[Scarlett POV]
Sandali nasaan ako? Bakit ang dilim?
"Scarlett anak! Halika dito!"
Sino ang nagsalita?
"Sandali po mommy, nakikipaglaro pa po ako kay ate Sapphire!" wika ng pamilyar na boses kaya naman agad kong hinarap ang nagsalita.
"Scarlett! Ano ba! Mamaya kana makipaglaro sa kanya. May ibibigay lang si mommy sayo." wika ng matanda.
"Opo, nandyan na po!" agad tumakbo ang bata sa kanyang ina.
"Scarlett! Binilhan kita ng bagong damit, alam kung paborito mo ang ganitong design."
"Wow! Ang ganda po!! Salamat Mom, your the best Mom in the world." tuwang-tuwa ang batang babae sa binigay ng kanyang ina.
"Mommy, may binili ka din po ba sakin?" biglang singit ng isang batang babae
"Marami ka ng damit sa kwarto mo kaya hindi na kita binilhan." sagot ng matandang babae sa isang anak.
"Pero mommy..."
"Hindi ka ba marunong umintindi." pasigaw na sabi ng matandang babae
"Allison! Ano na naman ba yan? Ka aga-aga panay sigaw ka diyan." biglang singit ng matandang lalaki
"Ito kasing si Sapphire!" irita nitong sagot
"Sapphire! Ano na naman bang ginawa mo hah?" tanong nito sa matanda
"Nothing Dad! Papasok na lang po ako sa loob." mahinahon nitong sagot sabay lakad papasok ng bahay, kita sa kanyang mga mata ang lungkot.
Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng magsalita ulit ang matandang babae. "Hindi ba't sinabi ko sayo Lance na ipadala mo na siya sa Thailand. I don't want her to be here." saad nito
Agad akong napalingon sa batang babae na nag ngangalang Sapphire, agad itong napalingon sa may gawi ko, at doon tumama ang aming mga mata. Doon ko lang nagpagtanto na ang batang ito ay ako noong bata pa. Biglang umiba ang pangyayari.
"Sapphire! When your in Thailand, Janzel father will be there to help you to manage the surroundings." wika ng aking ama sa'kin habang ang aming ina ay walang pakialam sa pagalis ko. Sabagay matagal narin nya itong gustong mangyari, ang mawala sa buhay nila.
"Yes Dad!" nakayuko kong sagot
"Ate Sapphire!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses kaya naman agad akong napalingon sa kung saan galing ang malakas na sigaw. I saw her, it was Scarlett. Gustohin ko man siyang yakapin at magpaalam, nagdesisyon akong wag na lang dahil ayokong gawin niya itong dahilan ng pagiging mahina nito. Kaya naman agad akong sumakay sa kotse, at sabay sarado ng pinto. Gayunpaman rinig ko parin ang kayang sigaw. "Sapphire! Open ng door!"
"Manong let's go!" wika ng batang ako sa driver. Tumango naman ito bilang sagot.
Sandali! Bakit ko pa ito napapanaginipan. Kailangan ko ng magising, dahil ayoko ng makita pa ang susunod na mangyayari. Pero bakit! Bakit ayaw pa ng katawan ko magising. Hindi ito pwede, i need to wake up!.
"Someone out there, please help me to wake up! I don't want to stay on my dream. Just please wake me up!" malakas kung sigaw pero wala parin nakakarinig
"Janzel!" rinig kong sigaw ng isang babae kaya naman agad akong napaharap kung saan man ito galing.
"Sapphire!!" sigaw naman ng isang lalaki. It was Janzel, my traitor friend.
BINABASA MO ANG
Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)
ActionSabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling nagawa. Pero paano kung nagkaroon sila ng kasalanan sa dalawang tao na nasa isipan lang nila ay paslangin ang taong nagbigay kalungkutan sa ka...