[Qin Sang POV]
"Are you sure, you're okay.?" Paninigurado kong tanong sa kanya
"Yes, ate. I'm okay. Maliit lang naman ang sugat ko." Sagot nito sabay hawak sa may tiyan nito na kung saan nandoon ang sugat nito.
"Ikaw naman kasi, bakit hindi ka tumitingin sa harapan. Yan tuloy nabangga tayo. Pasalamat tayo hindi nahulog sasakyan natin sa bangin, dahil kung hindi..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga kalalakihan
"What happened.?" Sabay-sabay nilang tanong
"Wala naman." Tipid na sagot ni Mae, tiningnan ko siya, tiningnan niya naman ako ng walang emosyon. Kanina kung makangiti sya sakin akala mo close kami ngayon naman..ay ewan. Pabago-bago ang ugali ng batang 'to.
"Anong wala.? Look at yourself. You hurt." Wika ni Tian Qi sa kanya
"Wô hên hâo. (I'm fine.)" Sagot nito kay Tian Qi
"Nî kêndíng ma? (Are you sure?)" Naniniguradong tanong nito ulit
"Shì.(Yes.)"
"Hâo de. (Ok)"
Wala na silang nagawa.
"Okay, labas muna ako. Puntahan ko lang doctor nya." Bigla kong singit
Limingon naman silang lahat sakin.
"Qin Sang. Saan ba kayo pumunta ni Mae?" Biglang tanong ni Xian sakin.
Agad naman akong humarap sa kanya.
"Pumunta kami—"
"Nagpasama ako sa kanya mamasyal sa labas." Walang emosyong sagot ni Mae.
Mahilig talagang pumutol ng conversation ang batang 'to.
"Saan naman kayo namasyal? Bakit na aksidente pa kayo.?" I'm sure, hindi sya naniniwala. Kilala ko si Xian, kapag marami yang tanong hindi sya naniniwala sa sagot namin.
Agad ko naman syang hinawakan sa kamay kaya naman tiningnan nya ako sa mata.
"Nagmamaneho kasi si Mae ng hindi niya napansin na may tumawid na pusa. Kaya naman hinawakan ko yung manibela upang iwasan yung pusa, sa hindi ko inaasahan na iniliko ko pala papunta sa bangin kaya 'yon, na aksidente kami." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Sana naman maniwala na sya.
"Hayst! Sa susunod wag na ninyong uulitin. Nagaalala kaming lahat. Akala namin may nangyari na saiyo." Saad nito na ikinayuko ko bigla
"Duìbuqî. (I'm sorry)." Hingi kong paumanhin sa kanya
Bigla naman niya hinawakan ang mukha ko at iniangat ito. Nakatingin parin ako sa baba.
"It's alright. But, next time. Kailangan niyo munang magpaalaam sa amin lalo na sa'kin." Wika nito sabay tingin samin ni Mae.
Tumango na lamang kaming dalawa. We don't have a choice. Baka hindi na kami palabasin ng bahay.
"Tch, halika nga dito." Sabi nito sabay yakap sakin. Niyakap ko naman siya pabalik. Napatingin ako kay Mae umiwas naman ito ng tingin.
"Sige na, tama na yan lovebirds. Nilalanggam na kami dito dahil sa ka sweetan ninyong dalawa." Biglang sabat ni Tian Qi
Bigla akong umalis sa mahigpit nitong yakap.
"Alam mo Tian Qi, ang hilig mong manira ng moment." Biglang sabi ni Jin Yang
"Eh sa may nasasaktan na dito eh." Sagot nito sabay tingin kay Mae na may hawak ng cellphone
"Tumahimik ka nga diyan Qin. Baka marinig ka ni Mae." Saway sa kanya ni Li Zi Feng
"Ano naman kung marinig niya. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Kahit ngayon nasasaktan parin sya dahil alam naman natin na mahal niya pa si Xian." Wika nito na ikinatahimik ko
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...