Chapter 73

18 0 0
                                    

Chapter 73

"A- ama?" Napaurong si Regiena pagkaapak niya sa buwan. Ang kanyang amang si Angelus ang sumalubong sa kanya at tila hindi ito masaya na siya'y naroon. Nakaamba na sa kanya ang palakol nito. Umurong ang luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Napalitan iyon ng takot at awa sa sitwasyon ng ama. Kailangan niyang mag- isip ng gagawin upang mapigilan itong saktan siya. "Hmmm... anong gagawin ko? Hindi ko pa alam ang mga kapangyarihan ko."

Tumalikod siya at nagtatakbo. Dinig niya ang pagaspas ng sira- sira nitong mga pakpak. Gayundin ang paghampas sa hangin ng palakol nito.

"Ama! Ako ang anak mo!" Sigaw niya habang hinihingal. Malaki ang buwan. Hindi niya maiikot 'yun nang takbo lang ng takbo. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang mapigilan ito. Tiningnan niya ang kanyang mga palad. "Please naman oh baka kaya niyong maglabas ng liwanag para masilaw si ama."

Nag- pokus siya sa kanyang mga palad habang tumatakbo. Sa sobrang pagpopokus niya sa mga 'yun ay natalisod siya sa isang bato dahilan upang mapadapa siya sa lupa ng buwan. Hindi katulad ng isang normal na tao kapag nagpunta sa buwan ay kailangan pa ng space suit. Siya ay nakakatapak, nakakagalaw at nakakahinga ng normal sa buwan. Ngunit tila doon na matatapos ang kanyang paghinga dahil papaslangin na siya ng sariling ama.

Dagli siyang humarap habang nakahiga sa lupa.

"Aaaaaaah!" Sabay nilang sigaw.

Nakataas ang kanyang mga kamay. Sa labis na emosyon at sa kung ano pa mang dahilan ay may lumabas na ngang liwanag sa mga iyon. Kahit siya ay nagulat. Naging dahilan iyon upang hindi makalapit sa kanya si Angelus. Natigilan ito at napatakip ng mata. Unti- unting nawawala ang liwanag sa kanyang mga kamay. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang bahagyang makalayo at maghanap ng palatandaan kung saan iniwan ng kanyang inang Mahiwagang Babaylan ang bagay na maaari niyang malaman ang tungkol sa kanyang kapangyarihan.

Hindi pa man siya nakakalayo ay tila nakatayo nang muli ang kanyang ama.

"Patay." Naibulong niya sa sarili habang nakangisi.

Labis niyang ikinagulat ang sunod nitong ginawa. Lumuhod ito at tila nagbigay pugay sa kanya.

"Huh?" Doon niya napagtantong baka ang liwanag na lumabas sa kanyang mga kamay ay pareho sa kanyang ina kaya nagawa nitong kontrolin ang kanyang ama. Hindi na siya nakatakot pa rito bagkus ay bigla siyang nakaramdam ng pananabik. Dagli siyang lumapit sa ama. "Ama. Angelus."

Hindi na siya sinaktan pa nito. Nakipagtitigan lang ito sa kanya.

"Naiintindihan niyo po ba ako? Alam niyo po ba kung mayroong itinagong kakaibang bagay si ina maaaring sisidlan ng mga kaalaman sa aming kapangyarihan?" Wala pa rin itong imik. Napayuko nalang siya. "Hindi niya nga pala sinasaktan si ina noon pero hindi pa rin sila nagkakaintindihan."

Tatalikuran na sana niya ito nang lumipad ito habang nakatingin sa kanya. Tila naghuhudyat na sundan niya ito. Gayun na nga ang kanyang ginawa. Sinundan niya ang ama. Sa direksyong tila papatunguhan nito ay may isang upuan na gawa sa bato. Nagliliwanag iyon. Tila roon nauupo ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Nang makalapit siya sa upuan ay laking gulat niya sa nakita. May mga nakasulat nga roon. Mga orasyon at kung paano gamitin ang kapangyarihan ng isang babaylan. Sa mismong sandalan ng upuan ay may espesyal na nakasulat na nagpaluha sa kanya.

Mahal kong anak, Regiena Nicolle,

Kapag dumating ang panahong nakaakyat ka na sa buwan upang tuluyang isakatuparan ang iyong misyon ay malamang wala na ako. Kasama sa propesiya ang aking pagkawala. Ito lang ang makakapagpalaya sa akin mula sa buwan at sa nagawa kong mga pagkakamali noon.

Wag kang mag- alala hindi ka sasaktan ng iyong ama sa oras na makita niya ang liwanag na magmumula sa iyo na kahalintulad ng sa akin. May isang bagay siyang laging ginagawa sa tuwing makikita niya ang liwanag. Dinadala niya ako rito sa aking pahingahan sa buwan. Kaya naman dito ko naisipang isulat ang mga orasyon at kapangyarihan ng isang babaylan.

Wag mong pababayaan ang iyong ama, ang iyong anak, ang iyong asawang si Jelor at higit sa lahat ang mundo. Ikaw ang Tagapagligtas na Babaylan. Labis ang aking kasiyahan na sa akin nagmula ang isang tulad mo. Ipaglaban mo ang kabutihan at ang mga tao. Alam mo ba kung bakit hindi nakikialam ang Diyos at ginagabayan lamang ang mga nilalang ang ginawa Niya? Sapagkat binigyan Niya ng puso't isipan ang mga nilalang na kahalintulad ng sa Kanya. Kaya naman likas sa lahat ang kabutihan. Iyon ang pinakamalakas na kapangyarihan ng isang babaylan.

..........

She was driving last Friday on her way to Cincinnati on a snow white Christmas Eve
Going home to see her mama and her daddy with the baby in the backseat
Fifty miles to go, and she was running low on faith and gasoline
It'd been a long hard year
She had a lot on her mind, and she didn't pay attention
She was going way too fast
Before she knew it she was spinning on a thin black sheet of glass
She saw both their lives flash before her eyes
She didn't even have time to cry
She was so scared
She threw her hands up in the air

Jesus, take the wheel
Take it from my hands
'Cause I can't do this on my own
I'm letting go
So give me one more chance
And save me from this road I'm on
Jesus, take the wheel

It was still getting colder when she made it to the shoulder
And the car came to a stop
She cried when she saw that baby in the backseat sleeping like a rock
And for the first time in a long time
She bowed her head to pray
She said, "I'm sorry for the way
I've been living my life
I know I've got to change
So from now on tonight

Jesus, take the wheel
Take it from my hands
'Cause I can't do this on my own
I'm letting go
So give me one more chance
And save me from this road I'm on."

Oh, Jesus, take the wheel

Oh, I'm letting go
So give me one more chance
Save me from this road I'm on
From this road I'm on
From this road I'm on
Jesus, take the wheel
Oh, take it, take it from me
Oh, why, oh

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon