[Mae Shin POV]
Maaga akong nagising. Dahil papasok ako ngayon sa university. Nais kong tingnan sila tita Cynthia at Frank doon. Isang linggo na rin kasi kaming hindi nakapasok dahil sa hindi pa magaling si Elle. Dumating pa ang grupo nila Xian.
(Tok! Tok! Tok!)
"Oh! Yes! Sino yan.?" Tanong ko sa taong kumatok
"Ate si Elle po ito." Sagot nito
Naglakad naman ako papuntang pinto upang pagbuksan siya.
"What do you want.?" Sarkastikong tanong ko
"Papasok ka po ba sa school.?" Tanong nito
"Yup. Waeyo? (Why)."
"Pwede po ba akong sumabay.? Mamaya pa daw po kasi sila, eh ayoko namang malate." Wika nito na ikinangiti ko
"Okay. Maliligo lang ako. Hintayin mo na lang ako sa baba." Sagot ko sa kanya na ikinasaya naman nito
"Okay. I wait you downstair." Masigla nitong sabi. Isinara ko naman agad ang pinto, tyaka pumasok na sa banyo upang maligo.
Nakakapagtaka, tila masaya si Elle ngayon. Noong isang araw, halos makapatay na siya dahil sa nalaman niya tungkol sa grupo nila Cloud. Minsan, hindi ko maintindihan ang mood niya.
After 15 minutes..
Nagbihis na ako. Complete uniform kami ngayon, kasi monday. That's one of the rules, every Monday, Tuesday, Wednesday and Thursday, you need to wear your school uniform. Every friday, you can allow to wear anything you want. I put some make up, para naman maging blooming ang mukha ko. Napapansin ko kasi parang matamlay ang mukha ko this past few weeks. Naglagay akong liptint, konti lang. Hindi siya makapal, ayoko ng ganon. I'm not a clown girl. Kung sa iba gusto nila ang makakapal ng make up, pwes I'm not like them. I'm a simple girl but dangerous.
Nang matapos na ako sa pagaayos. Lumabas na ako ng kwarto, agad ko naman itong nilock. Baka kasi may pumasok sa room ko, nandito pa naman ang lahat ng files na nakuha ko sa lumang mansion. I want to be more careful, lalo na nandito na sila sa korea (the real enemy).
Pababa na ako ng hagdan.
Ang tahimik naman ng bahay, nakakamiss ang ingay nila. Ano ka ba Mae, stop that. Kaaway natin sila, niloko nila tayo. Kaya bakit mo pa sila namimiss.
"Good morning, Mae." Bati nila sakin ng makababa na ako ng hagdan. I saw Elle, sitting behind Qin Sang.
"Min, hindi ka ba papasok.?" Bigla kong tanong sa kanya habang nakaupo malapit kay Tian Qi.
Napalingon naman ito sa'kin.
"Mauna na kayo ate, maaga pa naman." Walang gana nitong sagot. It's weird. Hindi ganito sumagot si Min sakin.
"Min, tell me. May sakit ka ba.?" Seryoso kong tanong na ikinalingon naman ng nila. Actually, busy sila sa paglalaro ng game.
"Actually..I'm not feeling well." Sagot nito
Naglakad ako palapit sa kanya upang hawakan ang noo nito.
"May lagnat ka. Mabuti pa hindi muna ako papasok ngayon. Tatawagan ko sila tita at Frank."
"What!" Gulantang sabi ni Elle
Tiningnan ko naman siya.
"I'm sorry Elle. Siguro bukas na lamang tayo papasok." Hingi kong paumanhin sa kanya
"Ano ba naman yan!. Gusto ko ng pumasok sa school." Padabog nitong sabi
"Okay lang ako ate Mae. Pumasok na kayo ni Elle, nandiyan naman sila kuya Xian. Aalagaan nila ako at babantayan." Biglang sabi ni Min
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...