Chapter 33: Meet Bianca Hong
[Tyler POV]
Lakad doon, lakad dito.
"Tyler! Ano ba! Kanina ka pa lakad ng lakad. Nahihilo na ako sayo." Wika ni Mecca sakin kaya naman nilingon ko ito
"Hindi kasi ako mapakali." Sagot ko na puno ng kaba
"Huh? Hindi ka mapakali? Saan naman? Kanina nga kung magsalita ka sa dalawang magkapatid na Smith, akala mo kung sino. Tapos ngayon hindi ka mapakali. Alam mo Tyler minsan iniisip ko tao ka ba talaga.? Pabago-bago ng isip." Saad nito na ikinagulat ko
"I-ikaw! T-tao ako. Hindi ako kung sinong ponchip pilatong iniisip mo." Utal kong sagot
"Eh, bakit ganiyan kung kumilos. Tiyaka bakit ka hindi mapakali huh!?." Takang tanong nito
Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kaniya ang nalaman ko kanina lang.
"Tumawag sakin si Luke." Panimula ko
"Oh! Ano naman kung tumawag si Luke sayo, anong connect.?"
Hayst! Hindi ko talaga matansiya ang ugali ng babaeng 'to.
"May sinabi siya sakin—."
"Ano namang sinabi niya sayo para hindi ka mapakali." Dugtong nito
"Ang magkapatid na Smith, hanggang ngayon nasa police station pa." Saad ko na ikinakunoot naman nito
"Oh! Ano naman kung nandoon pa sila?."
"May mali eh!" Sabi ko
"Huh? Anong mali doon?"
"Meron silang kakayahan na makalabas ng kulungan, pero bakit hindi nila magawa ngayon.?" Sabi ko sa kaniya na pinagisipan naman nito
"Hmm, what if, sinadiya talaga nila na hindi muna lumabas ng kulungan para sa kanilang—" Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng biglang may sumigaw na hindi ko inaasahan
"LOVEBIRDS!!" Sigaw nito
Anong lovebirds ang pinagsasabi ng taong 'to.
"Hoy—" hindi ko na ituloy ang aking sasabihin ng makilala ang taong nagsabi ng mga salitang iyon
"Tyler! Kamusta ka na?. Hindi ko inaasahan na gwapo ka parin." Saad nito na may galak sa kaniyang mga ngiti
"P-phoebe! I-i mean.. Empress Phoebe." Utal kong sabi
Shit! Bakit sa tuwing nasisilayahan ko ang kaniyang mukha, bigla na lang tumitigil ang pintig ng aking puso.
"May gusto ka sa kaniya nuh!" Rinig kong sabi ng katabi ko
"Hoy! Ano ka ba! Baka marinig ka." Saway ko sa kaniya
"Ano naman kung marinig niya. Maganda nga yun para mapagtapat muna ang iyong nararamdaman." Wika nito
Tiningnan ko siya ng matalim. Tiyaka binalik ang tingin sa magandang binibini na kanina pa nakangiti.
"Maxine!" Tawag ko sa kapatid ko
"Ano yun kuya.?"
"Samahan mo si Empress Phoebe sa kaniyang silid. May paguusapan lang kami ni Mecca at ng iba pa." Saad ko sa kaniya
"Masusunod po." Yumuko muna ito bago umalis
"Empress Phoebe, halina po kayo." Saad nito sa kaniya
"Sige. Maiwan ko muna kayo." Saad nito
"Opo kamahalan." Sagot ng mga kasamahan ko
Naglakad na sila patungong hagdan at nagsimula ng humakbang paitaas. Pinanood ko sila hanggang sa hindi ko na sila makita.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
Hành độngSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...