𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 37: Sign Language
[𝐌𝐚𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]
"F*ck!!" Malutong kong mura ng makita ko kung anong nangyayari sa baba.
Pambirang Nathan na'to. Walang takot ang tarantado.
"Okay, nasaan ang Empress ninyo." Tanong nito kila Tyler. Nanonood lamang ako sa aking loptop. Marami siyang kasamang bodyguard. Kung sabagay kaya ko naman alisan ng hininga ang mga yan sa isang kilos ko lang. Pero hindi ko muna yun gagawin, dahil may naisip akong plano na ikakagulat nilang lahat. Nasa loob naman na sila ng bahay ko, tatlong traydor ang nasa loob ng hawla kung kaya't madali na lang sakin na tapusin ang buhay nila.
Tumayo na ako at nagpalit ng damit. Gusto ko kapag nagpakita ako sa kanila, nakasuot ako ng maayos. I wear black tube with black jacket and high waist pants with black shoes. 'Di ba galing ng suot ko. All black, i love black that's why i love to wear like this. Kinuha ko ang baril na nasa ilalim ng kama at sabay kinasa ko ito. Matagal na rin na hindi ko ito nagagamit. Pero ngayon magagamit ko na siya. Kaya umayos kang baril ka, gusto ko sa isang putok may matatamaan na ako. Tumingin muna ako sa loptop bago lumabas. Alright, you want to play. Let's play.
Dumaan ako sa kabilang kwarto, doon makakaakyat ako sa itaas ng kisame. Yes, balak kong pumwesto sa itaas upang sa ganon hindi nila ako ka agad makikita. Kung sa ibaba kasi ako tatago, agad nila akong makikita. Nang nasa itaas na ako pumunta ako sa isang pwesto na kung saan may mga nakaharang ng salamin. May nilagay akong salamin dito sa itaas, upang sa ganon kapag tumingin sila dito, hindi nila ako makikita. Salamin lamang ang kanilang makikita. Oh, diba galing ko.
Nakaupo na lamang ako sa itaas, habang pinagmamasdan silang lahat. Nandoon si Phoebe, kalmang nakaupo sa sofa. Parang hindi siya kinakabahan, kung sabagay tauhan siya ni Nathan kaya naman paano siya kakabahan. Ang mga kasamahan nga namin kinakabahan na dahil sa takot. Nilingon ko si Min ay Kyle, napansin kong nasa likuran ang kamay ni Min. Gumagalaw ito na animo'y nagbibigay hudyat. Pero sino naman ang bibigyan niya ng hudyat. Hindi parin niya ito tinitigilan bagkus binilisan pa niya ito. Bwesit! Hindi ko maintindihan, ang bilis kasi ng kamay niya. Gumagamit siya ng sign language pero hindi ko mabasa dahil ang bilis.
Tumuon naman ako kay Nathan, napansin kong nakatingin siya kay Min. Shit! Baka nakahalata na siya. Pero bigla na lang inalis ang kaniyang tingin dito ng biglang nagsalita si Cloud.
"Ano bang kailangan mo samin.?" Rinig kong tanong nito sa kaniya
Nginitian lamang siya nito.
"Sino ka ba huh!? Bakit bigla ka na lamang pumapasok dito? Hindi ka namin kilala." Si Cindy ang tanong
Sige Nathan, sagutin mo ang tanong ng dalawang magkapatid dahil kung hindi, buhay mo ang kapalit. Kilala ko ang dalawang yan, kapag hindi ko sinagot ang tanong nila, ihanda mo na ang iyong sarili, dahil sa kumpas lang ng kanilang kamay patay ka na. Pero para sakin hindi tatablan si Nathan dahil magaling ito magbasa ng iniisip ng tao. Muli akong bumalik kay Min, hindi parin ito tumitigil sa kakasign language, hindi ko nga maintindihan dahil ang bilis ng kamay niya. Pero sandali, pamilyar na sakin ang ginagawa niya. Parang alam ko na kung ano ang hinihingi niya.
"Shit!! Strawberry." Bigla kong sabi
Agad ko namang kinuha ang bag na dala ko. Tiningnan ko kung meron ba akong pagkain dito na flavor ay strawberry. Kung sinuswerte ka naman, meron akong strawberries dito. Kailan ko ba nilagay ang mga ito sa bag. Kumuha ako ng isa at sabay tapon sa kaniya. Mabilis ang pakiramdanm ni Min kaya naman agad niya itong nasalo. Nagulat nga ang iba dahil sa kaniyang ginawa.
"Uy! Ano yan huh!?" Biglang tanong ni Nathan dito
Nginitian siya ni Min sabay subo ng strawberry.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...