Chapter Six

2.1K 25 3
                                    

Chapter Six

Humiwalay si Jelor sa pagkakayakap kay Regiena.

"Mga bwisit! Pera na nawala pa! Ngayon alam mong may boyfriend ka naman pala Regiena. Pwede ka ng umalis. Hindi man lang kasi kita mapapakinabangan eh. Para saan pa't palalamunin kita. Tsaka si Jomel yun uy! Mabuting umalis na kayo rito bago pa kung ano ang magawa sa inyo non! Hindi basta-basta nagpapatalo ang hayup nay un!" Dire-diretsong sama ng loob ni Jecka ang ipinarating nito pagpasok sa loob.

Kinuha naman ni Regiena ang kamay ng babae. "Maraming salamat sa tulong mo sa akin Jecka. Tatanawin ko iyong malaking utang na loob." Nakita naman niya ang kakaibang ngiti kay Jecka. Kahit na gaano pa man ito kasama ay alam niyang may kabutihan pa rin sa loob nito. Siya nalang ang nakakalaam na dating anghel de la guardia ng babae si Regiena.

"Maraming salamat sa pag-aalaga kahit sandali sa girlfriend ko. Sana ay hindi mo na uliting mambugaw ng iba. Lalo't higit ikaw, wag mo nang ibenta ang iyong katawan. May isang tao ka lang na dapat paglaanan niyan. Buksan mo lang ang iyong mga mata. Mamahalin ka niya. Alam kong gagawin niya ang lahat maihangon ka lang dito. May pag-asa pa." Pinaghalong pangangaral, payo at pasaring na rin ang ginawa ni Jelor. Hindi naman na nakaimik pa si Jecka. Saka niya hinarap ang kapapasok lang din na si Roland pero mukhang narinig ang mga sinabi niya dahil nag-aabang lang ito.

"Ikaw naman Roland. Alam mo na ang gagawin bilang lalaki. Wag kang magbabago sa ate mo at sa babaeng mahal mo. Ipaglaban mo sila at hanguin sa lugar na ito. Alam kong gagabayan ka ng langit." Saad niya sa lalaki.

"S-salamat kuya." Tila nahiya naman si Roland dahil napayuko ito. Nilingon pa naman ito Jecka na parang nahihiya rin na hindi karaniwan dito.

"Aalis na kami. Tara na Regiena." Inalok niya rito ang kaliwang palad. Marahan naman nitong kinuha iyon. Sa muling pagtatama ng kanilang mga mata at pagsasama ng kanilang mga balat ay may kung anong enerhiya ang dumaloy sa kanya. Enerhiyang marahil mga tao lamang ang nakadadama. Nagdulot iyon para puminta ang ngiti sa kanyang mga labi. Napangiti niya rin naman ang babae.

"Ingat kuya!" Pagpapaalam pa ni Roland habang palabas sila.

"Hoy Roland ano yun ha? Umamin ka nga sa akin!" Narinig nyang pagkompronta ni Jecka sa lalaki ng makalabas sila. Ang hiling niya lang ay maayos na ang buhay nila Jecka at Roland tulad ng plano nila noong mga anghel pa sila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Regiena.

"S-sa atin." Nauutal niyang tugon. Ang totoo'y hindi niya alam kung saan sila pupunta. Wala siyang alam na pwede nilang matirahan. Napagtanto niyang mali yata ang desisyon niya. Gabi na. Dapat sana'y nakituloy muna sila kina Rosa.

"Gusto kong malaman ang lahat sa akin. Alam kong dapat kitang pagkatiwalaan kahit na meron akong mga alinlangan." Wala na itong alam sa nakaraan nito. Hindi na niya pwedeng sabihing fallen angel ito at ang dati nitong katauhan. Hindi kasinungalingan para sa kanya na bumuo na lamang siya ng mga kwento na pwedeng sabihing dating buhay ni Regiena bilang isa ng tao. Para hindi na rin ito maguluhan.

"Oo naman. Sasabihin ko ang lahat ng tungkol sa iyo. Nagka-amnesia ka kasi. Wala ka talagang matandaan sa iyong nakaraan. Ganon ang sakit na yon." Patuloy lang sila sa paglakad. Bigla naman nitong binawi ang kamay sa pagkakahawak niya.

"Sinungaling ka. Nagsisinungaling ka." Sambit nito. Pumatak din ang mga luha sa mga mata ng babae. Naguguluhan siya sa reaksyon nito. Paano nito nalaman na nagsisinungaling siya?

"Yan pre. Yan ang gagong sumapak sa akin! Hindi yata kilala kung sino ako!" Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng pamilyar na boses ng lalaki. Paparating sa kanilang direksyon sina Jomel at lima pang mga kalalakihan na handang makipagbasag-ulo. Tila siya ang punterya.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon