Chapter 47

23 2 2
                                    

Chapter 47

"Santo Papang Hudas." Sambit ni Satanas kay Papang Hudas.

Labis siyang nabigla sa pagbisita sa kanya sa Vatican ng hari ng impyerno. Hindi pa nila nasasagawa ang mga itim na misa kaya hindi pa makakatagal sa ibabaw ng lupa si Satanas. Kapag tuluyan nilang napalaganap ang kasamaan sa pamamagitan ng mga itim na misa at ng Illuminati Ball ay makakapamalagi na ang kanilang hari sa ibabaw. Mas magiging makapangyarihan ito. Magkakaroon ito ng mas malawak na hawak kumpara sa langit.

"Mahal na Satanas." Siya ay lumuhod sa harap nito. "Ano pong inyong ginagawa rito?"

"Sumaglit lamang ako." Lumakad ito palapit sa kanya saka hinawakan ang kanyang balikat. "Malaki ang tiwala ko sa iyo Hudas. Ikaw ang kauna- unahang myembro ng Illuminati na galing sa simbahang Katolika. Mula sa isang normal na tao ay binigyan kita ng kapangyarihan. Kapangyarihang mas malakas pa sa mga demonyong kampon ng aking katipang si Lilith. Kahit na malaki ang pagtutol at pagdududa sa iyo ng aking asawa."

Bigla nitong pinisil ng buong lakas ang kanyang balikat. Halos durugin na nito ang kanyang buto sa bahaging iyon. "Nakita ko sa salamin na mangyayari ito. Isang Itim na Santo Papa ang mamumuno sa simbahan. Nakita ko rin na makakatapak ako sa lupa at makakapamuno rito. Wag na wag mo akong bibiguin kung ayaw mong bawiin ko ang lahat sa iyo. Ikaw ang aking pag- asa upang maghari sa sang- kalupaan. Ayaw ko nang mabigo ang susunod na pagtatangka sa itim na misa. Tandaan mo 'yan."

Saka ito bumitaw sa kanyang balikat at naglaho. Napasalpak nalang siya sa sahig. Nanghina ang kanyang buong katawan. Pinagkuyom niya ang mga palad sa gigil.

"Sisiguraduhin kong mas magiging malakas at makapangyarihan ako sayo." Hinahabol na rin niya ang hininga. "Ako ang naghirap sa lahat ng ito. Kikilalanin ng mundo ang kasamaan ng dahil sa akin. Manatili nalang kayo dyan sa impyerno. Akin ang lupa. Akin lang. Magiging matagumpay ang mga itim na misa at ang Illuminati Ball ngunit hindi kayo kailanman makakaakyat dito."

Kinabukasan...

"Dement, Soliven at Dorka." Tinawag ng Itim na Santo Papang Hudas ang tatlong demonyong kampon ni Lilith. Paghahandain na niya ang mga ito para sa nalalapit na itim na misa. Ayaw na niyang mapurnada ang unang misa. Dalawang emosyon ang kanilang palalaganapin. Takot at galit. Kailangang maging matagumpay na ito. Hindi niya pwedeng mabigo si Satanas lalo't higit ang kanyang sariling mga hangarin upang maging makapangyarihan. "Itotoka ko na sa inyo ang mga dapat niyong gawin sa darating na itim na misa."

"Lahat kami'y magbabantay ng mabuti sa simbahan." Tugon ni Dement. Hindi siya komportable rito kahit na ito ang pinakamalupit sa tatlo. Ito rin kasi ang pinakatapat kay Lilith. "Binigyan ako ng kakaibang langis ni Lilith upang ipahid sa aming balat. Makakatagal kami sa loob ng simbahan hanggang sa iyon ay matapos. Mababantayan namin ng mabuti ang itim na misa."

"Magaling Dement. Magaling. Maaari na kayong umalis."

Una itong naglaho.

"Sandali lamang Soliven at Dorka." Pinigilan niyang umalis ang lalaki't babaeng demonyo.

"Ano ho iyon mahal na Itim na Santo Papa?" Ang babaeng si Dorka ang tumugon.

"Hindi ba kayo naiinggit kay Dement?" Tanong niya rito.

"Naiinggit?" - Soliven.

Ooh-ooh
Ah-ah-ah-ah-ah

Brown guilty eyes and little white lies
Yeah, I played dumb but I always knew
That you'd talk to her, maybe did even worse
I kept quiet so I could keep you

And ain't it funny
How you ran to her
The second that we called it quits?

And ain't it funny
How you said you were friends?
Now it sure as hell don't look like it

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon