[Scarlett POV]
Buklat dito, buklat doon. Kahit anong pagbubuklat ko ng mga aklat na ito, hindi ko magawang mag-aral ng maayos. Para kasing may kulang, kaya hindi ko magawang magfucos. Ano ba ang kulang?
"Uy! Scarlett," biglang tawag sakin ni Qin Sang kaya naman agad kong itinabi ang aklat na kanina ko pa binubuklat
"A-ano yun?" sagot ko sa kanya
"Kanina ko pa kasi napapansin, wala ka sa katinuan," wika nito
"What do you mean?" pagtataka kong tanong
"Hayst! Kanina mo pa kasi binubuklat ang mga aklat na yan, pero hindi mo magawang magfucos. Ano bang iniisip mo diyan?" saad nito na ikinayuko
Kahit ako hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Hindi ko alam kung bakit ganito ako.
"S-sorry ate Qin," hingi kong paumanhin sa kanya
"Sabihin mo nga sakin. Ano ba talaga ang nangyayari sayo. Bakit ka nagkakaganyan" tanong nito
"H-hindi ko alam ate...h-hindi ko alam kung bakit, basta ang pakiramdam ko..parang may kulang, pero hindi ko alam kung ano ang kulang," saad ko sa kanya ikinatahimik nito
"Ano bang nangyayari diyan?" rinig kong sabi ni kuya Xian, siguro napansin niya na pinapagalitan ako ni ate Qin.
"Wala ito, may pinapaliwanag lang ako kay Scarlett," sagot naman ni ate Qin dito
"Ganon ba, pero maaari niyo bang hinaan ang inyong boses, nandito tayo sa school. May nag-aaral din," saad nito
Tama siya, nasa school kami ngayon. Baka may makarinig pa sa amin. Pumasok kami sa university upang makapag-isip isip ng maayos, kasi kapag nasa mansion kami. Para bang na aalala lang namin ang mga masasamang nangyari.
"Okay, pwede ka ng bumalik sa upuan mo," wika ni Qin sa kanya
"Ate Qin, labas lang po ako. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin," saad ko sa kanya
"Malapit na magsimula ang next subject," saad nito
Inangat ko ang aking ulo sabay tingin sa kanyang mga mata.
"Wala naman akong maiintindihan sa klase," sabi ko
"Sige na, pero hintayin mo kami pag-uwi,"
Nginitian ko siya at agad nang tumayo. "Hihintayin ko po kayo sa garden,"
"Okay"
Tumakbo na ako palabas ng room. Nagtungo ako sa garden na kung saan doon ko inilalabas ang lahat ng problema ko.
Habang naglalakad ako patungo roon, may narinig akong mga boses na nag-uusap. Malalakas ang kanilang mga boses, sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa hardin. Nagtago ako sa malaking puno, na kung saan sakto lang na marinig ko ang kanilang pinag-uusapan at nakikita ko din sila.
"Hindi ko akalain na pagtataksilan tayo ni Kim," rinig kong sabi ng isa sa kanila
"Sa tingin ko, may pinakain ang mga Han sa kanya, kaya naman ganon na lang siya nagbago ng desisyon," saad naman ng isa
Kung ganon, nakapagdesisyon na pala si Kim. Tama lang ang napili niyang desisyon.
"Anong gagawin natin. Galit na galit si Zeke. Para bang papatay dahil maging anak niya pinagtaksilan siya," wika naman ng isa
"Ang magagawa natin ngayon ay...."
"Ano Cloud!" saad sa kanya ng kasamahan niya
Hindi ko akalain na pumapasok pa pala sila sa university ko. Wala ba talaga silang hiya.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
AksiyonSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...