Chapter 46: Wayne Xiao

80 13 0
                                    

[𝐌𝐚𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]

"Okay, kailangan mo pang magpahinga upang bumalik ang lakas mo." Rinig kong sabi ng doctor kay Elle

"Doctor, bakit ako nandito sa hospital? Bakit wala akong ma-alala?" Bigla nitong tanong na ikinabahala ko.

"May nangbully sayo sa school. Pinagsusuntok ka at itinapon sa pader kaya nauntog ang ulo mo." Sabat kong sabi, tumingin ito sakin.

"Who are you?" Hindi na ako nagulat ng sabihin niya yun, dahil alam ko ng mangyayari ito.

"I'm Mae Shin Han—your sister." Pakilala ko sa kanya na ikinakunot noo naman nito.

"Ikaw? K-kapatid ko?" Utal nitong tanong, hindi yata siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Yes. Kaya lang hindi mo kami matandaan dahil may amnesia ka." Sabi ko

"Okay miss Han, maiwan na po muna namin kayo. Marami pa akong pasyenteng titingnan." Singit ng doctor samin

"Sige po doc."

Umupo ako malapit sa kanya. Tinitingnan niya lamang ako para bang hindi siya naniniwala na kapatid niya ako. Sa totoo hindi naman talaga, pinsan ko lang siya. But, i need to hide it first. Sasabihin ko na lamang kapag bumalik na ang mga ala-ala nito.

"So, your my sister? Where's our parents? Dapat nandito sila." Tanong nito na ikinakaba ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?

"O-our parents d-died ten years ago." Kinakabahan kong sagot. Napaisip ito saglit at bumalik ang tingin sa aking mga mata.

"What is the caused?" She asked again

"Pinasok ang bahay natin at pinagpapatay silang lahat. Mabuti nga at nabuhay tayong tatlo." Sagot ko

"T-tatlo?" Taka nitong tanong

"Oo, tayong tatlo."

"Nasaan siya?"

"Nasa tabi mo." Bigla kong turo sa may tabi nito

Lumingon naman siya sa likod nito at doon niya napansin na may katabi pala siya.

"What happened to her?"

"Someone want to kill you. Imbes na sa katawan mo tatama ang bala ng baril, sinalo niya ito kaya siya ngayon nandiyaan nakahiga." Sagot ko

"May gustong pumatay sakin? Pero bakit?" Taka nitong tanong

"Long story. Hindi ko muna sasabihin sayo dahil kagigising mo lang. Besides, sumasakit pa ang ulo mo right? Hindi ko pa muna sasabihin sayo." Sabi ko na ikinakunoot noo nito

"Ikaw ba ang panganay?" Aniya

"Oo, bakit?"

"Hayst! Ate pala kita." Sabi nito

"Alangan naman kuya." Pilosopo kong sagot

"Aba't—" i cut her words

"Wag ka munang magtatatanong diyan. Hindi pa kaya ng utak mo magprocess ng situation. Besides, under observation ka parin dahil may oras na sasakit padin ang ulo mo. Kaya magpahinga ka muna diyan habang ako naman magtatrabaho." Sabi ko sabay tayo

"Trabaho?" Taka nitong tanong

"Ako ang principal sa school na pinapasukan mo ngayon. Kaya kailangan kong magtrabaho lalo na may mga new transferee." Sabi ko

"Ah, okay." Tipid nitong sagot

Biglang nagbago ang ugali niya. Noong una ko siyang nakita matatakutin at iyakin pero ngayon, parang matapang at nakakatakot na. Binuksan ko ang laptop ko at sinubukang tingnan sila Frank sa detention office. Nandoon parin sila, akala ko nagbibiro lang siya sa sinabi nito.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon