Chapter 26: Pain

130 13 0
                                    

Chapter 26: Pain

[Mae Shin POV]

"Anong iniisip mo?" Bungad na tanong sakin ni Tyler, kaya naman nilingon ko siya

"Nothing." Tipid kong sagot

Lumingon ako sa labas ng window. Pauwi na kami ng mansyon. Mabilis kong tinapos ang pagpupulong dahil, napakarami ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Hindi ko matukoy kung sino ang mga taong dumukot sa kapatid ko. Hindi lamang yon. Wala akong maisip na motibo na pwede nilang ikagalit samin. Wala akong matandaan na meron kaming nagawang masama sa ibang tao. Maliban na lang yata sa mga magulang namin. Kung babasihan dapat kami ang kailangang magalit dahil sa kanilang ginawa. Pero bakit sila pa ang may lakas ng loob na magalit at maghiganti samin.

"Are you sure.?" Saad nito

"Yes, I'm really sure. I think I'm just tired." Sagot ko na may puno ng pangamba, baka kasi mahalata niya na nagsisinungaling ako

"Okay, maniniwala ako sayo. Pero kung iniisip mo ang nangyari kanina sa pagitan ninyo ng Yuhan na 'yon. Just stop it. Don't focus your time with him." He said full of concerned

"Holy shit! Muntikan ko ng makalimutan. Isinama niyo ba siya.?" Gulat kong sabi

"Ahm, yes. He's in Cedrick car." He replied

"That was great!. Akala ko hindi niyo siya isinama."

"Bakit mo ba siya nais isama? Paparusahan mo ba siya? Pero sabi mo kanina, hindi mo gagawin yun." Puno ng pagtataka sa kaniyang isipan

"Hindi ko siya paparusahan. Pinasama ko siya dahil may nais akong itanong sa kaniya na alam kong may alam siya." Sagot ko

"Paano ka naman nakakasiguro na may alam siya sa itatanong mo.?" Wika nito sabay kunot noo

"Tsk, hindi ko pwedeng sabihin. I have my techniques to find a clue or to read a mind of a person. That's why..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng putulin niya ito

"That's why, you accompanied him with us.?" Walang emosyon nitong sagot

"Yes. Kaya wag ka ng magtanong dahil alam ko kung anong gagawin ko. Just do what I'm going to say when we go back at the mansion." Sabi ko sabay lingon sa unahan ng sasakyan

Yuhan.. Yuhan.. Familiar ang pangalan niya sa'kin para bang matagal ko ng narinig ang pangalan niya. Yung pagmumukha niya pamilyar sakin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakilala.

"If that's what your decision, i will follow it. Alam ko naman na hindi ka magdedesisyon na hindi mo kayang gawin." Aniya

Nakatingin lamang ako sa labas, pinapanood ang mga bahay na aming nadadaanan. Mataming puno ang nakapaligid sa bawat bahay. Ang ganda ng tanawin mula dito. Pero kapag nakarating na kami sa mansyon, ang lahat ng ito ay bigla na lamang maglalaho. Dahil walang bahay na makikita doon kundi ang mansyon lamang dahil sa ayaw naming may maabalang tao kapag may sumugod na kalaban. Mainam na walang makakasalamuha kang ibang tao, kesa naman may nakakasalamuha ka pero ipapahamak mo naman ang kanilang buhay.

Tahimik ang buong paligid. Walang ingay ang maririnig maliban na lamang sa ingay ng mga sasakyan na nakakasabay namin. Sana ganito na lamang ang mangyari.

"Gutom ka na ba.?" Pagbasag nito sa katahimikan

Hindi ko siya nilingon, bagkus nakatuon lamang ako sa labas ng sasakyan.

"Hindi pa naman. Bakit ikaw? Gutom ka na ba.? Kung gusto mo ihinto mo muna sa malapit na restaurant itong sasakyan at doon ka kumain. Tawagan mo na rin ang iba. Alam kong gutom na rin ang mga 'yon." Saad ko habang nakatuon parin sa labas

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon