Chapter 67

21 1 0
                                    

Chapter 67

"May ibibigay akong orasyon. Ang tanging orasyon na nalalaman ko na may kinalaman sa buwan. Noong unang panahon ay ginagamit ito ng mga manlalakbay upang gabayan sila ng buwan sa pagtahak nila sa madidilim na daan tuwing gabi. Matapos sambitin iyon ng Tagapagligtas ay magiging tila ba salamin ka Jelor. Tatama sayo ang liwanag ng buwan. Ang liwanag mo at ang liwanag na magmumula sa buwan kapag nagtagpo ay kayang sirain at gumawa ng butas sa itim na usok. Doon na makakapasok at makakapanik sa buwan ang Tagapagligtas." Iyon ang paliwanag ng Tagapagbantay ng Lupa sa tanong ni Jelor kung paano nito mahahawi ang itim na usok na dulot ng tagumpay ni Satanas na makapanatili sa lupa at magpalaganap ng kasamaan.

"Saang bahagi po roon magiging mapanganib iyon sa akin?" Sumunod na tanong ni Jelor habang magkahawak pa rin sila ng kamay.

"Ang liwanag na tatama sayo ay hindi ordinaryong liwanag ng buwan. Hindi ba't ang liwanag ng buwan ay nanggagaling sa araw? Magiging kasing- init ng araw ang liwanag na magmumula sa iyo Jelor. Maaari kang matupok. Masunog. Maging abo."

Kitang-kita niya ang pamumutla ng lalaki. Napalunok din ito. Napahawak pa siya lalo ng mahigpit sa mga kamay nito. "Jelor please. Nakikiusap ako wag na. Wag na."

Hindi na naman ito umimik. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Niyakap siya nito imbes na sumagot sa kanyang pagtutol.

"Jelor paano pa tayo magkakasama pagkatapos ng misyong ito kung tuluyang mawawala ang katawang lupa mo? Tama na please. Wag na."

Tinapik- tapik nito ang kanyang likod. "Ikaw ang Tagapagligtas, Regiena. Hindi ka dapat mawalan ng pag- asa lalo na sa Diyos na nasa langit. Hindi Niya tayo pababayaan. Konting sakripisyo lang ito para sa anak natin at sa mundo at sa bawat taong narito upang malayo sila sa kasamaan ni Satanas. Iyon ang mahalaga Regiena. Alam kong lagi kong sinasabi sayo na ang nais ko lang ay makasama kayo ni Jelor Jr. kapag natapos na ang misyon namin kahit sandali lang. Pero alam mo ba masaya na akong makasama ka muli at makilala kahit sandali ang ating anak. Higit akong magiging masaya kapag nagtagumpay ang misyon na ito kahit pa ikamatay ko na ito ng tuluyan. Kasi alam ko na lalaki ang anak natin sa isang mundo na payapa at malayo sa tukso dahil nagawa natin itong ipagtanggol para sa kanya. Masaya na akong mayakap at makasama ka hanggang mamayang gabi Regiena. Please let's just stay this way."

Napaluha siya sa sinabi nito. "Ikaw nga ang puso ko. Salamat sa pagpapaalala sa ating misyon. Ayokong maging makasarili. Tama ka para ito sa ating anak at sa lahat ng tao. Tama ka rin, hindi ko dapat pagdudahan ang kakayahan ng Diyos. Mahal na mahal kita Jelor. Kung anuman ang mangyari sa iyo mamayang gabi ay hindi iyon masasayang dahil gagawin ko ang lahat upang maging karapat- dapat na Tagapagligtas upang mailigtas ang mundo."

"Magaling. Kayo nga Tagapagligtas at ang Puso. Magaling." Komento ng Tagapagbantay ng Lupa.

You can be amazing
You can turn a phrase into a weapon or a drug
You can be the outcast
Or be the backlash of somebody's lack of love
Or you can start speaking up
Nothing's gonna hurt you the way that words do
When they settle 'neath your skin
Kept on the inside and no sunlight
Sometimes a shadow wins
But I wonder what would happen if you

Say what you wanna say
And let the words fall out
Honestly I wanna see you be brave

With what you want to say
And let the words fall out
Honestly I wanna see you be brave

I just wanna see you
I just wanna see you
I just wanna see you
I wanna see you be brave

I just wanna see you
I just wanna see you
I just wanna see you
I wanna see you be brave

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon