Chapter 27

46 1 0
                                    

Chapter 27

..........

Sa pagpapatuloy ng kwento ng Mahiwagang Babaylan at ni Angelus...

Ang Mahiwagang Babaylan ay mahigpit na sinakal ni Jacob Ruiz. "Ikaw naman ang susunod kong papatayin. Kailangang mawala ka na sa langit upang wala nang tumutol sa mga plano namin." Saad ni Jacob.

"T- traydor ka! Hindi ka dapat maging anghel lalo't higit pinuno ng mga anghel!" Saka siya buong lakas na lumaban dito hanggang sa nagtagumpay naman siyang makawala rito. Hinawakan niya ang kanyang leeg. "Siguradong naririnig at nakikita ng Diyos at ng mga Santo ang nangyayari ngayon. Humanda ka! Mapaparusahan ka!"

"Hahahaha! Wala siyang nakikita! Nilagyan ko ng kakaibang haranang ang kaulapan ng mga anghel upang ang laging makita ng itaas ay maganda! Hahaha!"

"Tuso ka! Pinagloloko mo ang Diyos at ang mga Santo! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!"

"Takot ako! Hahaha!" Saka ito bahagyang lumapit sa kanya. "Alam kong mahal na mahal mo si Angelus. Alam ko ang buong kwento ninyo. Noon ko pa kayo pinagmamasdan. At alam nating pareho na kahit anong gawin mo ay hindi ibabalik ng Diyos at ng mga Santo ang kanyang buhay. Patay na siya. Maari siyang maging Santo at manirahan sa mas nakakataas na bahagi ng langit ngunit kailanman ay hindi mo na siya makikita. Tanging si San Pedro lamang ang Santong nagpapakita sa atin. Ngunit meron akong alam na paraan upang muli kayong magkasama ni Angelus."

"P- paraan?"

"Oo. Paraan. Bumaba ka sa impyerno at kausapin si Satanas. Isang pabor lang ang hihilingin niya at bubuhayin niya ang pinakamamahal mong si Angelus. Hahaha!" Bulong nito.

"Hindi ako kailanman hihingi ng tulong at makikipagkasundo kay Satanas!" Bulalas niya.

"Hahaha! Kung gayon ay hindi na kayo magkakasama kailanman ni Angelus. Hahaha! May isang oras ka pa upang magbago ang isip mo. Dahil kung hindi ay tuluyang lalamig ang katawan ng pinakamamahal mo at kahit si Satanas ay hindi na siya magagawang buhayin! Hahaha!" Saka ito biglang naglaho.

Dagli siyang nagpunta sa pinto ni San Pedro ngunit wala ito sa sandaling iyon. Tinungo niya rin ang ibang mga pintuan ng langit upang makausap ng ibang mataas na opisyal ngunit tila nabilinan na lahat ni Jacob ang mga bantay na anghel.

"Hindi pwede 'to! Kailangan akong gumawa ng paraan upang makausap ko ang Diyos. Kailangan kong makuha ang atensyon niya." Saka siya nag- isip. "Alam ko na."

Tinipon niya ang kanyang kapangyarihan. Pinadilim niya ang paligid kahit na tanghaling tapat palang sa kalupaan. "Kapangyarihang ibinigay sa akin. Magliwanag ka buwan ngayon din! Kunin mo ang atensyon ng lahat ng Santo sa langit pati na ang Poong Maykapal!"

"Aaaaaah! Nais mong kunin ang atensyon ng mga nakakataas upang tulungan ka?!" Biglang lumitaw si Jacob Ruiz.

"Oo! Kailangan nilang malaman na napasok ang Kalangitan ng isang traydor na tulad mo! Hindi ka anghel! Isa kang anghel na ugaling demonyo!"

"Hindi ka magtatagumpay! Hindi mo masisira ang mga plano namin! Tapos na ang paghahari ng kabutihan sa mundo at sa Kalangitan!" Saka nito iwinagagwag ang mga pakpak. Napakbilis ng mga pangyayari. Isang malakas na ipu- ipo ang pinakawalan nito dahilan upang mawala siya sa konsentrasyon sa ginawa niyang pagsamo sa buwan. Nawalan din siya ng balanse, tuluyang nahulog at nawalan ng malay.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa impyerno na siya kaharap si Satanas. Napakainit ng lugar. Nakakabaliw ang kakaibang ingay na dulot ng mga kaluluwang sinusunog sa apoy. Nakakapanindig balahibo ang itsura ni Satanas. Ngunit hindi siya makakilos. "Aah... nanghihina ako. Kailangan kong makabalik sa langit ngayon din."

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon