Finale

122 11 1
                                    

[Sapphire POV]

Abala ako sa pagiisip kung anong gagawin ko sa mga taong nangahas pumasok sa teritoryo ko nang may biglang sumigaw kaya naman agad akong napalingon sa taong 'yun.

"AHHHHH!!!" Nagpupumiglas nitong sabi  kaya naman nilapitan ko siya.

"Wow! Ang ahas pala kayang humiyaw ng malakas." Pabiro kong sabi na ikinagalit nito.

"Let me go!" Muli nito sabi habang nagpupumiglas

Nilapitan ko ito at agad hinawakan ang kanyang baba. "Para ano? Para tuklawin mo ako bigla?" sarkastiko kong tanong na mas lalong ikinagalit nito

"Y-you BITCH!!" malakas nitong sigaw kaya naman nagising ang mga kasamahan nito maging ang mga kasama kong mafia royalties.

"What happened?" biglang tanong ni Yuhan–leader ng Mafia Royalties.

Hinarap ko siya at nginitian. "Wala naman. Sadyang gusto niya lang makawala sa tali na ginawa ninyo." sabi ko na ikinatango naman nito.

"SAPPHIRE!!" Naglakad na ako pabalik sa dati kong p'westo ng biglang tinawag ako ng isa sa kanila sa pangalan ko, kung kaya't napalingon ako sa taong 'to.

"Dad! What did you say? Why did you call her Sapphire? That's not her name. She's Scarlett your daughter." mataray nitong tanong sa kanyang ama kaya naman napangisi na lamang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko masaya ako dahil tinawag ako ng aking ama sa tunay kong pangalan. Matagal na rin ng marinig kung tawagin ako ng aking ama sa totoo kung pangalan.

"Hazel! Can you please shut up! I'm not talking to you." mauturidad nitong sabi sa ampon niyang anak. Bigla na lamang napatahimik ang ahas. Wow! Ang galing naman. Hindi ko akalain na marunong s'yang makinig.

Bumalik ang tingin ko sa taong matagal ko ng kinaiinisan. "I don't know you will find it." panimula kong sabi na ikinakunot noo ng iba lalo na ni Clyde.

Ngumiti ito sandali at tiningnan ako sa aking mga mata. "I know from the start that you're not Scarlett." saad nito na ikinangisi ko lalo

Kung gayon matagal na niyang alam na hindi ako ang pinakamamahal niyang anak. Pero bakit hindi niya man lang sinabi sa aking mga kapatid. Ano bang binabalak niya?

Napaupo ako bigla at muli siyang tiningnan ng nakakaloko. "But how?" bigla ko na lamang na tanong.

"It easy to find out. Ang mga kinikilos mo ay hindi tumutugma sa mga kilos ni Scarlett at lalo na sa pag-iisip ng mga plano. Kilala ko si Scarlett ng sobra kaya naman hindi ako agad naniwala sa'yo." Paliwanag nito na ikinangisi ko ng sobra. Magaling siya mangilatis ng tao.

"Pero bakit hindi niyo man lang sinabi sa mga kapatid ko ang tunay kong pagkatao? May chance na kayo para ipaalam sa kanila, pero bakit hindi ninyo ginawa? Ano bang binabalak ninyo?" malamig kong tanong na ikinatakot ng grupo nila Clyde

"Dahil ayokong masira ang plano mo."
Kalmado itong sumagot. Parang hindi man lang natakot sa tono ng boses ko.

Bigla kong hinawakan ang dagger na nasa tabi ko at biglang itinutok sa kan'ya. "Alam mo bang pagkakamali na hindi mo sinabi sa kanila. Lalo na't nakakulong na kayo sa hawla na ginawa ko. Dito na kayo mamamatay, at maganda ngayon." demonyo kung sabi na ikinatalim ng tingin ni Clyde sa'kin.

"Sandali! Sinabi mong maganda na mamatay kami. Paano mo nasabi 'yun hah!" Singit na tanong ng ahas

Tiningnan ko siya ng matalim kaya naman napayuko ito bigla. Tsk, takot naman pala siya. Pakitang malakas pero hindi naman pala.

"Sige sasagutin ko ang tanong mo. Bakit maganda? Dahil dito kayo sa lugar ko mamamatay at mas lalong maganda dahil walang makakaalam." mala-demonyo kung sagot habang nakangisi.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon