Chapter 24

55 2 0
                                    

Chapter 24

Dagling inalalayan si Regiena ni Alex upang makatayo.

"Okay ka lang ba? S- sorry sa nagawa ko. Sana ay wag kang magalit sa akin. Nadala lang ako Regiena. Hindi na kita hahalikan ng walang paalam at hanggang hindi pa tayo. I'm really sorry." Walang tigil naman ito sa paghingi ng tawad. Lumuhod pa ito sa kanyang harapan.

"Huy ano ba! Tumayo ka nga dyan Alex! Hindi ako galit! Tumayo ka na dyan! Halika na. Nagugutom na ako! Gabi na!"

Pasado alas onse na ng gabi. Saka palang sila maghahapunan. Mabuti nalang at tila may reservation si Alex kaya naman agad silang pinaghain ng mga pagkain pagpasok nila sa restaurant.

"Kain na tayo. Gutom na rin ako eh." Saka ito nagsimulang kumain. Hindi na rin siya nagpabebe pa. Sumubo na siya. Nakatulog siya sa byahe kaya hindi na siya nakapag- aya na kumain along the way.

"Hmmmm! Ang sarap ng mga pagkain nila rito ah. I love it!" Komento niya. May Filipino at Spanish foods na nakahain. Tila sobra ng sa dalawang tao ang mga iyon. "Ipamigay nalang natin sa staff nitong resto ang ibang pagkain. Parang andami kasi nito."

"Ite- take out natin yan. May paggagamitan tayo ng mga matitira nating pagkain. Ito ang pinakakakaibang date na mae- experience mo."

Nagtaka siya sa sinabi nito ngunit hindi nalang muna niya iyon pinansin. May paggagamitan pa raw sila sa mga pagkaing iyon.

"Nakalimutan ko yatang sabihin na three days ang date natin. Mag- stay tayo rito hanggang sa Linggo." Biglang saad ni Alex.

Halos mabuga niya ang pagkain sa loob ng kanyang bibig. "A- nong sabi mo? Hindi pwede. Sa weekend ay naka- off ang yaya ng anak ko kaya dapat ay nandoon ako. Tapos bukas Biyernes ay may TVC shoot ako."

"Dito sa Las Casas, Bataan namataan ang luha ng Mahiwagang Babaylan. Mabuti nga't hindi sa ibang bansa. Ibig sabihin ay dito siya bababa sa Linggo sa unang gabi ng kabilugan ng buwan. Simula mamaya ay kailangan na nating maghanda. Kailangan na nating ihanda ang lugar para masigurong magkakapag- usap kayo. Syempre in between sa paghahanda ay date natin. Kaya kung ako sayo ay tawagan mo na ang yaya mo at kung sino man ang dapat mong sabihan na hindi ka makakauwi sa susunod na tatlong araw."

Napalunok nalang siya. Matapos kumain ay agad niya kinausap ang bago niyang yaya na hindi siya makakauwi. Ngunit may lakad daw ito sa weekend kaya naman kagyat niyang tinawagan si Brenda.

"Beautiful, sexy and hot Brenda! Gising ka pa ghorl?" Bungad niya rito.

"Tulog na ako Reg. Tulog na ako kaya nasagot ko pa 'tong tawag mo. Gigil mo si ako eh! Anong favor ang i- ask mo this time?"

"Hindi ako makakapunta sa TVC shoot bukas pwedeng gawan mo ng paraan?" Malambing niyang paghingi ng pabor.

"Kagigil ka eh! Trabaho yun! Saan ka na naman ba nagpunta aber?"

"Tapos sa weekend pwedeng pumunta ka sa apartment ko? Hindi pa rin kasi ako makakauwi nun. May lakad ang yaya ni Junior. Walang magbabantay sa anak ko. Pwedeng pabantay si Junior? Thank you!"

"Huwat?! Nakakaloka ka talaga Reg! Nasaan ka nga aber? Alam mo hindi mo lang ako kaibigan slash PA. Ginawa mo na rin talaga akong yaya ng anak mo! Yung gigil ko sayo grabe talaga! Nasaan ka?! Umaano ka?!" Gigil na gigil ito sa kabilang linya. Nilalayo na niya sa kanyang tainga ang kanyang phone dahil halos matulok na siya sa lakas ng sigaw ni Brenda.

"Ah eh..."

"A e i o u! Ano nga!"

"Magkasama kasi kami ni Alex." Tugon niya.

"Aaaaaah! Aaaaah! Aaaaah! OMG! Proteksyon bago umaksyon ah Reg! Grabe ka! Talandi ka talaga ng taon!"

Saka niya ito binabaan. Sa kilig palang nito alam na niyang pumayag ang kaibigan.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon