Chapter 52: Still In Love

90 11 0
                                    

[Min Lee POV]

"She's my boyfriend."

Bigla kaming nagulat sa sinagot ni Xian. Ano bang pumasok sa utak niya?. Bakit sa lahat ng pwede nyang sabihin 'yun pa.

"Xian! Ano ba?" Rinig kong sabi ni Mae sa kanya.

"OMG! Hindi ko akalain na boyfriend mo pa pala si Xian." Hindi makapaniwalang sabi ni  Tian Qi, kaya naman tiningnan ko siya ng matalim. Hindi ba nila alam na may nasasaktan dito.

Tiningnan ko si ate Qin Sang. Mapapansin sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Ito kasi si kuya Xian alam niya namang may girlfriend siya, 'yun pa ang sinabi.

"M-mae, is that true? Boyfriend mo ba yang batugang na yan huh?" Panimula ni Cloud, kita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Alam ko naman kasi na may gusto siya kay Mae, kaya lang sa ginawa niya ngayon. Tama lang na bawian lang siya ni ate.

"Cloud, kumalma ka nga muna diyan." Biglang sabat ni Clyde

"Wag kang mangialam dito Clyde." Wika nito sa kanyang kapatid

Hayst! Malaking problema ito. Tiyak na may mag-aaway ngayon. Kaya naman bago mangyari iyon, kailangan ko ng pigilan ito.

Agad akong nagpagitna sa kanila.

"Okay, stop this nonsense. Bumalik na kayo sa loob." Sabi ko

"Nathalie, umalis ka diyan. Hindi pa sinasagot ni Mae ang tanong ko." Wika nito

"Alam mo—." Sasagutin ko na sana siya ng biglang magsalita si Mae

"Ano pa ba ang isasagot ko sayo Cloud.?" Wika nito

"It is true? Boyfriend mo ang lalaking 'yan.?" Kalmado nitong tanong sabay turo kay kuya Xian

"Cloud, hindi naman totoo 'yun kaya wag kang maniwala." Sabi ko

"Oo, totoo yun. Siguro masaya ka na kasi na sagot ko na ang tanong mo." Walang emosyong sagot ni Mae sa kanya na nagpagulat saming lahat

Patay!. Malaking problema ito.

"You're lying." Hindi makapaniwala nitong sabi

"It's up to you, kung maniniwala ka o hindi. Basta ang alam ko totoo ang sinabi ko." Malamig na turan sa kanya ni Mae

Nang sabihin niya ang mga salitang iyon, agad ko nilingon si Qin Sang. Nandoon parin siya nakatayo. Alam kong sobra na siyang nasasaktan.

"Mabuti pa itigil na ninyo ito. Cloud, paalisin niyo na ang mga bisita mo. Dahil kung hindi, maging kayo paaalisin namin dito sa mansyon." Bigla kong sabi na ikinatakot naman nila

"Ikaw na bahala dito Nathalie, papasok na kami sa loob." Wika ni kuya Xian sakin kaya naman napatango na lang ako

Naglakad na silang lahat pabalik sa loob maliban na lamang kay Qin Sang.

"Grabe! Ang landi pala ng Mae na yan. Akala ko fiance na nito si Cloud." Rinig kong sabi ng higad

"ANO PA ANG GINAGAWA NG MGA YAN DITO? HINDI BA SABI KO PAALISIN NIYO NA ANG MGA YAN!." Sigaw kong sabi na may halong galit. Ayoko sa lahat na sinasabihan ng malandi ang ate ko.

"Hindi lang sila ang aalis." Rinig kong sabi ni Cloud na ikinakunot noo ko

"What do you mean.?" I heard someone ask, kaya naman hinanap ko kung sino ang taong 'yon.

"Aalis na kami, hindi na namin kayang manirahan dito." Sagot nito

"Okay fine!  It's your decision. Pero wag lang kayong gumawa ng isang desisyon na ikapapahamak ng dalawang heiress." Malamig na sabi nito

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon