Chapter 36: Hidden Secret

89 10 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 36: Hidden Secret

[𝐌𝐚𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]

"Mae! Ano bang pinagsasabi ni Bianca.?" Bungad na tanong ng kapatid ko sakin ng makauwi na kami sa bahay. Nilingon ko siya at agad tiningnan ng pagtataka.

"Bakit! Ano bang sinabi niya huh!?" Tanong ko sa kaniya na ikinagulat nito

"What the!. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Bianca sayo.? Ikaw ang sinisi niya sa pagkamatay ni Bam." Saad nito na biglang nagpabago sa reaksiyon ko

Base sa kaniyang reaksiyon. Tila naniniwala siya sa sinabi ni Bianca. Sabagay wala siyang alam sa nangyari dahil nawalan siya ng alaala sa panahong inalisan ko ng trono ang panganay naming kapatid.

"Mae! Ano ba!. Sagutin mo ang tanong ko. Totoo ba lahat ng sinabi ni Bianca kanina huh!?" Muli nitong tanong

Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata at agad ngumiti ng matamis.

"Tingnan mo ako sa aking mga mata. Sa palagay mo ba, magagawa kong patayin ang bunso nating kapatid." Mataray kong sagot

"Pero anong yung sinabi ni—."

"Maniniwala ka sa sinasabi niya.? Min, hindi mo siya kasama noong bata pa tayo. Ni hindi nga siya nakikipaglaro sayo dahil ang tingin niya satin walang kwentang kapatid. Ang gusto niya lang ay ang trono na ipinamana satin nila mom at dad." Sabi ko

"Pero bakit kakaiba ang kinikilos niya. Bakit parang—."

Tiningnan ko siya, tila naguhuluhan siya ngayon.

"Alam mo Min, pagod ka lang. You may take your rest first. Bukas na lamang tayo magusap." Sabi ko sa kaniya na ikinatitig niya sakin

"Bakit sa oras na may itatanong ako tungkol kay Bianca, iniiba mo ang topic. May tinatatago ka ba sakin Mae.?"

Hinarap ko siya na walang takot.

"Ano naman ang itatago ko sayo Min. Lahat nga ng plano ko alam ko. Kaya ano ang pwede kong itago sayo na tila nagpapagulo sa isipan mo. Sabihin mo nga, anong napansin mo kay Bianca na tila nagpabago sa isip mo." Walang emosyon kong tanong

Napayuko ito saglit at ikinuyom ang dalawa nitong kamay na tila kinakabahan.

"Come on Min. Tell me! What is the reason, why you look like a paranoid.?"

Nakayuko parin ito.

"Napansin ko ang kinikilos niya, bawat pananalita, bawat galaw ng kaniyang katawan at maging ang pagiging palaban niya ay may maihahalintulad sayo. Kaya sabihin mo sakin ang totoo, si Bianca ba ay ang—." Hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin ng biglang dumating si Kyle

"Miss Mae!" Tawag nito sakin

Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Ano yun Kyle? Bakit ganiyan ang itsura mo? Hinabol ka ba ng maraming aso huh?"

"Paumanhin kamahalan. Sa totoo po hindi mg aso ang humabol sakin." Panimula nito na ikinakunoot ng noo ko

"Hindi aso? Eh ano?" Taka kong tanong

"T-tauhan po ni Nathan." Sagot nito na ikinagulat ko

"WHAT! How did he find you.? Saan ka ba pumunta huh?" Gulat kong tanong

"Ahm, galing po ako sa tindahan. Diyan po malapit lang dito sa bahay. H-hindi ko naman alam na pumupunta pala ang mga tauhan niya sa grocerie na 'yon." Sagot nito na tila kinakabahan

Napalingon ako sa labas ng bahay.

"Nakasunod ba sila.?" Tanong ko

"Hindi ko po alam. Basta ang alam ko takbo lang ako ng takbo hanggang sa naka-uwi na po ako." Aniya

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon