[Third Person POV]
Tahimik na naglalakad ang dalawang magkapatid papuntang parking lot. Natapos na ang buong klase, kung kaya't naman nagmamadali ito sa paguwi, dahil sa merong sakit ang isa pa nilang kapatid.
"Ate Mae, parang ang tahimik mo naman yata. Tumawag lang naman si Qin Sang kanina, ganyan na ang itsura mo. Maging sa klase wala kang imik. Ano bang sinabi niya sayo na ikinatahimik mo naman." Saad ng dalaga dito, mapapansin mong hindi nakikinig ang matandang Han sa sinabi nito
"Mae!" Tawag nito muli at sabay inalog-alog ito upang bumalik sa ulirat
"A-ano yun.?" Bigla nitong sabi ng makabalik na sa tamang pagiisip
"May problema ka ba huh?" May inis sa kanyang boses
"W-wala naman." Utal nitong sagot
"Talaga lang hah!. Eh, bakit wala kang imik kanina? Hindi mo napansin na hindi pumasok ang grupo nila Cloud." Saad nitong muli habag nakataas ang kanang kilay
Hindi alam ng dalaga kung anong isasagot niya. Dahil batid niya na hindi pa ito ang tamang panahon upang sabihin ang totoo.
"Hah? H-hindi ba sila pumasok? Bakit hindi mo sinabi sakin, edi sana lumabas ako para hanapin sila." Sagot nito kay Elle
"Tsk, as if naman na hanapin mo sila. Nakalimutan mo na yata na ayaw mo silang kausapin." May taray sa kanyang boses
"Hayst, I'm sorry Elle. Napagod lang siguro ako, kaya ganito ako ngayon." Mahinahong sagot ni Mae sa kanya
"Tell me, anong sinabi sayo ni Qin Sang kanina.?" Muli nitong tanong na ikinabahala naman nito
Bigla siyang pinagpawisan sa tanong nito.
"A-ah! Y-yun ba.? Sinabi niya lang naman na tumawag sila ng doctor para tingnan si Min. Kasi mataas daw ang lagnat niya kanina." Pa utal-utal nyang sagot
"Hmm, are you sure.? Bakit putol putol ka kung sumagot.?"
"Paano naman hindi putol-putol sagot ko. Kung tingnan mo ako kala mo papatay ka na." Sagot nito sa kanya
"Ay, sorry ate. Kasi naman ikaw, kanina pa kita kinakausap. Hindi ka naman kumikibo diyan." Hingi nitong paumanhin
"It's okay. Mabuti pa kalimutan mo na yan bumabagabag sa isipan mo. Umuwi na tayo ngayon dahil kanina pa nila tayo hinihintay." Saad nito kay Elle, tumango naman ito at sabay pasok sa sasakyan.
Nang makapasok na silang dalawa pinaharurut na nito ng mabilis.
**KABILANG DAKO**
"Ang akala ko next week ka pa uuwi. Bakit nandito ka na.?" Bungad na tanong ng isang matandang lalaki sa binatang nakasuot ng itim na jacket, pants, sapatos maging mask. Kung titignan sa kanyang ayos, nasa mid 20''s ito.
"Uncle Zeke. You know i like surprising." Sagot ng binata sa kanyang tiyuhin
"Tsk, alam na ba nila na dumating ka na.?" Tanong ng matanda dito
Bago niya sagutin ang tanong ng kanyang tiyuhin, nilagok niya muna ang champagne na hawak nito, sabay tapon ng bote sa sahig.
"Kahit hindi ko ipaalam, malalaman din nila. Nakalimutan mo na yata na meron silang hacker." Mahinahon nitong sagot
Bigla namang umupo ang kanyang tiyuhin at tiningnan siya nito ng may galak sa mga mata.
"I need your help." Saad ng matanda sa kanya.
"What kind of help.?" Tanong naman nito sabay sindi ng sigarilyo
"May gusto ako kunin." Dugtong ng matanda.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...