Chapter 62

26 1 0
                                    

Chapter 62

"Nagsaboy ang mga demonyo ng itim na asin sa paligid ng simbahan." Saad ni Santi kay Santo habang sinusubukan niyang makapasok sa loob ng St. Peter's Basilica. Ngunit niya magawang makapasok. Tanging ang itim na asin na gawa ni Satanas ang may ganoong kapangyarihan na pigilan silang mga kaluluwang naipit sa lupa na makapasok sa isang lugar.

"Subukan natin ang kapangyarihan ng mga Diyosa." Suhestyon ni Santo. "Baka makapasok ang mga iyon sa loob ng simbahan. Hindi pwedeng matuloy ang itim na misa."

"Sige!" Pag- sangayon niya. Saka nila ibinulong ang pagtawag sa mga bato upang dumating ang Diyosa ng Hangin at Diyosa ng Tubig.

"Mga Diyosa. Kailangan namin ang inyong tulong." Saad nito. "Hindi kami makakapasok sa loob ng simbahan. Baka kayanin ng inyong mga kapangyarihan na makapasok sa loob."

"Gagawin namin ang aming makakaya." Tugon ng Diyosa ng Hangin. Nagpakawala na nga ang mga ito ng malalakas na ipu- ipo ng hangin at matinding pagbuhos ng ulo. Subalit parang dahon ng gabi ang labas ng simbahan. Hindi man lang nakakapasok ang hangin at wala man lang bakas ng pagkabasa ang mga pader at bubungan.

"Ayaw makapasok ng aming kapangyarihan." Sambit ng Diyosa ng Tubig. "Marahil dahil nanumpa na kaming tutulungan namin kayo kaya hindi na tumatalab ang aming kapangyarihan."

"Anong gagawin natin Santi?" Tanong sa kanya ni Santo.

"Kailangan may manu- manong mag- alis ng mga itim na asin." Nag- isip pa siya kung paano. "Kailangan nating kumuha ng mga taong gagawa noon. Kahit sa isang bahagi lang ng simbahan para makapasok ang kapangyarihan ng mga Diyosa."

"Sino naman ang pagtatanggalin natin ng mga itim na asin?" Tanong nito.

Iginala ni Santi ang paningin. Kung tao sa labas ng simbahan ang pagtatanggalin nila ay mukhang hindi naman sila pakikinggan ng mga iyon. Nasa first world country sila. Sino ang maniniwala sa kanila na may itim na asin? Wala pa man din silang dalang mga gamit na may orasyon upang pangkontrol sa mga tao. Hanggang sa napansin niya ang isang babaeng paparating. May dalang isang maleta na kulay itim. Si Paris, ang naging host ng Illuminati Ball.

"Alam ko na kung sino." Saad niya. "Ngunit wala tayong pangkontrol sa kanya."

"Pwede natin siyang takutin na tatanggalin namin ang hangin at tubig sa kanyang katawan." Saad ng Diyosa ng Hangin. "Sino ba ang tinutukoy mo?"

Tinuro niya si Paris. "Siya! Isa isang Illuminati na nag- host ng Illuminati Ball sa Maldives."

"Kami na ang bahala." Lumapit na nga ang mga Diyosa kay Paris.

"A- anong ibig sabihin nito?" Tanong nito. "Kapanalig kayo ng mga kaluluwang naipit sa lupa no?"

"Kami ang Diyosa ng Hangin at Diyosa ng Tubig. Tama ka kapanalig kami ng kabutihan. Balita namin ikaw ang Illuminati na naging host ng Illuminato Ball?" - Diyosa ng Hangin.

"Oo! At matutuloy na ang itim na misa! Wala na kayong magagawa pa!" Hinawakan ito ng Diyosa ng Tubig sa kanang braso. Sa kaliwang braso naman ang Diyosa ng Hangin.

"Nararamdaman mo ba ang pag- alis ng hangin at tubig sa iyong katawan?" Tanong ng Diyosa ng Hangin habang sumisinghap na sa paghinga nito si Paris.

"Aaaaah! Haaaaa! A- anong ginagawa ninyo?"

"Pumasok ka na sa loob ng simbahan. Sa isa sa mga pintuan ay alisin mo ang itim na asin na nakakalat sa sahig. Kapag nagawa mo iyon ay hindi namin itutuloy ang pagpatay sa iyo."

Yeah, yeah-ah
Yeah, yeah-ah, ah

Is there a place where I can hide away?
Red lips, French-kiss my worries all away
There must be a sweeter place
We can sugarcoat the taste
Sweeter place
There must be a sweeter

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon