Chapter 49

26 1 0
                                    

Chapter 49

"Maaari kang manatili rito upang kumain ng kumain at samahan ako. Sunod nating pupuntahan ay isang sauna. Doon tayo magpapamasahe at magpapasarap. Ganito lamang ang magiging buhay natin."

Kumunot ang kanyang noo. Napataas ang kanyang kilay. Doon niya napagtantong may mali na sa mga nangyayari.

"Patawad Diyosa ng Hangin ngunit hindi ako narito upang magpasarap at samahan ka sa habang panahon." Tinitigan niya ito sa mga mata. "Narito ako upang hingin ang inyong tulong laban sa pagbabanta ng pananakop ng kasamaan sa mundo. Kailangan ko pong makabalik bago ang itim na misa. Patawarin niyo ako. Hindi ko kayo masasamahan sa lahat ng gusto ninyo." Saad ni Santo.

"Magaling ikaw ay nakapasa." Saad ng Diyosa ng Hangin. "Hindi na nangibabaw sayo ang luho ng mundo kahit na alam mo sa sarili mong dapat ka rin namang kumain at magpasarap. Nangibabaw sa iyo ang iyong misyon na iligtas ang mundo sa nagbabadyang pananakop ng kasamaan. Karapat- dapat kong ipagkatiwala sa iyo ang bato ng hangin." Iniabot nito ang isang maliit na kulay asul na bato na nakalagay sa isang singsing.

Lumuhod siya sa harapan nito. "Maraming salamat Diyosa ng Hangin. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Pangako, gagawin namin ang lahat upang ipagtanggol ang mundo."

"Ibulong mo lamang ang 'Diyosa ng Hangin' sa bato. Anumang oras ay darating ako."

............

Si Santi naman ay sa isang bangka sa likod ng isang malaking barko napunta. Nasa gitna siya ng karagatan ngunit wala naman doon ang Diyosa ng Tubig.

"Nasaan na kaya ang Diyosa?" Tanong niya. Sinagwan niya ang bangka upang makapunta sa gawing unahan ng barko. Nasa kalagitnaan palang siya nang makarinig ng malakas na pagsabog. "A- ano 'yun?"

Sumagwan pa siya ng bahagya upang makasilip sa nagaganap sa harapan. Laking gulat niya sa nakita. Isa palang iyong barko na nanghuhuli ng mga isda sa ilegal na paraan. Kitang- kita niya ang naglutangan na mga maliliit na isda dahil sa pampasabog na dinamita. Ang hindi niya kinaya ay nang masaksihan ang Diyosa ng Tubig na nasa malaking lambat. Tila isang sirena ang itsura nito at may berdeng buntot. Duguan ang puntot ang mga palikpik nito. Nanghihina ang hilatsa ng maganda nitong mukha.

"Hahaha! Malaki ang kikitain natin sa sirenang 'yan! Tiba- tiba tayo!" Dinig niyang saad ng matabang lalaki na nasa harap ng barko. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang kapitan ng barko.

"Tama kapitan." Tugon ng isang mangingisda. Tama nga siya, iyon ang kapitan. "Yayaman tayo dyan kapitan!"

"Hahaha! Hilain niyo na pataas ang lambat! Tapos ay simutin niyo na ang mga nagkalat na isda." Utos ng kapitan.

Kitang- kita niya kung paano kunin ng mga mangingisda kahit ang mga maliliit at walang buhay na isda. Sinilid naman nila sa isang malaking lalagyan ang Diyosa ng Tubig.

"Aaaaaaah!" Sumigaw ang Diyosa dahil marahil sa sakit.

Hindi na siya nakatiis pa. "Tumigil kayo! Ano ba 'yang ginagawa ninyo?"

"Sino ka naman?" Tanong ng kapitan.

Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Pakawalan niyo siya! Bakit niyo sinisira ang kalikasan? Naturingan pa man din kayong mga tao na dapat nag- aalaga sa kalikasan tapos ganyan ang gagawin ninyo?!"

Tumalikod ang kapitan. "Wala akong panahong makipagtalo sa pakialamerong 'yan. Patayin niyo 'yan."

Nakipaglaban siya sa mga tauhan nito. Gayunpaman ay wala siyang pinaslang sa mga ito. Nang mapatumba niya ang lahat ng tauhan ng kapitan ay ito na ang pinuntirya niya. Dali- dali niya itong sinadal sa pader at inambaang gigilitan ang leeg.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon