Chapter 66: Mae's Twin Sister

81 12 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 66: Mae's Twin Sister

[Scarlett POV]

Maaga akong gumising, dahil alam kong tulog pa silang lahat. Ginawa ko na ang morning routine ko. Nang matapos ko ng gawin lahat, agad na akong lumabas ng kwarto at binilisan ko ang aking paglalakad pababa ng hagdan.

Nang makababa na ako ng hagdan, pumunta muna ako ng kitchen upang kumuha ng sandwich. Sa hindi ko inaasahan may maaga pa palang nagising sa akin.

"Ang agad mo yata miss Scarlett," bungad nitong sabi ng tingnan niya ako

"Tsk, ano naman kung maaga," mataray kong sabi

"Tch, bakit nakadamit ka ng panlabas. May pupuntahan ka ba?"

Shit! Nahalata niya yata na aalis ako.

"Bakit? Bawal ba akong sumuot ng ganitong damit sa bahay? Hindi ba anak ako ni Zeke na boss ninyong lahat. It mean, I'm the princess here. I can wear anything i want," matapang kong sagot sa kanya na ikinainis nito

"Whatever," wika nito sabay lakad palabas ng kitchen.

Hayst! Muntik na 'yon.

"Sa susunod na aalis ka, agahan mo talaga. Iyong madilim pa para siguradong walang makakita sayo," dugtong nitong sabi na ikinainis ko na

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito bagkus kumuha na lamang ako ng sandwich at juice. Naglakad na ako patungong sofa, nakita ko Cloud na naupo doon. Kaya naman naglakad na ako palabas ng bahay. Ilang hakbang na lang sana upang tuluyan na akong makalabas ng mansion ng may biglang tumawag sa akin.

"Scarlett! Where the hell are you going?"sigaw ng pamilyar na boses kaya naman nilingon ko siya

Tiningnan ko ito ng malamig. "Pupunta ako ng Mall," walang gana kong sagot sa kanya

"What! Ng ganitong oras?" takang tanong nito

"Yah, why? Is there have something wrong?" nakakunot noo kong sabi

"Ang aga naman anak, pwede ba mamaya na lang. Hindi ka pa nga nagaalmusal aalis ka ng ganito ka aga," saad nito

"May hinahabol kasi ako dad, uuwi din naman po ako ng maaga," wika ko

"Scarlett!"

"I'm not a kid anymore," ani ko sabay talikod sa kanya

Tinawag niya pa ako pero hindi ko na lang siya pinansin, bagkus sumakay na ako sa kotse ko at agad ko itong pinaharurut ng mabilis baka kasi harangan pa nila ako sa gate.

Nang makalabas na ako ng gate, itinigil ko muna ang sasakyan malapit sa mansion. Tiningnan ko muli ito.

Ito na ang huling araw na papasok ako sa bahay ng mga kaaway ko. Hindi ko akalain na mapapaniwala ko sila. Aaminin ko ako nga talaga si Scarlett ang kambal ni Mae Shin Han. Wala pang nakakaalam ng tunay kong pagkatao, maliban sa aking kakambal. Ako ang nakasama nila Min, hindi ang tunay na Mae Shin Han. Lahat ng mga nangyari noon, plinano ko ng hindi nila alam.

[Ting]

Biglang tumunog ang phone ko. Biglang nagtext ang kapatid ko. I'm sure, nag-aalala na 'to.

Mae: Nasaan ka na? Akala ko maaga kang aalis diyan? Nag-aalala na ako sayo.

Scarlett: On the way na ako sis kaya wag ka ng mag-alala.

Mae: Bilisan muna, kanina pa ako naghihintay sayo dito.

Scarlett: Opo.

Pinatakbo ko na ng mabilis ang aking sasakyan. May na alala ako, may iniwan pala akong hearing divice sa bahay ni Zeke. I'm sure, may pinag-uusapan sila. Mabuti pa pakinggan ko, baka may plano sila na hindi ko pa alam.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon