𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 41: Meet Elle
[𝐌𝐢𝐧 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]
"Min, salamat sa pagsundo at paghatid samin ni Frank." Saad ni tita Cynthia sakin
"Walang anuman po tita. Sige po mauna na po muna ako sainyo. May pasok pa po kasi ako."
"Sige, pupuntahan na lamang namin kayo ng ate mo sa bahay niyo."
Ngumuti ako, "Sige po, hintayin po namin kayo."
Naglakad na ako palabas ng bahay. Tatlong oras na akong nandito sa bahay. Late na ako sa next subject namin. Sumakay na ako sa kotse at tiyaka pinaharurut ng mabilis. Sana makaabot ako sa next subject dahil kung hindi, mamaya na akong hapon papasok.
Habang abala ako sa pagmamaneho, may napansin akong isang babae na nakadapa sa daan. Baliw ba siya, gusto ba niya magpakamatay. Agad kong inihinto ang sasakyan malapit sa kaniya.
[Sound of door open..]
"Miss, ano bang ginagawa mo diyaan.? Gusto mo na bang magpakamatay.?" Bungad kong tanong rito subalit hindi siya kumibo, hindi niya yata ako narinig.
Nilapitan ko ito at niyugyog ng malakas.
"Miss!! Tumayo ka na diyan. Mayamaya lang marami ng sasakyan ang dadaan." Muli kong sabi sa kaniya subalit di parin ito kumikilos. Don't tell me..patay na siya.
I don't have a choice. Mabuti pa itayo ko na siya. Nang itatayo ko na sana siya, bigla itong gumalaw at agad napatayo.
"Nasaan ako?" Bigla nitong tanong na ikinakunot noo ko
"Nandito ka sa kalsada. Pasalamat ka walang dumadaan na mga sasakyan dahil kung hindi, kanina ka pa durog." Panakot kong sabi na ikinagulat nito
"Pasensya na po, hindi ko po sinasadya. Nawalan po yata ako ng malay." Nanginginig nitong sabi, natakot ko yata.
"Ayos lang, pero sa susunod magingat ka na. Kung hindi pa ako tumingin sa labas ng kotse ko, hindi kita makikita."
"Opo. Maraming salamat po."
"Sige na, umuwi ka na sainyo."
"Ma'am, pwede po ba humingi ng pabor.?" Tanong nito na ikinakunot noo ko ulit
"Ano namang pabor?"
"Hayaan niyo po sana akong sumama sainyo." Aniya
"Huh!? Bakit naman? May magulang na naghihintay saiyo. Kaya umuwi ka na." Sabi ko sabay talikod sa kanya
"Wala na po akong magulang. Sa katunayan nga po, nasa bahay ako ng tiyahin ko." Ani nito
Napaharap ako sa kaniya." Oh, nasa inyong tiyahin ka pala. Pero bakit gusto mong sumama sakin.?"
Agad niyang hinawakan ang aking kamay at sabay lumuhod na animo'y nagmamakaawa.
"Sinasaktan po nila ako. Ibig nilang ipasok ako sa isang club na kung saan ang mga babae doon ay mga prostitute. Kaya isama niya na po ako. Tumakas lamang ako saamin dahil ayokong ibenta nila ako. Kahit ano pong iutos niyo sakin gagawin ko basta isama niyo lamang ako." Mangiyak-ngiyak nitong sabi
Hindi ko alam na meron din pala dito sa korea na nagbebenta ng mga bata at ipapasok sa isang club.
"Sige, isasama kita pero may kapalit." Sabi ko na ikinalawak ng ngiti nito, tsk, kanina mangiyak-ngiyak na siya sa pagmamakaawa ngayon naman malakaw ang ngiti nito.
"Salamat po ate. Kahit ano pong kapalit gagawin ko." Masayang turan nito
"Kung ganon, sabihin mo saakin kung saang club dinadala ang mga kababaihan na kagaya mo.?" Seryoso kong tanong
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
AçãoSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...