Chapter 61

31 1 0
                                    

Chapter 61

"Nanghihina na ako." Saad ni Angela.

"Ako rin. Mauubos na ang lakas ko." Pagsang- ayon naman ni Jelor.  "Baka hindi na tayo makatalon neto sa portal."

"Papupuntahin ko sa akin ang lahat ng halimaw. Tumalon na kayo pabalik." Saad ni Damian. Nagulat sila sa tinuran nito.

"A- ano? Damian wag. Hindi ba't sinabi kong ililigtas ka namin." - Angela.

"Sa kauna- unahang pagkakataon ay gagawa ako ng tama. Basta 'yung napag- usapan natin tungkol sa kapatid ko ay gawin mo Angela. Paalam. Paalam."

Nagtatakbo sa kabilang dulo ng tulay si Damian. Tinipon nito ang natitirang apoy sa katawan bilang isang demonyo. Aandap- andap na iyon dahil nasa purgatoryo sila. Ngunit sapat na 'yun para makuha nito ang atensyon ng lahat ng halimaw. Sinugod ito ng mga halimaw hanggang sa mahulog ito sa mismomg purgatoryo.

"Damian!!!" Sigaw ni Angela.

"Tara na Angela." Anyaya ni Jelor sa lumuluhang kaibigan. "Hindi na natin siya maililigtas pa. Kailangan na nating tumalon patungo sa portal pabalik sa mundo ng mga tao."

"Baka pwede pa nating mailigtas si Damian. Baka pwede pa Jelor." Pakiusap nito.

"Kailangan na nating umalis dito Angela." Hinawakan niya ang mga braso nito. "Purgatoryo ito. Wala tayong laban sa lugar ng kawalan. Kung anuman ang pinangako mo kay Damian ay gawin mo nalang pagbalik natin sa lupa. Iyon na ang mahalaga sa ngayon. Kailangang matuloy ang ating mga plano."

Kitang- kita niya na masakit man sa loob ni Angela ay sumama pa rin ito upang tumalon sa portal pabalik sa mundo. Napaupo nalang sila sa labas ng palanggana. Nakatulalang lumuluha ang kaibigan.

"Hindi totoong likas na masama ang mga tao at ang iba pang mga elemento na namumuhay." Biglang saad nito. "Ngayon higit kailanman ay naniniwala akong likas na mabuti ang lahat ng nilalang. Tama ang Diyos. Tama siya na nilikha niyang mabuti ang mga tao. Nababahiran lamang ito ng kasamaan at mga maling desisyon sa buhay na pinag- aalab ng kampon ng kadiliman. Pero mabuti ang lahat. Akala ko wala nang pag- asa si Damian ngunit sa huling sandali nawala ang pagiging makasarili niya. Inuna niya ang kanyang kapatid na si Dement."

"Magkapatid si Damian at Dement?" Gulat na tanong niya rito.

"Oo. At gagawin din nating mabuti si Dement para tumiwalag siya sa kasamaan." Pursigido nitong tugon base sa boses nito.

"Ngunit kailangan muna nating humabol sa St. Peter's Basilica. Kailangan nating tulungan sina Santi at Santo na pigilan ang itim na misa."

"Ano kamo? Nagaganap na ang itim na misa?"

"Oo. Sinadya nilang ipadala kayo sa purgatoryo upang mahati tayo." Akmang maglalaho na sana si Jelor nang pigilan siya ni Angela.

"Sandali lamang. Kailangan kong kumuha ng mga gamit. Naiwan sa Maldives ang mga kagamitan kong may orasyon."

Tumango siya. Habang naghihintay ay nakaramdam siya ng kakaibang malamig na hangin.

"Iligtas mo ang babaeng iyong pinakamamahal." Narinig niyang bumulong sa kanya ang matandang boses ng Tagapagbantay ng Lupa. "Nasa panganib ang Tagapagligtas. Ito na ang tamang panahon upang tulungan mo siyang gisingin ang kanyang kapangyarihan."

Isa iyong babala mula sa matandang tagapagbantay. Bigla siyang kinabahan. Naalala niya si Regiena at hindi nga maganda ang kanyang kutob. Tila nasa panganib nga ito. "Regiena."

"Jelor tara na." Nakabalik na si Angela.

"Patawad Angela. Ikaw nalang ang tumulong kina Santi at Santo. Nagbigay sa akin ng babala ang Tagapagbantay. Nasa panganib si Regiena." Nangangatog niyang saad dito.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon