Book 2: Chapter 13

86 2 0
                                    

Mas mainit na Book 2. :) Enjoy reading!

Chapter 13

"Okay Regiena strike a pose!" Saad ng photographer kay Regiena para sa isang magazine shoot.

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula noong pumanaw si Jelor. Nagpatuloy na nga siya sa buhay para sa anak na si Jelor Jr. Labis naman siyang sinwerte sa mga sumunod na ganap sa kanyang buhay. Kaagad siyang sumikat bilang isang runway at print ad model. Lucky charm niya ang anak. At baka ginagabayan na siyang muli ni Jelor bilang kanyang guardian angel. Nakabili na siya ng condo unit at mayroon na ring sasakyan sa loob ng sandaling panahon.

"Magpahinga ka na muna Reg. May runway ka pa mamayang 8PM para dun sa clothing brand na ine- endorse mo." Saad sa kanya ng kanyang PA na si Brenda. Isa itong bading na hired ng kanyang bagong modeling agency. Umalis na siya kay Gary to make a career move. No hard feelings naman sa pagitan ng dalawa. Nagkikita pa rin sila at magkaibigan pa rin. Kailangan niya lang talagang mag- step up sa kanyang karera. Ang Angel's Agency ang nangungunang modeling agency sa bansa at maganda ang naging offer sa kanya matapos ang kontrata niya kina Gary.

"Okay sige tatawag lang ako sa bahay para makita ko ang anak ko. Thank you Brenda." Saka niya tinawagan ang kinuha niyang yaya ng anak na si Jelor, si Aling Mildred. Nag- video call sila. "Hello po Ms. Mildred. Kumusta po dyan? Kumusta po si Jelor?"

"Hello po ma'am. Naku ma'am heto po siesta time ni Junior ninyo ma'am. Ang sarap po ng tulog." Saka nito pinakita ang anak na mahimbing na natutulog.

Napangiti siya ng makita ang maamo at mala- anghel na mukha ng anak. Nawala ang lahat ng pagod na kanyang nadarama. Ginanahan muli siyang magtrabaho.

Kinagabihan ay agad silang pumunta ni Brenda sa venue ng runway fashion show na kanyang gagawin. Sa isang five star hotel ang lugar. Kaagad siyang inayusan ng mga make up artist.

"Hi Regine. How are you?" Bulong sa kanya ng isang lalaking malaki ang pangangatawan. Gwapo ngunit matapang ang itsura. Sobrang tapang din ng pabango at tadtad ang katawan ng gold jewelries. Ngunit bad breath ito. Halos tumaob siya ng maamoy ang hininga ng lalaki. Ito ay si Damian. Ito ang may- ari ng isa pang modeling agency na kalaban ng kanilang ahensya - Ang Sexy Evil Agency.

"Anong ginagawa mo rito Damian? Wala kang model dito. Exclusive ang event na ito ng models ng Angels." Iritableng tanong niya rito.

"Alam ko. Hindi na ba ako pwedeng pumunta? I'm still part of the modeling industry so they invited me to come." Tugon nito saka muling nilapit ang mukha sa kanya. "Kailan mo ba ako ide- date Regine? Ilang buwan na akong nanliligaw sayo ah."

"Regiena ang pangalan ko hindi Regine. At hindi ako nagpapaligaw kaya tigilan mo na yan. Wag ka nang umasa." Supladang tugon niya sa mahanging lalaki.

"Ang sakit naman 'non Regine. But I won't stop. Mapapasakin ka rin." Saka siya nito biglang hinalikan sa kanyang pisngi.

Akmang sasampalin niya sana ito ng pigilan siya ni Brenda.

"Ma'am wag na po. Wag niyo pong aksayahin ang oras niyo sa walang kwentang lalaki. Baka po kayo pa ang masaktan kapag sinampal niyo siya. Ang kapal po ng mukha eh ma'am." Saad ni Brenda.

"Hoy ikaw bakla ka. Hindi mo ba ako kilala?" Halatang napikon si Damian.

"Kilala po Sir Damian Del Rio. Kilala po kayo ng lahat ng narito na very gentleman at sophisticated man. Sige po gumawa kayo ng eksena. Ipakita ninyo ang tunay ninyong ugali." Tugon ni Brenda.

Tumingin ito sa paligid. "May araw ka rin sa akin bakla ka." Saka ito umalis.

"Bongga ka Brenda! Ikaw na si Brenda Bongga!" Saka siya nakipag- apir dito.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon