Chapter Eight

1.9K 32 1
                                    

Chapter Eight

Mabilis pa sa alas-kwatrong nagsuot ng damit ang dalawa. Hindi komportable si Regiena dahil sa nakalat pa sa likod niya ang likido nito pero wala siyang nagawa kundi isuot ang mga kasuotan.

"Patawad Rosa." Agad na paghingi ng paumanhin ni Jelor.

"Paumanhin Rosa. Paumanhin." Wala ring awat si Regiena sa paghingi ng tawad. Nahihiya siya talaga. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso sa babae.

"Ano ba kayong dalawa?! Nabigla lang ako! Normal lang yon! Magjowa kayo eh. Na-miss nyo ang isa't-isa. Nasa loob naman kayo ng bahay. Bahay ko nga lang. Pero wala talaga yon." Si Rosa habang naglalabas ng mga gamit sa kabinet nitong gawa sa kahoy na binubukbok na marahil sa katagalan.

"Paumanhin pa rin." Ulit pa niya.

"Di ba umiiwas kayo sa mga magulang nyo? Nakwento na rin sa akin ni Jelor ang love story nyo eh. Ang mabuti pa sumama na kayo sa amin ni Roland. Pinuntahan niya ako sa palengke. Nakahanap na raw siya mg trabaho sa isang factory. Ayos naman yung inalok na sahod." Pinaglikom nito ang mga palad. "Sabi ko sa sarili ko makahanap lang ng trabaho ang kapatid ko aalis na kami sa impyernong lugar na ito. Ang totoo nyan may ipon na ako eh. Paunang bayad sa mga gastusin at upa sa bahay na lilipatan namin. May alam na akong pwedeng lipatan at iyon ang inaasikaso ko nitong mga nakaraang araw maliban sa puspusang trabaho. Sa Las Pinas tayo lilipat. Malayo sa lugar na to. Pwede akong magpatuloy ng negosyo don. Ayoko na talaga dito eh.Kaya maaga akong umuwi para makabyahe na tayo."

"T-talaga bang isasama mo kami Rosa? Salamat sa pagtitiwala sa amin." Naantig siya sa tila bukal sa pusong alok ng babae.

"Oo naman Regiena. Alam mo mga anghel yata kayo eh. Swerte kaya kayo. Tingnan mo natanggap na agad sa trabaho ang kapatid ko nang dumating kayo ni Jelor." Masayang tugon nito. Nagkatinginan nalang sila ni Jelor habang nakangiti. Umaapaw ang kasiyahan sa kanyang puso na makahanap ng mabuting tao. Parang tagumpay ito na hindi maipaliwanag.

"Maraming salamat kung gayon kaibigan. Tatanawin namin itong malaking utang na loob. Tutulong kami sa inyo. Habang bumubuo rin kami ng bagong buhay." Sambit niya. Kinuha naman ni Jelor ang kanyang kamay at saka iyon mahigpit na hinawakan. Hawak-kamay sila sa bagong buhay na parating.

Tinulungan nila si Rosa sa pag-aayos ng mga gamit. Halos mga damit ang kasangkapan ang mga iyon. Handa na sana silang umalis pero hinintay pa nila si Roland.

"Saan ka ba galing ah? Sabi mo magpapaalam ka lang sa pokpok na yon?" Salubong ni Rosa sa kapatid pagdating. Nasa labas pa ito ng pinto.

"A-ate. Nagtapat na ako kay Jecka. Nagtapat na akong mahal ko siya."

"Wala akong pakialam. Aalis na tayo rito. Iwan mo na rin dito ang pagmamahal na yan. Hindi siya ang babaeng nararapat para sayo. Tara na! Aalis na tayo."

"Isasama ko po si Jecka, ate. Gusto ko siyang maging babaeng karapat-dapat para sa akin." Nasa likod lang pala ni Roland si Jecka. Nakayuko at may mga dalang gamit

"Ang kapal naman ng mukha mong babae ka! Mabubuhay ka naman ng pagpuputa mo! Tantanan mo na ang kapatid ko!"

"Excuse me naman! Nabigla lang ako ng magtapat tong si Roland. Pinipilit niya lang din ako. Eh ano bang magagawa ko kung patay na patay siya sa kin. Sa tingin mo ba gusto kong makasama ang tigang na rosas na tulad mo!" Pabalang na sagot naman ni Jecka.

"Walang hiya ka talaga!" Magkakasakitan na sana ang dalawa ng biglang pumagitna si Jelor.

"Tama na. Tama na. Maganda ang intensyon ni Roland. Mahal niya si Jecka. Jecka bigyan mo si Roland ng pagkakataon upang mahalin ka at hanguin sa duming kinasadlakan mo. Rosa bigyan mo rin sila ng pagkakataon. Hayaan mong mabago ng kapatid mo si Jecka. Tiwala at pag-ibig yan ang kailangan ng bawat isa. Kaya nitong baguhin ang lahat."

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon