Chapter 68

32 0 0
                                    

Chapter 68

Inabot din si Regiena ng isang oras kakahanap kay Jelor hanggang sa bumalik nalang siya sa kanilang villa upang doon maghintay. Hindi naman siya nabigo. Bumalik din si Jelor. Kagyat siyang lumapit dito.

"Huy Jelor sorry na. Wala naman akong masamang ibig sabihin kanina eh. Ang sa akin lang..."

Hindi na siya natapos pa sa pagsasalita. Lumuhod ito at naglabas ng isang simpleng singsing na gawa sa papel. "Hindi ko alam kung ganito nga ba 'yun pero pakakasalan mo ba ako Regiena Nicole? Will you marry me?"

Napaluha nalang siya. "Oo naman. Yes I will marry you Jelor!"

Isinuot nito ang singsing na gawa sa papel sa kanyang kaliwang palasinsingan. Tumayo ito upang siya'y yakapin ng mahigpit.

Sa wakas isang totoong wedding proposal ang naganap. Simple lang pero papalapit na sila sa isang kasal. Ika nga fiancei na nila ang isa't- isa. Kaya marahil nawala si Jelor at umalis ay para sa proposal na iyon. Ngunit kung kukuha lang ito ng papel na gagawing singsing ay bakit ito inabot ng isang oras. Iyon ang kanyang labis na pinagtatakhan. Walang anu- ano'y hinawakan nito ang kanyang kamay saka sila nagtatakbo palayo.

"Jelor saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Basta! Sumunod ka nalang!" Tugon naman nito.

Hinihingal na siya. Umabot na sila sa mismong kabayanan ng Maldives.

"Wait lang. Pagod na talaga ako." Napayuko nalang siya. Bumitaw siya rito saka napahawak sa dalawang tuhod. Doon siya naghabol ng paghinga.

"Nandito naman na tayo eh." Saad nito.

Pagtingala niya ay isang Katolikong simbahan ang nasa kanyang harapan. Maliit lang iyon. Parang isang kapilya para sa mga Kristiyanong deboto sa lugar.

"Ang hirap hanapin nito. Akala ko nga ay wala na eh kasi Muslim country ang Maldives. Kung wala nga sana akong mahahanap ay sa isang pari ng Muslim nalang sana ako makikiusap na ikasal tayo eh. Iba- iba lang ang relihiyon pero nag- iisa lang naman ang Diyos. Iba- iba lang ang kanyang ngalan at ang pagkakakinlanlan niya sa bawat relihiyon pero lahat tayo sumasamba sa isang makapangyarihang Diyos." Paliwanag nito.

"A- ang ibig sabihin ba nito?" Nagngilid na ang luha sa kanyang mga mata. Iyon na ang kasagutan sa pinagtatakhan niya kanina kung bakit matagal nawala si Jelor. Naghanap ito ng simbahan at pari na magkakasal sa kanila.

Inabot nito ang kamay sa kanya upang siya'y alalayan. "Tara na?" Nakangiting pag- anyaya nito.

"Jelor..." tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Kumapit na siya sa kamay nito. Mahigpit ang pagkakatangan nito sa kanya. Sana nga'y wala nang bitawan pa. Naglakad sila papasok ng simbahan. Tanging ang pari lamang ang naroon. Naghihintay sa may altar. Hindi naman naging tahimik ang pook sapagkat may tumutugtog na I
Won't Give Up ni Jason Mraz. Dahil wala namang maghahatid sa kanya sa dulo ng simbahan kaya sabay na nila iyong binagtas na magkahawak ang kamay. Sa dami ng kantang tumugtog sa kanilang kwento ay iyon pala ang kanilang magiging wedding song.

Simple lang ang naging seremonya.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen." Saad ng pari. Sumabay naman sila sa pagaantanda. Nagulat siya dahil Filipino pa pala ito. "Jelor at Regiena. Narito kayo ngayon sa simbahan sa harap ng Diyos upang tanggapin ang sakramento ng kasal. Isang napakahalagang sakramento para sa dalawang taong nagmamahalan. Dito kayo manunumpa na habang buhay kayong magsasama sa hirap man at ginhawa. Walang sinumang makakapagpahiwalay sa inyo dahil ang pinagsama ng Diyos ay hindi pwedeng paghiwalayin ng tao."

Magsisimula palang si Jelor sa wedding vow nito ay naiyak na siya. Naiyak siya sa sinabi ng pari na walang sinumang makakapagpahiwalay sa kanila dahil sa wakas ay pag- iisahin na sila ng Diyos sa pamamagitan ng isang ganap na kasal. Gayunpaman ay wala siyang reklamo. Hindi na siya kukwestyon pa. Hindi sila ordinaryong mga tao. Malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat. Iyon ang mahalaga sa ngayon. Magtitiwala na lamang sila sa kayang gawin ng Diyos na nasa langit. Ang importante ay makakasal siya sa lalaking kanyang pinakamamahal.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon