Chapter Seven

2.4K 34 2
                                    

Chapter Seven

Malalim na ang gabi. Sa maliit na kwarto natulog si Regiena. Sa ibabaw siya ng papag samantalang sa ibaba naman si Roland. Nasa sala naglatag ng banig si Jelor. Hindi maayos na makatulog si Regiena. Kaya naman agad siyang nagising ng makarinig siya ng mga impit na ungol at mga halinghing. Kaagad siyang bumangon. Wala si Roland sa higaan nito. Paglabas niya ng kwarto ay inabutan naman niyang nakahiga at natutulog pa rin si Jelor. Sinundan niya ang pinagmumulan ng mga tunog. Napansin niya na nakabukas ang ilaw sa maliit na palikuran ng bahay. Gawa lamang sa kahoy ang pinto 'non. Hindi rin siya maaaring magkamali. Doon nagmumula ang mga ungol at halinghing.

"M-may..." magsasalita na sana siya ngunit binawi niya iyon. Naunahan siya ng kyuryosidad ng makarinig siya ng usapan mula sa loob. Lumapit siya sa banyo at idinikit ang kaliwang tainga sa pinto.

"Hmmmm... salamat naman Roland at hindi ka na nagpabebe pa. Pinagbigyan mo na ako. Kahit wala itong bayad ay masaya ako dahil ikaw naman ang ... ahhhh..." Mahina ngunit narinig niya ang sinabi ng babae. Lalong tumindi ang kanyang pagtataka kung ano ang ginagawa ng mga tao sa loob. Dahil sa sobrang lapit niya sa pinto ay napansin niyang may maliit iyon na butas. Sumilip siya at mula roon ay nakita niya ang mga pangyayari sa loob.

"Hindi ibig sabihin na napabigay mo na ako ay gagawin nalang natin 'to dahil sa libog. Handa akong panagutan ka Jecka. Mahal kita. Hangga't maaari nais kong ako nalang ang lalaking umangkin sayo." Tugon ng lalaki. Si Roland at Jecka ang nasa loob. Mapusok ang mga tagpo. Parehong nakahubad ang dalawa. Hinahagkan ni Roland ang leeg ni Jecka habang walang tigil ito sa pagbayo sa pagkababae ng dalaga. Kitang-kita iyon ni Regiena. May mga malabong aprisyon ang pilit na pumapasok sa kanyang isipan. Tila siya ang babaeng nakikita niya sa aparisyon. May kasama siyang lalaki sa isang malambot na lugar at ginagawa rin nila ang pagniniig nila Roland at Jecka ngayon. Nag-iinit ang kanyang buong katawan papasok sa kanyang sistema ang apoy na iyon. Hanggang sa napagtanto niyang mali ang ginagawa niyang pagsilip sa pribadong sandali ng dalawa. Masyado siyang nadala ng kyuryosidad at ng malabong pangitain na kanyang nakita. Tila may epekto pa rin ang itim na usok sa kanya kahit isa na siyang mortal.

"Je..." Kamuntik na siyang mapasigaw ng pagtalikod niya ay si Jelor ang bumungad sa kanya pero kagyat na tinakpan nito ang kanyang mga labi ng hintuturo nito. Labis din nitong inilapit ang mukha sa kanya.

"Wag kang maingay." Bulong nito. "Pinatuloy kanina ni Roland si Jecka. Sa kwarto rin sila natulog pero bigla nalang silang nagmamadaling lumabas at pumunta sa banyo. Baka hindi nakatiis. Mabuti pa'y pilitin mo nalang matulog."

Naamoy niya ang hininga nito. Kahit nakatulog na o kahit hindi pa dahil mas dinig nito ang tunog na nililikha nila Roland ay mabango pa rin ang hininga ni Jelor. Nagpadagdag iyon sa patuloy na pagdaloy ng kakaibang init sa kanyang katawan. Isama pa ang pagdampi ng daliri nito sa kanyang mga labi. Nang pakikipagtitigan nito sa kanya ng makahulugan. Kitang-kita rin niya ang kagwapuhan nito sa malapitan. Pagbaba niya ng kanyang paningin ay ang kakisigan naman nito ang nakalantad. Wala kasi itong saplot pang itaas. Ang tamang-tama at maganda nitong pangangatawan ay talagang mapang-akit. Habang nakayuko ay napansin niya rin ang nakatayong bagay sa loob ng shorts na suot nito. Marahil ay apektado rin ito sa naririnig. Hindi ordinaryo ang nababanaag niyang sukat sa alaga nito. Binalik niya ang tingin sa lalaki. Tinanggal na nito ang daliri sa kanyang labi bagkus maglalapat na sana ang labi ng isa't-isa ngunit nakapagpigil sila. Dagli siyang pumasok sa kwarto samantalang umiwas na rin ito at siya ay ginalang.

Kahit na sa pagkakaalam niya ay nobyo niya si Jelor ay alam niyang walang masama kung may mangyari sa kanila. Kahit na rin napapaligiran sila ng temptasyon na napakahirap iwasan at pigilang magkaroon ng reaksyon sa mga 'yon ay may isang bahagi kay Regiena na nagsasabing inosente pa talaga siya sa mga makamundong bagay. Tinakpan niya ang kanyang tainga ng unan at saka pilit na natulog.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon