Chapter 30: Unexpected

108 12 0
                                    

Chapter 30: Unexpected

[Tyler POV]

Abala akong nagbabasa ng files sa aking opisina ng biglang may sumipa ng pinto. Kaya naman agad akong napatayo dahil sa gulat.

"Wala pa bang balita kay Mae? Mag d-dalawang araw na siyang wala." Iritang tanong ng taong simipa ng pinto

"Can you please calm down. Maging pinto dinamay mo sa galit ng ulo mo." Sabi ko

"Paano ako kakalma, kung ang isa sa'tin nawawala. Mali, dalawa na pala." Aniya

Naglakad ako patungo sa kaniya.

"Alam mo Cloud, kung nais mong mahanap ang isang tao, wag mong idaan sa init ng ulo. Jusy relax, malay mo may biglang dumating na impormasyon." Sabi ko sa kaniya na ikinaupo naman nito

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Pinuntahan ko na ang mga lugar na pwedeng puntahan niya. Pero ni anino niya o bakas man lang wala akong nakita. Kaya paano ako kakalma huh. Yung fiancee ko hindi ko alam kung saan pumunta. Ano bang dahilan niya para iwan niya tayo ng ganon lang. Hindi ganon si Mae, kahit ilang taon kaming hindi nagkasama, kilala ko siya. Hindi niya kayang iwan ang kaibigan niya ng basta-basta lalo na kung hindi nagpapaalam."

"Alam ko ang pakiramdam na iwan. Yes, Mae is your fiance. Pero hindi natin pwedeng pakialaman ang desisyon niya lalo na kung tungkol sa may kaaway. Besides, tinawagan naman natin siya hindi ba? Sabi niya she's gonna be okay, it means..walang problema. Kaya maghunos dili ka Mr. Chen. Your fiancee is in good hands. She need to be alone." Turan ko sa kaniya

"I understand. Naiinitidihan ko na gusto niyang mag-isa dahil batid ko naman na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Pero sana nagpaalam naman siya o hindi kaya sabihin ang tunay niyang dahilan kung bakit siya umalis. Para naman hindi tayo magmukhang tanga dito." Wika nito na puno ng emosyon

Hayst! Ganiyan talaga ang nagmamahal.

"Mahal mo na siya nuh!" Sabi ko na ikinalingon nito sakin

"M-mahal? H-hindi n—." Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin

"Tsk, don't lied to me. Alam ko matagal mo na siyang gusto, since elementary palang kayo."

[Sigh]

"Yes, aaminin ko. Mahal ko na siya, kaya—."

"Kaya ganiyan ka na lang magreact?." Dugtong ko

"Oo." Sagot nito sabay yuko

"Alam mo bang ang pinakaayaw ni miss Mae sa mga lalaki ang ganiyang kinikilos mo ngayon. Kapag nakita niya yan tiyak akong hindi matutuloy ang pagkasundo sainyong dalawa. Alam mo naman kung anong ibig kong sabihin."

"Nagaalala naman kasi ako sa kaniya. Masama ba na ganito ako." Sabi nito sabay pout

"Tsk, stop pouting. You look like a duck." Sabi ko

"Tsk."

"Ayaw ni miss Mae na magaalala tayo sa kaniya. Mas okay na siya ang magalala wag lang tayo." Sabi ko

"Hay ewan! Basta nag-aalala din ako sa kaniya. Kung ayaw niya sa lalaki ng ganitong inaakto, pwes! Wala akong pakialam." Saad nito sabay labas ng office ko

Hayst! Ang buhay nga naman ng may lovelife. Hindi mo talaga maiiwasan na hindi mag-alala ang nagmamahal sayo. Inaamin ko sa sarili ko, nagaalala din ako sa kaniya pero anong magagawa ng pagaalala kung hindi naman namin alam kung nasaan siya. Alam kong nasa ligtas na lugar si miss Mae. Sadyang nais niya lamang ang mapagisa upang mapaglabanan ang problema niya ngayon.

Babalik na sana ako sa aking ginagawa ng may biglang pumasok ulit sa office ko.

"What the! Anong nangyari sa pinto?" Pasigaw na tanong nito

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon