Chapter 64: Zeke's Daughter

81 12 0
                                    

"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment

Chapter 64: Zeke's Daughter

[Cloud POV]

"Hindi ko akalain na magagawa 'yon ni Mae. Pinatay niya talaga si Mecca," hindi makapaniwalang sabi ng kapatid kong si Cindy

"A-akala ko nga hindi niya kakalabitin ang baril niya," wika naman ni Derick

Nag-uusap silang lahat sa nangyari, hindi ko ako nakikisali sa kanila. Nakaupo lamang ako habang may hawak na baril.

Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Mae, ang patayin ang kanyang kaibigan. Ganon na ba talaga ang galit niya sa amin. Hindi man lang siya nagisip bago kalabitin ang kanyang baril.

"Cloud!" biglang tawag sakin ni Cedick kaya naman agad ko siyang nilingon

"Ano 'yon?" walang emosyon kong tanong

"Sa tingin mo ba, kaya tayong patayin ni Mae?" tanong nito na ikinatahimik nilang lahat

"Ano sa tingin mo?" kalmado kong tanong

"H-hindi niya naman magagawa 'yon hindi ba?" saad nito

"Tsk, nagawa niya ngang patayin si Mecca na hindi muna nag-iisip. Kaya magagawa niya din gawin ulit sa atin 'yon," seryoso kong sagot na ikinayuko nito

"A-alam mo Cloud-" magsasalita pa sana siya ng biglang sumulpot si Zeke sa likuran niya

"Alam niyo, delikado si Mae. Kaya habang maaga pa, kailangan na nating tapusin ang buhay nito. Baka, makapag-isip pa siya ng ibang plano para tapusin tayong lahat," wika nito habang nakatingin sa aking mga mata

"Nakuha na nila si Andrie," saad ko

"Tsk, don't mind him. Wala siyang kwenta, isang salita lang ni Mae sa kanya naniwala na siya ka agad. Ang ganon na tao walang silbi, kaya kayo wag na wag niyo gagayahin ang ginawa niya,"

"Kung ganon, may naisip ka na bang ibang plano," bigla kong tanong sa kanya na ikinagisi nito

"Meron," tipid nitong sagot

Bigla akong napatayo dahil sa sinabi nito. Ano kayang bagong plano ang naisip niya. Sana hindi mapahamak sila Min. Nagawa na nitong patayin si Qin Sang-ang kaibigan ni Mae. Wag na niya sana dagdagan pa.

"Gagamitin natin si Elle para maging bihag," wika nito na ikinagulat naming lahat

"Akala ko patay na siya," turan ko sa kanya

"Hahaha, palabas ko lamang 'yon para masaktan ng sobra si Mae," tawa nitong sabi

Bigla kong naikuyom ang aking mga kamao. Niloko niya kami, sabi niya patay na si Elle.

"Where is she?" sabad ni Cindy sa kanya

"She's in hidden place, a place that no one can find it," nakangisi nitong sagot

"Sabihin mo nga sa amin Zeke, papatayin mo rin ba siya kagaya ng pagpatay mo kay Qin Sang?" giit na tanong ni Calvin sa kanya

"Bakit, hindi ba pwede?" nakakaloko nitong tanong na nagpainit ng ulo ko

Bigla ko siyang hinawakan sa leeg. "Ang sabi mo wala kang idadamay," matalim kong tingin sa kanya

"Cloud!" tawag nila sa akin pero hindi ko sila pinansin bagkus idiniin ko pa ang aking mga kamay sa kanyang leeg

"C-cloud, h-hindi a-ako m-makahinga," wika nito sa akin

"Kapag dinamay mo si Elle sa susunod na plano mo, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka ngayon," pagbabanta ko sa kanya sabay bitaw sa leeg nito

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon