoko na siyang makitang buhay. Mas okay sakin na nasa libingan na lang siya habang ako naman binibisita siya sa araw na nalulungkot ako. Pero ngayon hindi na mangyayari dahil buhay siya. Buhay ang taong matagal ko ng namimiss. Pero hindi ko masasabi na namimiss ko siya dahil sa nalaman kung ginawa niya kila mom.

Bigla akong napahiga at tumingin sa itaas ng kisame.

"Sana kaya kong ibalik ang dating panahon na masasaya pa kami. Walang lungkot at sakit ang nararamdaman sa aming mga puso. Pero paano ko magagawa 'yun. Wala nga akong kakayahan na buhayin ang mga taong namatay para sakin, ibalik pa kaya ang panahon na gusto ko."

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon