Chapter 55

34 1 0
                                    

Chapter 55

"Wala kang paki!" Lalabas na sana si Angela ng silid na iyon nang muli siyang higitin ni Leonardo papunta naman sa malaking bintana. Dali- dali nitong hinatak ang kaliwang manggas ng kanyang suot na damit. Ang isang kamay naman nito ay pinaglaruan ag kanyang kanang dibdib.

"When did you start being like this? Huh? You're a whore!" Sigaw nito sa kanyang mukha at nagtalamsikan na ang laway nito.

Kinuha niya ang magkabilang braso nito saka niya ito binalibag palikod. Nakalimutan niyang bintana nga pala ang nasa likod niya. Glass window iyon ngunit sa lakas ng pwersang binigay niya at sa bigat na rin ng lalaki ay nabasag iyon at nalaglag mula sa ika- twentieth floor ang lalaki.

"Patay. Patay 'yun malamang. Ako pa yata ang sisira ng mga plano namin." Napadungaw siya sa bintana.

"Patay ka talaga. At sira na talaga ang plano niyo, kaluluwang naipit sa lupa." Dinig niya ang boses ni Paris sa kanyang likuran. May nakatutok din sa kanyang sintido. "Nakapatay ka ng isang tao. Hindi ba't demonyo lamang ang pwede ninyong patayin sa digmaang ito?"

"Alam kong maiintindihan ako ng langit at ang magiging pasya sa akin matapos ang misyong ito. Hindi ko rin naman sinasadya." Naging tugon niya sa Illuminati.

"Well, how I wish na sa impyerno o purgatoryo ka mapunta dahil sa ginawa mong pagpatay sa isang tao habang kaluluwang naipit sa lupa ka pa." Nagpunta ito sa kanyang gilid habang nakatutok pa rin ang isang baril. Alam niyang hindi ordinaryong baril iyon. Nakakadama siya ng itim na kapangyarihan sa baril. "Sayang naman 'no? After mong magpakabayani rito sa lupa para sa second chance ng buhay mo ay sa impyerno ka rin pala mapupunta with our very own Satan."

"Tigilan mo ako. Patayin mo na ako kung 'yan ang gusto mo." Hindi siya natatakot dito. Lalaban siya hanggang sa huli.

"Hahaha! I'm not your ordinary Illuminati my dear. I'm the greatest host of Illuminati Ball. Espesyal kaya ang ball na ito dahil ito ang maghuhudyat kasabay ng itim na misa sa Vatican sa pag- akyat ni Satanas sa lupa. Alam kong lalaban ka. Well, bago tayo pumunta sa point na 'yun na pipigilan mo akong barilan ka ay magkukwento na muna ako sayo. But! Before I tell you a story baguhin mo na 'yang anyo mong si Katy Grande! Alam ko namang hindi ikaw 'yan. From day one na nakapag- decide kami kung sinu- sino ang iimbitahan sa Illuminati Ball ngayong taon ay pinabantayan na namin sila. Alam naming gagawa kayo ng paraan para mapigil ang ball at ang mga itim na misa. At 'yang ginawa mong paggaya sa itsura ni Katy at pagkulong sa kanya sa kwarto niya ay nakita naming lahat. Hahaha!"

Tila wala na talaga siyang maitatago pa rito. Sa isang iglap ay nagbago na siya ng anyo. Bumalik na siya sa kanyang tunay na itsura.

"Wow! Such an angelic face! Pero alam mo ba? Mas maganda sa'yo si Regiena." Saad nito.

"Nasaan siya?" Tanong niya rito.

"Bakit siya ang hinahanap mo?" Nakakunot na tanong nito.

Naalala niyang hindi nga pala nito alam na nakabalik na ang alaala ni Regiena. "Hindi kami naaalala ni Regiena. Hindi namin alam kung anong ginawa niyo sa kanya mula noong kunin siya ni Lilith. Nandito siya sa Maldives?" Pagpapalusot niya rito.

"Oo narito siya at siya ang makakasama ko sa gaganaping Illuminati Ball." Mas lumapit ito sa kanya. Nakadikit na sa kanyang noon ang hawak nitong baril. "Hindi mo ba tatanungin ang kakuntsaba mong demonyo na kikokontrol ninyo?"

"N- nasaan si Damian?"

Saka pumutok ang baril at wala na siyang naalala pa.

In between the coats in the closet
She held on to that heart shaped locket
Staring at a family flawless
But it ain't a pretty picture tonight
Mom and daddy just won't stop it
Fightin' at the drop of the faucet
Cuts through the walls catastrophic
She's caught in the crossfire

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon