Chapter 76

131 4 0
                                    

Maraming salamat po sa pagsubaybay Nerinians!

Sana po ay ma-follow niyo ako rito sa wattpad, youtube (Neri's Collections at Thirs Trap Men) at social media accounts (Neri Joy Jayson sa facebook at instagram). Maraming salamat po.

Mahal kita. May nagmamahal sayo. Sana ay maramdaman mo yan sa aking mga kwento.

Chapter 76

Magmula noon ay hindi na muling nakaakyat pa ng lupa si Satanas. Napatapon na itong muli sa impyerno kung saan ito nararapat. Nawala na ang epekto ng mga utos sa itim na misa. Naging normal na mga tap na rin muli ang mga myembro ng Illuminati. Tunay ngang nagwagi na naman ang kabutihan laban sa kasamaan. Anumang relihiyon basta sumasamba sa iisang Diyos na kahit magkakaiba pa ang pangalan ay muling nabigyan ng pagkakataon na mabuhay sa isang mapayapang mundo.

Gayunpaman, wala man si Satanas sa lupa ay patuloy pa rin ang mga kampon nito sa pagpapalaganap ng kasamaan. Hindi na yata 'yun mawawala pa. Hangga't may mga taong natutukso na gumawa ng hindi tama ay hindi mawawala si Satanas at ang impyerno. Sa ngayon ay hindi lang ito makaakyat sa lupa kung saan siya ipinagbabawal. Darating ang panahon kapag nakalimot na naman ang mga tao ay pwedeng may bagong grupo ng Illuminati ang mabuo. Isang bagong itim na Santo Papa ang magpapalaganap ng maling paniniwala. At anong malay natin baka makatuntong na naman si Satanas sa lupa. Isa na namang bagong Tagapagligtas ang isisilang. Hindi lang tayo dapat mawalan ng pag- asa at pananampalataya. Ang tanging makakatalo sa kadiliman ay ang liwanag.

Dumating na ang panahon upang magpaalam si Regiena kina Angela, Santi at Santo. Magiging kaluluwa na ang mga ito at hahatulan na kung saan sila mapupunta.

"Paalam mga kaluluwang naipit sa lupa. Paalam Tagapagligtas. Maraming salamat sa pagliligtas sa mundo. Kung dumating man ang panahon na kailanganin ang aming tulong ay walang pagdadalawang isip naming ibibigay ang aming mga kamay." Saad ng Diyosa ng Hangin. Nakatabi rito ang Diyosa ng Tubig at Diyosa ng Apoy na maaliwalas ang mga mukha.

"Maraming salamat din sa inyo mga Diyosa." Sabay na saad nila Santi at Santo.

Naglaho na parang hangin, tubig at apoy ang mga Diyosa. Hinarap siya ng tatlo saka sila nagyakap.

"Maraming salamat sa inyong lahat." Lumuluhang nasambit ni Regiena.

"Maraming salamat din sayo aming Tagapagligtas." Tugon ni Angela. "Sinabihan na kami na sa langit kami mapupunta. Hindi kami magtatagumpay sa aming misyon kung hindi mo kami tinulungan."

"Maraming salamat din sa pagkakaibigan." Dugtong naman ni Santi.

"Patawad dahil sinungitan kita noong una. Maraming salamat Regiena." Sa huli'y si Santo naman ang nagpaalam sa kanya.

Tila isang maliwanag na pinto ang nagbukas. Sinusundo na sila. Naghiwa- hiwalay na sila mula sa pagkakayapos sa isa't- isa.

"Ikumusta niyo na lamang ako kay Jelor. Habang buhay akong mananabik sa kanya." Lalo siyang napaluha nang maalala ang lalaking pinakamamahal.

Hinawakan siya sa balikat ni Angela. "Lagi ka niyang babantayan. Siguradong sa mga oras na ito ay nakadungaw siya sa bintana ng langit upang tingnan ang lagay mo."

Iyon na ang huling pagkakataon na nakita niya ang tatlong kaluluwang naipit sa lupa. Bumibisita pa rin siya sa bar ngunit isang normal na bar na lamang iyon.

Iba na ang buhay ni Regiena, tapos na siya sa pagiging isang Tagapagligtas. Maliban sa pagiging isang ina sa anak na si Jelor Jr. ay isa na siyang ganap na babaylan.

You think I'm an ignorant savage
And you've been so many places
I guess it must be so
But still I cannot see
If the savage one is me
How can there be so much that you don't know
You don't know

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon