Chapter 65

30 1 0
                                    

Chapter 65

"Hindi ko alam kung anong halaga ng ginawa ko Regiena." Sambit ni Jelor habang pinagmamasdan ang mukha ni Regiena. Ang mga mata nito'y kumikislap at tila ba puno ng pagmamahal. "Ang alam ko lang ay mahal kita at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Hindi ko kakayaning mawala ka Regiena. Ang pangarap ko nalang ngayon ay makasama ka at ang anak natin bilang isang buong pamilya, matapos ang misyon namin. Kaya sasamahan kita sa labang ito upang matapos na ang kasamaan sa mundo."

Uupo sana siya mula sa pagkakahiga ngunit nanghihina pa ang kanyang katawan. "Maraming salamat Jelor. Hindi mo alam kung paano mo nabuo ang buhay ko. Kanina habang nag- aagaw buhay ako ay may mga importanteng nilalang ang nakausap ko. Lahat daw nang nangyari sa buhay ko ay may dahilan papunta sa misyon na ito. Ang sarap lang balikan na kahit napakaraming paghihirap ay ikaw ang kasama ko magmula pa noon. Noong mga anghel pa tayo. Bumagsak sa lupa at naging tao. Nagkasala. Nagmahalan. Nagkaroon ng anak. Muling nagkahiwalay. Nakilala ka bilang Alex. Tapos heto patungo sa isang importanteng misyon na hindi nalang para sa atin dahil para sa ating anak na at sa lahat ng tao sa mundo."

Hinagkan siya nito sa kanyang noo. Madiin iyon. Saka siya niyakap ng lalaki. Kahit papano'y nabuhayan siya ng loob at nadagdagan ng lakas.

"Magpahinga ka na muna at magpalakas." Hinawi nito ang kanyang buhok. "Kapag nabawi mo na ang iyong lakas ay saka na tayo bumalik sa Vatican."

Tumango siya at binigyan ito ng matipid na ngiti. Napatingin sila sa langit. May kakaibang itim na awra na gumuhit sa kalawakan. Dumilim ng bahagya ang paligid. Tila nagbabadya iyon ng panganib.

"M- mukhang natuloy na ang itim na misa." Sambit ni Jelor.

"A- ano?" Tanong niya rito.

"Kinuha nila Satanas sina Angela at Damian at dinala sa purgatoryo. Sinabay nila ang itim na misa upang magkahiwa- hiwalay kami. Mukhang nagtagumpay sila."

"Bago nga ako itulak ni Paris sa yate ay nagpunta si Satanas sa hotel. Kinuha niya sina Angela. Kumusta na sila ni Damian?" Labis ang kanyang pag- aalala.

"Ligtas na si Angela." Umiwas ito ng tingin. "Ngunit nagsakripisyo si Damian para makaalis kami sa purgatoryo. Naiwan siya roon. Sa huli ay pinakita niyang kahit silang mga demonyo na ay pwede pa ring magbago."

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Nasa kubo sila malapit sa dalampasigan ng Maldives. Tanging ang tunog ng alon sa dagat at hangin humahampas sa kanilang mga katawan ang maririnig. Nakikidalamhati ang mga ito.

"Si Satanas naman." Nagpatuloy sa pagkukwento si Jelor. "Ayon sa ulat sa akin nila Angela habang wala kang malay ay ginamit ang katawan ng Itim na Santo Papang Hudas upang personal na isagawa ang itim na misa. Kaya nagtagumpay na talaga ito. Pinagsabay- sabay na ni Satanas ang lahat ng utos ng impyerno sa iisang misa. Ibig sabihin ay nagtagumpay na rin ang Illuminati at makakapanatili na sa lupa si Satanas." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Wag ka na munang mag- isip masyado Regiena. Kailangan mong magpahinga ng mabuti. Kailangan ka na ng mundo. Ikaw nalang ang pag- asa namin. Ikaw ang pinagkatiwalaan ng Diyos na iligtas tayo."

난 숨쉬고 싶어, 이 밤이 싫어 (이 밤이 싫어)
이젠 깨고 싶어, 꿈속이 싫어 (꿈속이 싫어)
내 안에 갇혀서, 난 죽어있어 (난 죽어있어)
Don't wanna be lonely
Just wanna be yours

왜 이리 깜깜한 건지
니가 없는 이 곳은?
위험하잖아 망가진 내 모습
구해줘 날 나도 날 잡을 수 없어 수없어

내 심장소릴 들어봐
제멋대로 널 부르잖아
이 까만 어둠 속에서
너는 이렇게 빛나니까

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon