Chapter Thirteen

2.1K 49 13
                                    

Chapter Thirteen

Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang manalangin. Nabigla siya ng tila napunta siya sa ibang lugar. Lugar na puno ng puting usok. Ng mga ulap.

"N-nasaan ako?" Tanong ni Regiena.

"Maligayang pagbabalik sa kaulapan Regiena. Wag mo na munang ididilat ang iyong mga nata. Ako si Omar Enri. Isang anghel at isang kaibigan." Sambit ng isang anghel na dahan-dahan bumaba sa kanyang harapan.

"B-bakit ako narito? Hindi na ako anghel hindi ba?"

"Umupo ka at hawakan ang mga ulap." Utos nito. Dahan-dahan naman nyang sinunod ang anghel. Paghawak niya sa mga ulap ay isang mabilis na pasada ng kanyang dating buhay bilang isang anghel ang naganap. Naluha siya ng makita ang kabuuan ng mga pangyayari bago siya mamatay. "Hindi siya ang pumatay sa akin..." saka dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.

"Tama. Matinding pagtutugis ang ginawa namin para mahuli si Jecoba Rubia. Pinanghihimasukan na niya ang langit para lang makapaghiganti. Iniwan niya si Jecka kaya napadali ang pagbabago ng mortal. Hinanap niya kasi ang itim na salamin. Matagal na iyong nawala sa itim na kabundukan sa impyerno na kahit si Satanas ay hindi alam kung nasaan. Maari kasing ipakita ang isang bahagi ng nakaraan. Iyon nga ang pinakita niya sayo na akala mo ay pinatay ka ni Jelor ngunit si Sonia naman ang may gawa. Isa pa isa siyang demonyo na nagpapanggap na anghel at nagpapakita sa tao. Mali iyon. Labis na paglabag na iyon." Mahabang paliwanag nito na mas nagpalinaw sa lahat.

"Salamat dahil sinabi mo ang lahat ng ito.  Ngunit bakit ngayon lang?"

"Tama ang ginawa ni Jelor, Regiena. Tao ka na. Kaya binura ng langit ang iyong alaala ay upang makapamuhay ka bilang isang tao na. Hindi iyon mali. Naaalala ni Jelor ang lahat dahil regalo iyon ng langit sa kanya dahil naging magiting na anghel siya. Isa pa dahil pinagbigyan ng langit ang nais niyang mabantayan at mailigtas ka. Ikaw ang kauna-unahang fallen angel kung tawagin na napaslang ng isang anghel. Dahil pinanghimasukan ng demonyo ang buhay mo bilang tao kaya naman narito kami bilang anghel upang ituwid iyon. Hiling namin na hindi na muling mangyari ang mga nangyari ngayon sa darating na panahon. Sana'y naliwanagan ka na. At huli ay natuwa ang langit sa inyo ni Jelor. Sa kabila ng kamunduhan sa lupa ay nanatili kayong parang mga anghel pa rin na ginabayan ang mga tao roon. Sa kabila ng kalaswaan at kahalayan ay nanaig pa rin ang isang tunay at wagas na pag-ibig."

"Maraming salamat! Ganon pala ang umibig. Kasama ng hirap ay mga pasakit. Nasasaktan din dapat. Pero sana naman wag nyo munang kuhanin sa akin ang mahal ko! Iligtas niyo si Jelor! Parang awa niyo na." Pagtangi niya.

"Kung anuman ang mga mangyayari ay walang nakakaalam. Muli, mga tao na kayo."

Saka niya iminulat ang kanyang mga mata dahil sa may mahigpit na humawak sa kanyang kamay. Pagtingin niya ay nasa loob na siya ng ambulansya.

"Jelor?" Si Jelor ay nakamulat na at sa kanya nakatingin.

"R-regiena..." tila naghihingalo na ito at nahihirapan na.

"Wag ka na munang magsalita. Gagaling ka. Magagamot ka nila. Alam ko na ang totoo Jelor huh. Mahal na mahal kita!" Gumanti siya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay.

"S-salamat sa lahat Regiena. Mahal na mahal din kita. Kapag nasa langit na ulit ako ay babantayan pa rin kita. Ako na ang magiging anghel de la guardia mo."

Ang puso nyang umiibig ay halos magkapira-piraso sa mga sinabi nito. "Wag mo namang sabihin yan Jelor oh. Wag naman pakiusap. Lumaban ka naman para sa atin. Magpapakasal pa tayo hindi ba? Tutuparin mo pa ang pangarap mo na mapangasawa ako at makasama habang buhay." Pinipilit niyang makapagsalita pa rin ng tuwid at masabi ang lahat ng nasa kanyang loob kahit na walang tigil na ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Noong anghel pa ako marami rin akong tanong. Bakit nga ba ginagawa ng mga tao ang mga ginagawa nila. Bakit sila naiinis kapag nasasaktan sila ng dahil sa pag-ibig? Bakit sila nagluluksa kapag may namamatay? Bakit sila nalulungkot kapag may nagpapaalam? Ganon pala talaga. Tao sila eh. Walang kontrol sa mga bagay na nangyayari sa kanila. Kailangan lang nilang maniwala sa taas at sa kanilang sarili. Kailangan lang nilang magmahal."

"Tumahimik ka na Jelor. Mauubusan ka ng lakas eh. Tama na yan."

"Sa harap nila, at alam ko pinapanuod tayo ng Diyos at ng ng mga kaibigan nating anghel. Ikasal na natin ang mga sarili natin." Nagawa pa nitong ngumiti kahit halos naghahabol na sa paghinga.

"Tama na Jelor. Pakiusap naman oh."

"Tinatanggap mo na ako bilang asawa Regiena?" Tanong nito na halos bumiyak na sa kanyang puso. Halos habulin na nito ang mga sumunod na paghinga.

"Oo! Oo Jelor!" Mabilisan nyang tugon. "Tinatanggap mo ba ako bilang asawa Jelor?" Tanong niya habang ang kanyang luha at emosyon ay hindi na magpaawat pa.

"O-o n-naman. M-mahal kita."? Isang mahigpit na kapit saka siya lumapit dito upang hagkan ito sa labi. Ipinikit nito ang mga mata saka lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. May kakaibang tunog din ng isang aparatus sa loob ang dinig habang gumuguhit doon ang isang tuwid na linya.

"Jelor!!! Mahal na mahal kita!!!"

.....

Nakulong na nga ng tuluyan ang ama ni Jomel. Marahil ay nasa impyerno na ang huli. Ang demonyong si Jecoba naman ay naging abo na. Tuluyan itong natugis noong huling magpakita kay Regiena. Kaya ito duguan noon. Wala ng nagawa si Satanas para rito dahil langit na ang pinasok nito at pilit ginulo.

Nagsimula ng makapag-aral si Jecka. Habang tumaas na ang posisyon ni Roland sa trabaho. Lalong tumibay ang pagmamahalan ng dalawa. Si Rosa naman ay matagumpay na sa kanyang mga negosyo. Tama, mga negosyo. Kapag may tiyaga ay may nilaga talaga.

Si Regiena? Masaya na rin kahit papano kahit isang taon na magmula noong pumanaw si Jelor. Ilang buwan nalang at magbabalik na siya sa pagmomodelo. Hindi naman siya pinabayaan ng mga kaibigan. Lalo pa't kailangan niya ring alagaan ang kanyang sarili para kay Jelor Jr. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Isa na siyang hot mama na modelo. Nagpapayat lamang siyang muli bago sumabak sa trabaho. Napagkasunduan nila ni Gary na isasama niya ang anak sa mga photoshoot. Wala namang naging problema rito.

Nasa kwarto siya at kinakausap ang tatlong buwang sanggol.

"Sabi na nga ba pinutukan ako ng tatay mo sa loob eh. Pasaway yun. Pero mabuti nalang at ginawa nya yun. Dumating ka sa buhay ko baby Jelor Jr." Nagngilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Siguro naandito lang siya sa loob ng kwarto. Binabantayan tayo. Ganon kasi siya. Noon pa man pinili na nya akong bantayan. Dalawa na tayo ngayong babantayan niya." Saka tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Hinagkan niya ang anak saka luminga-lingang nakangiti sa paligid. Alam ko nandyan ka lang.

Ang tao, umiibig, nasasaktan, nawawalan pero sa kabila ng mga bagay na hindi mapipigilan dapat magpatuloy upang muling umibig at bumangon. Marami ng natutunan si Regiena sa pagiging tao. Alam nyang marami pa siyang dapat malaman. May pangarap pa siyang tutuparin. Walanna si Jelor ngunit bago ito malagutan ng hininga ay natupad naman nito ang pangarap na maging asawa siya. Sa anak nalang niya ipapadama ang isa pa nitong pangarap-ang makasama siya habang buhay.

Nasan na nga ba ang angelic revenge? Wala. Dahil kasamaan lamang ang naghihiganti. Ang angelic revenge ay ang kakayahang baguhin ng pag-ibig ang mga bagay na mali, in an angelic way.

WAKAS

Neri Joy Jayson

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon