Chapter 32

48 1 0
                                    

Chapter 32

"Tatanungin ko na siya tapos kapag nakuha ko na ang lahat ng sagot. Pagtalikod ko ay buburahin niya ang alaala ko at may chance pa akong mamatay? Tama ba?" Pag- uulit ni Regiena sa mga ipinaliwanag ni Angela sa huli niyang dapat paghandaan.

"Tama Regiena. Hindi niya hahayaang may makaalis na nalaman ang lahat. Dahil sa mga nangyari sa buhay niya noon ay naging malupit na ang Mahiwagang Babaylan. Siya lang ang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa mundo, sa impyerno, purgatoryo at langit. Isa na itong babala Regiena. Alam kong kailangan namin ng tulong ng isang mortal ngayon ngunit bibigyan pa kita ng pagkakataon upang umatras." Matimang nakatitig sa kanya si Angela.

Napalunok siya. Tumulo ang malamig na pawis mula sa kanyang noo. "Itutuloy ko ito. This is our only shot. My only shot. Mauulit pa naman ang kabilugan ng buwan at pwede pa kayong makahanap ng taong makakapagtanong sa nais ninyong malaman. Ngunit ako? Kapag pinalampas ko pa ito ay baka hindi ko na malaman pa ang katotohanang hangad ko." Pursigido niyang tugon.

Lumapit ito sa kanya saka idinantay ang dalawang kamay sa kanyang mga balikat. "Magaling Regiena. Kung gayon simulan na natin ang sunod mong dapat aralin."

"P- paano ko maiiwasan ang kamatayan sa kamay ng Mahiwagang Babaylan?" Nangangatog niyang tanong. There's no turning back.

"Halika rito."

Mas lumapit siya rito. May kinuha ito sa bag na dala nito. Para iyong lahat ng sardinas. "Ano 'yan?"

Nilapag nito ang lata sa lupa. Dahil sa liwanag ng buwan ay nagbago ang anyo ng lata. Naging itong tila damit.

"Damit?" Kunot noo niyang tanong.

"Oo Regiena. Ngunit hindi ito ordinaryong damit. Kaya nitong sanggahin ang kapangyarihan ng Babaylan. Depende sa lakas na papakawalan niya."

"Depende sa lakas? Ibig sabihin may chance pa rin akong mamatay?"

"Gayun na nga." Walang kurap na tugon nito. "Pero hindi iyon ang dapat mong problemahin. Mapapansin ng
Guardiya ng Lupa at ng langit kapag naglabas siya ng labis na kapangyarihan. Isa pa hindi naman niya inaasahan na suot mo ang damit ng pananggalang. Ang alam niya ay mortal ka at walang kakayahang masangga ang kanyang kapangyarihan."

Kahit papaano'y nakahinga na siya ng maluwag. "Kung gayon anong dapat kong paghandaan?"

Pinulot nito ang damit ng pananggalang. "Handa ka na ba? Isusuot ko na ito sa iyo. Sabihan mo ako kung kaya mo pa o hindi na."

"Ha? Ang gaang lang naman niyan. Isuot mo na sa akin."

Dahan- dahan nitong pinasok sa kanyang ulo ang damit. Doon niya napansin na sobrang bigat pala noon.

"W- wait lang Angela. Parang di ko kaya. Ilang kilo ba ito?"

"Limampung kilo sa amin. Sa mortal aabutin ng limandaang kilo."

"Five hundred kilos?!" Bulalas niya. "Eh hindi ko nga kakayanin 'yan."

"Nilagyan ko ito ng kakaibang mahika. May orasyon ito at dasal. Sa loob ng tatlumpung minuto ay magiging limampung kilo ang bigat nito. Sa panahong iyon dapat ay magkunwari kang tinablan ka ng kapangyarihan ng Babaylan. Tapos ay ilalayo ka namin rito upang maihubad sayo ang damit ng pananggalang. Kapag nahuli kami ay madadaganan at maiipit ka ng damit dahil limandaang kilo na ang bigat nito."

Napalunok siya sa paliwanag nito. Napaka- komplikado ng mga mangyayari. Idagdag pa ang gagawin niyang pagbalanse sa palanggana. Suot na niya noon ang damit.

"Handa ka na ba o susuko ka na?" She asked while looking straight on her eyes.

"Handa na." Kahit takot ay buong loob siyang tumugon.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon