[Scarlett POV]
Nang makababa na siya, bakas sa kanyang mukha ang galit. Kaya lang pinipigilan niya ito. Ako naman umupo na sa upuan na pagmamay-ari ko. Tiningnan ko ang lahat ng nandito, kompleto na sila kaya naman magsisimula na ako.
"Alam ko lahat kayo nagtataka kung bakit ko kayo pinatawag ngayon." panimula ko
"Bakit nga ba?" wika ng asungot
"Dahil may sasabihin ako sainyong lahat na, alam kung ikakagulat ninyo. Kaya naman hindi ko na patatagalin pa ito."
"Magugulat talaga? Bakit multo ba yang ipapakilala mo sa amin?" pilosopong saad nito
Tiningnan ko siya ng matalim. "Parang ganon na nga po, multo ng nakaraan," dugtong ko na ikinataka naman nito
"Kung gayon, ipakilala mo na siya sa amin upang sa ganon matapos na ang pagpupulong na ito," saad ng kasamahan ng ama ko
Tumayo na ako. "Makinig kayong lahat, alam kung lahat kayo napaniwala sa lahat ng kasinungalingan ng aming ama, pero wag kayong mag-alala dahil lahat ng 'yun ay mabibigyan na ng linaw dahil sa taong ipapakilala ko sainyo. Matagal na rin siyang hindi nakaapak dito dahil sa nangyaring sampung taon na nagdaan. Hindi ko na papatagalin pa ito," tiningnan ko silang lahat lalo na ang aking ama na nakatingin sa akin
"Ipinapakilala ko sainyo ang aming ina Allison Han—ang reyna ng mafia kingdom," agad naman naglakad si mommy palapit sakin at bakas sa kanyang mukha ang galak at saya.
Tiningnan ko si ama, bakas sa kanyang mukha ang gulat. Hindi niya yata akalain na buhay pa ang taong pinatay niya.
"Kamusta kayong lahat, alam kung nagtataka kayo kung paano ako nabuhay. Pero ang isa sa paliwanag ko, ay yung taong nais akong patayin subalit hindi niya sinigurado na patay na talaga ako." wika ni mommy sa lahat
"Mrs. Han, bakit ngayon lamang po kayo nagpakita? Alam niyo po ba na nagluksa kami sa pagkamatay ninyo," wika ng matapat na naglilingkod kay mommy
"Paumanhin Mr. Shin kailangan ko munang magtago dahil alam kung buhay ang aking asawa," bigla niyang tiningnan si dad
"Kung ganon, babalik po ba kayo bilang reyna ng mafia. Igagalak po namin 'yun," saad nito
Ngumiti ng matamis si mommy sa kanya. "I'm sorry, pero hindi na ako babalik bilang reyna ninyo,"
"Po! B-bakit naman po?" hindi makapaniwala nitong tanong
Humarap ito sakin bago magsalita. "Dahil may bago ng karapat-dapat na maging reyna." nakangiti nitong sagot
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Kaya naman nais kung sabihin sainyo na ang aking anak na si Scarlett ang mamumuno ng White Mafia Organization,"
"HINDI!" biglang sigaw ni dad kaya naman napalingon kaming lahat sa kanya
"At bakit hindi?" biglang tanong ni mom sa kanya
"Dahil bata pa lang siya, wala pa siyang kakayahan na kontrolin ang organisasyon," saad nito
"Doon ka nagkakamali Lance. Ang anak kong si Scarlett ay matagal ng napaghandaan ang lahat ng mangyayari lalo na sa pagdating mo. Kaya may kakayahan siyang patakbuhin ang mafia ng mag-isa," pagtatanggol sakin ni mommy
"Alam mo Allison, wala ka paring alam isa sa batas ng mafia na hindi pwedeng maging tagapagmana ang isang batang kagaya niya. Hindi ka sumusunod sa batas na isinagawa matagal na," giit nito
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.
"Mr. Han, hindi niyo pa po ba alam na matagal ng inalis ang batas na yan. Ang batas na isinagawa ko ang masusunod na dito kaya naman wala na kayong magagawa pa," adwikain ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
AkcjaSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...