𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1: 𝐀 𝐍𝐞𝐰 𝐁𝐞𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠

1K 51 0
                                    

Chapter 1:

[Third Person POV]

Mahimbing na natutulog ang magkapatid na Mae Shin Han at Min Lee Han habang ang kanilang magulang ay abala sa isang pagpupulong sa magaganap na labanan sa pagitan ng dalawang organisasyon ang (White Mafia Organization at Black Mafia Organization). Habang abala sila sa pagpupulong hindi nila namataan na may pumasok na pala sa kanilang mansyon dahil doon na isahan sila kaya malakas na putok ng mga baril ang maririnig mo sa loob. Hindi matukoy ng Mafia Emperor kung anong organisasyon ang umataki  sa kanila kaya walang silang nagawa kundi makipaglaban na rin. Habang abala ang ibang myembro sa pakikipag laban hindi nila naisip na may dalawang bata ang nasa panganib.

Isang lalaki ang paakyat sa hagdan upang puntahan at paslangin ang dalawang tagapagmana  na mahimbing na natutulog.

"Boss saan kayo pupunta?" Tanong ng isang tauhan niya na nakasuot ng maskara

"Pupuntahan ko ang dalawang tagapagmana habang abala kayo ako na ang papatay sa mga bata. Kaya huwag ninyong hahayaang may makaakyat sa itaas." Sagot ng pinuno nila

"Makakaasa kayo boss"

Hindi nila alintana na may nakakita sa kanila ang isang magaling na guardiya ng dalawang bata. Makalipas ang ilang minuto nakaakyat na ang kaaway sa itaas at agad niyang nakuha ang silid ng dalawang bata. Bakas sa kaniyang mukha ang kasayahan dahil magagawa niya ng walang kapagod-pagod ang iniatas sa kaniya.

Nakapasok na siya sa silid ng mga ito at agad niyang itinutok ang kaniyang baril. Subalit ng kakalabitin niya na ang gatilyo ng biglang may sumipa nito na ikinatapon sa itaas.

"Sa tingin mo ba hahayaan na lang kitang paslangin ang dalawang tagapagmana?" Seryosong sabi ng binata sa nakamaskarang kalaban

"Sino ka? Paano mo nalaman na nakapasok na ako?" Gulat na tanong ng kaaway

"Tsk, ako ang tagabantay ng dalawang tagapagmana kaya wag mong susubukan na laban ako. Kinuha ako para protektahan ang dalawang bata." Pagpapakilala ng tagabantay sa kaaway

"Ayoko sa lahat yung taong pinipigilan ang plano ko. Kaya humanda ka ikaw uunahin ko!!" Banta nito

"Hindi mo ako matatakot sa banta mo. Wala akong kinakatakutan." Seryosong sagot nito

"Kung ganon ngayon matatakot ka na dahil ako ang magbibigay sayo niyan."

"Tsk, pasensya na kasi ayokong matagalan ako dito kaya.."

Isang sunod-sunod na putok ng baril ang maririnig.

(Bang,!! bang!!bang!!)

"Paalam na!!! See you in hell!!" Malademonyong sabi ng mafia guard ng binaril niya ito.

Dahil sa putok ng baril nagising ang dalawang bata at gulat na gulat sila sa kanilang nakita..

Dugo, maraming dugo ang nakakalat sa sahig ng kanilang silid.

"A-ate Mae ano yan? Bakit may dugo? At ano yung ingay sa labas?" Sunod-sunod na tanong ng batang Min

"Hindi ko rin alam pero huwag mo na tayong lalabas hangga't wala pa sina mommy at daddy." Sagot ng nakatatandang kapatid (Mae Shin Han) sa kaniyang batang kapatid (Min Lee Han)

"Pero ate ang lakas ng ingay sa ibaba, tingnan na natin baka kung anong nangyari na kila mom at dad." Sabi ng batang Min

"Tsk, ang kulit mo talaga. Sige na halika na pero huwag kang bibitaw sa'kin. Dapat magkasama tayo hanggang sa makalabas tayo." Saad ng nakatatandang kapatid

"Opo ate. Kaya halika na po" hila sa kaniya ng kapatid niyang bunso

Habang maingat silang bumaba sa hagdanan,maraming katawan ang nakakalat sa bawat parti ng kanilang dinadaanan kahit sila nagulat sa kanilang nasilayan. Hindi sila natakot at agad ng hinanap ang kanilang Ina at Ama. May putok parin ng mga baril ang maririnig sa labas ng mansyon kaya delikado pa subalit ang batang si Mae ay dinampot ang isang baril sa sahig at agad na tiningnan kung may bala pa ito.

"Ate Mae bakit mo yan kinuha? Hindi ba delikadong humawak ng baril sabi sa'tin ni mommy." Wika ng batang Min

"Don't worry Min, i know how to use this. Dad teach me. " Sagot ng nakatatandang kapatid

"O-okay, ate hanapin na natin si mom at dad. Kinakabahan na ako."

"Okay, hanapin na natin. Pero hawak ka lang sa'kin"

Naglalakad ang dalawang bata patungo ng hardin ng biglang may humarang sa kanila na nakasuot ng isang maskara at itinutok ang hawak nitong baril sa ulo ng mga bata kaya lang huli na siya dahil naunahan na ito ng batang Mae. Hindi nila alam mabilis sa lahat ng armas ang bata siya ang kinakatakutan ng mga mafia oranization dahil sa taglay nitong bilis. Hindi sila tumigil sa paglalakad, nagtungo sila sa hardin upang tingnan kung nandoon ang kanilang magulang. Nang nakarating na sila sa nasabing hardin, isang kagimbal-gimbal ang kanilang nadatnan. Ang walang buhay na katawan ng mag-asawang Han na ngayon ay naliligo na sa kanilang dugo. Gulat na gulat ang dalawang bata hindi nila alam kung anong gagawin. Hanggang sa sumigaw ang batang Mae dahil sa galit, pinagbabaril niya ang lahat ng nakamaskarang tao na nakikipaglaban sa kanilang mga tauhan. Hindi mo alam kung tao pa ba ang batang Mae, dahil sa halip na pagbabarilin ang ibang kaaway, pinugutan niya ito ng mga ulo, dahil sa galit hindi niya ito makontrol maging ang mga tauhan nila hindi siya mapigilan.

"Ahhhhhhh!! Pagbabayaran ninyo ang pagpatay sa kanila!! Sisiguraduhin kong lahat kayo mamamatay!!!" Sigaw nitong sabi, dahil sa galit, pumula ang isa niyang mata. Kung ganon siya ang unang tagapagmana ng mafia organization. Kung galit ang batang Mae Shin ang batang Min Lee  naman ay kinikimkim lang ang sakit at galit. Pula narin ang kulay ng kaniyang kanang mata. Kaya silang dalawa ang tagapagmana. Sigaw ng sigaw ang batang Mae Shin at dahil doon agad siyang tinurukan ng kaniyang personal bodyguard ng isang gamot para makatulog ito, maging ang batang Min Lee tinurukan niya rin.

Gulat na gulat ang ibang tauhan sa ginawa nito.

"Zeke, bakit mo yun ginawa? Mahal na Empress natin sila." Tanong ng mga kasamahan

"Hindi sila titigil kakasigaw hangga't hindi ko sila patutulugin. Bilisan ninyo aalis na tayo dito kailangan na nating dalhin ang dalawang bata sa pilipinas upang doon muna sila magbakasyon." Ani nito sa mga kasamahan

"Iiwan natin ang korea? Paano ang kompanya?" Gulat na tanong ng isa nilang kasamahan

"May pansamantala munang magpapatakbo ng kompanya habang ang dalawang bata ay hindi pa nakakalimutan ang pangyayari. Kaya halina kayo kailangan na nating umalis habang maaga pa." Muli nitong sabi

Wala silang nagawa kundi sundin ang iniutos ng pinakamataas sa kanila. Kahit gustuhin nilang tumutol, naisip din nila ang kalagayan ng dalawang bata. Tiyak nilang hahanapin ito ng mga di nakikilalang mga tao kaya pumayag na lamang sila sa sinabi ni Zeke.

Agad na silang sumakay sa kaniya-kaniya nilang sasakyan papuntang pilipinas.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon