Chapter 89: Trapped

53 4 1
                                    

[Scarlett's POV]

"Min said is....TRUE!" nang sabihin ko ang mga katagang ito agad akong lumabas ng library at iniwan silang lahat habang gulat na gulat pa.

Kailangan ko ng makaalis dito sa mansyon dahil batid kong magagalit silang lahat sa kanilang nalaman ngayon. Ayokong magkagulo sila dahil sa'kin. Ang gusto nasa tahimik na muna ang kanilang buhay habang ako naman aayusin ang gulo na alam kong kahahantungan ng pagkamatay ko.

Sumakay na ako ng sasakyan, sa huling pagkakataon tiningnan ko muli ang mansyon. "I think this is the last day that i will be here." bigkas ko sa aking sarili habang nakangiti hindi dahil sa saya, kundi dahil sa wakas aalis na ako sa lugar na dahilan ng aking kalungkutan.

Isasara ko na sana ang binta ng biglang pumasok na kamay kung kaya't agad ko itong binuksan. Tiningnan ko kung sini ang taong gumawa nun. I was shock when i saw him. Bumalik muli sa utak ko ang lahat ng kasinungalingan na ginawa ko.

"Scarlett!" saad nito sa pangalan na hindi ko naman pagmamay-ari.

Nilingon ko siya at tiningnan ng malamig. "Can you please stop calling me using that name, I'm not Scarlett." irita kong sabi pero sa totoo gusto ko siyang yakapin sa huling pagkakataon.

Bigla nitong hinawakan ang kamay ko. "Kahit ilang pangalan pa na meron ka, wala akong pakialam. Kasi ang alam ko, yung taong minahal ko siya parin naman." hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang ganitong mga kataga.

Sasagutin ko sana ang mga katagang binitawan nito ng makita ko ang lahat na nasa pintuan puno ang galit sa kanilang mga mata.

Agad kong binawi ang aking mga kamay sa kanya. At agad tumingin sa harapan ng kotse. Napapikit na lamang ako dahil sa lungkot na aking nararamdaman ngayon. Isasara ko na muli ang binta ng merong sumigaw na mas lalong nagbigay kalungkutan sakin.

"SANA HINDI KANA LANG ISINILANG SA MUNDO. NAPAKASAMA MONG TAO!! PINATAY MO ANG KAPATID NAMIN!. TAMA SI MAMA, WALANG MAIDUDULOT NA MAGANDA SA AMING PAMILYA KUNDI KAMALASAN AT KAPIGHATIAN!!"  ang mga katagang ito ay palagi ko lamang naririnig kapag pinapanood ko ang mga paborito kong drama. Pero ngayon, sa akin na nila sinabi. Masakit pala ang mga katagang ito akala ko hindi. Akala ko hindi ito totoo, akala ko laro lamang ang mga ito pero hindi. Isa pala ito sa mga masasakit na nararamdaman ng mga tao.

"KUNG ALAM KO LANG NA MANGYAYARI ITO...SANA PINALAGLAG NA LANG KITA.." rinig kong sigaw ng aking ina. Ang kanina ko pang mga luha na tinatago ay bigla na lamang nagsilabasan. Hindi ko lubusan na sasabihin ng aking ina ang mga salitang 'to. Okay lang yung unang salita dahil sa mga kapatid ko galing ang mga 'yun pero iyong sumunod, hindi ko matatanggap. Kahit ni minsan hindi ko naramdaman na minahal nila ako.

Sa huling pagkakataon muli ko silang nilingon at doon napangiti ako at iniwan sila ng isang salita na ngayon ko lamang bibitawan.

"S-sana nga...h-hindi na ninyo ako pinanganak. Kasi kahit ipinanganak niyo naman ako, hindi niyo naman ako itinuring na anak at kahit konti hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang isa." saad ko na ikinalaki ng mga mata nito. "Pero wag kayong mag-alala. Kasi mtagal ko ng itinigil ang pag-asa na mahalin niyo naman ako bilang anak ninyo. Kung hindi lang dahil sa huling hiling ni Scarlett ng panahon na yun, hindi naman sana ako magpapakita sainyo ngayon at hindi sana ako nakasali sa away ninyo." dugtong kong sabi

Kita ko sa kanilang mga mata ang pagtataka. "A-anong ibig mong sabihin na h-huling hiling ni Scarlett sayo?" pa utal nitong tanong. Gustuhin ko man sagutin ito pero alam kong wala namang saysay sa oras na malaman nila ang dahilan kung bakit ako pumanggap bilang Scarlett. Kaya naman nginitian ko sila na wala halong galit.

"Sandali!" biglang sigaw ni Mae kaya naman nilingon ko siya. "Saan ka namab pupunta? H-hindi ba pinaghahanap ka nila." bigla nitong tanong na may halong pagtataka.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon