Chapter 38

44 1 0
                                    

Chapter 38

Sa huling gabi nila Regiena sa Las Casas ay nagusap- usap na silang lahat nila Jelor, Angela, Santi at Santo tungkol sa mga napag- usapan nila ng kanyang inang si Mahiwagang Babaylan.

Naglagay si Angela ng kakaibang pananggalang upang walang makarinig sa kanilang usapan.

"Grabe ikaw pala ang anak ng Mahiwagang Babaylan." Halos isubsob na ni Angela ang mukha sa kanya. "Mabuti nalang talaga bet kita simula pa noong una kay Alex ay Jelor pala. Lagot ka Santo lagi mong inaaway si Regiena 'nun. Mukhang nanganganib ang desisyon mo Santo."

"Joke lang naman 'yun Regiena. Pino- protektahan ko lang tayong mga kaluluwang naipit sa lupa para magtagumpay ang misyon natin" nahihiyang tugon ni Santo na napapakamot pa ng ulo.

"Walang problema sa akin 'yun Santo.  Naiintindihan naman kita. Ayaw mo lang mapahamak si Jelor noon dahil sa pakikihalubilo niya sa isang tao." Mahinahon niyang tugon habang nakangiti.

"But it turns out na kayo pala talaga ni Alex este ni Jelor no? Na ang dating buhay pala ni Alex ay bilang si Jelor na asawa mo. Grabe naman talaga ang tadhana. Naku sana may makakita rin sa akin na dati kong kasintahan." Kinikilig na nag- imagine si Angela.

"Angel ka nga raw dati di ba na pinatay ng demonyo. Malamang hindi ka nagkaroon ng kasintahan." Binasag naman ito ni Santo.

"Pwede ba kayong dalawa naggagantihan lang kayo eh." Puna ni Santi.  "'Yung totoo? Ang kailangan nating pag- usapan ngayon ay tungkol sa pagiging tagapagligtas ni Regiena."

"Oo nga pala." Hinawakan ni Angela ang kanyang kanang kamay. "P- paano nga ba natin matatalo ang Illuminati sa tulong mo Regiena?"

Huminga siya ng malalim. "Sa pamamagitan daw ng aking puso."

"Sa pamamagitan ng iyong puso?" Pag- uulit ng babae.

"Iaalay natin ang puso mo ganon?" Tanong ni Santo. Sabay naman itong binatukan nila Angela at Santi.

"Ano pinatay lang si Regiena? Tayo pa ang pumatay ganon? Ikaw Santo ibabalik talaga kita sa purgatoryo kung kaya ko lang." - Angela.

"Wala na bang mas detalyadong sinabi ang iyong ina?" Tanong ni Santi.

"Basta gamitin ko lang daw ang aking puso eh. Magiging din ang natatago kong kapangyarihan." Tugon niya.

"Hmmmm..." tila nag- isip si Angela. "Wala pang mga taong naging anghel. Pero may mga anghel nang naging tao. Isa lang ang ibig sabihin ng kapangyarihan na tinutukoy ng iyong ina. Magiging makapangyarihan ka tulad niya. Parang isang babaylan."

"Kailangan nating magising ang iyong kapangyarihan." Komento ni Santi.

"Malaki raw ang maitutulong mo sa akin Jelor." Lumingon siya sa lalaking pinakamamahal.

I'm perfectly fine, I live on my own
I made up on my mind, I'm better off bein' alone
We met a few weeks ago
Now you try on callin' me, baby, like tryin' on clothes

So prove to me I'm your American Queen
And you move to me like I'm a Motown beat
And we rule the kingdom inside my room
'Cause all the boys and their expensive cars
With their Range Rovers and their Jaguars
Never took me quite where you do

And all at once, you are the one I have been waiting for
King of my heart, body and soul, ooh whoa
And all at once, you are all I want, I'll never let you go
King of my heart, body and soul, ooh whoa

And all at once, I've been waiting, waiting
Ooh whoa, ooh whoa
And all at once, you are the one, I have been waiting, waiting
Body and soul, ooh whoa
And all at once

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon