Chapter 35

43 2 0
                                    

Chapter 35

Palapit na sa kanila ang Mahiwagang Babaylan nang bigla itong maglaho na parang isang liwanag. Paglingon nila ay hawak na nito ang pugot na ulo ni Angela.

"Pangahas ka! Sa tingin mo ba ang matatalo mo ang isang Babaylan na makapangyarihan?! Nagkakamali ka! Ito ang kamatayang nararapat sa iyo!" Nilingon sila ni Alex ng babaylan. "Kayo na ang susunod! Ito na ang inyong katapusan!"

"Aleeeex! Umalis ka na! Umalis ka na please! Iwan mo na ako! Iligtas mo ang sarili mo! Ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo ang anak ko! Umalis ka na!" Humahangos na panaghoy ni Regiena kay Alex.

"Hindi! Hindi kita iiwan Regiena! Magkasama tayo mamamatay dito!"

"Talagang magkasama kayo." Mahinahong saad ng Mahiwagang Babaylan.

Sa isang iglap ay humiwalay ang ulo ni Alex sa katawan nito. Tinapyas iyon ni Angelus.

"Aaaaaaah! Aaaaaleeeeex!" Sigaw niya habang pinipiga ng suot niyang damit.

Naupo ang Mahiwagang Babaylan sa kanyang harapan. "Wag kang mag- alala. Hindi na kita papatayin pa Regiena. Doon din naman mapupunta ang lahat. Sa bigat ng suot mong damit ay mamamatay ka rin. Mas mahirap pa nga ang pagkamatay mo dahil dahan- dahan. Mababali muna ang lahat ng buto mo. Lalabas ang dugo sa lahat ng butas ng katawan mo hanggang sa tuluyan kang mayupi na parang isang lata. 'Yan ang napapala ng mga mortal na nagpapagamit sa mga kaluluwang naipit sa lupa. Paalam."

"Paalam... Alex... Paalam anak ko, Jelor....

............

Nang malapit na ang liwanag na tila alitaptap na nagmumula sa buwan ay isunuot na nila Angela kay Regiena ang damit na pananggalang.

Nag- inat siya ng leeg. Iba pa rin talaga ang kaba. Hindi na ito pagsasanay pa. Totohanan na ito. Sa isang pagkakamali ay maaaring mawala siya. Mamatay at mapunta pa sa purgatoryo. Maiwan ang kanyang anak. Gayunpaman ay buo ang tiwala niya kina Angela, Santi at Santo. Lalo't higit kay Alex.

Naghawak- hawak sila ng kamay. "Mahabaging Diyos. Wag Niyo pong pababayaan si Regiena. Siya po ang makakatulong sa amin upang labanan ang Illuminati." Panalangin ni Angela.

Nagbitaw na ang lahat ng kamay. Naiwang magkahawak ang sa kanila ni Alex.

"Ayokong mapahamak ka ngayong gabi Regiena. Nakamasid lang ako. Nakaantabay. Po- protektahan kita." Saad ng lalaki.

"Alam ko. Alam ko. Hindi ka pa naman nagmintis Alex." Isang matamis ngunit kabadong ngiti ang huli niyang ibinigay dito.

Nagtungo na silang lahat sa tulay. Ipinwesto nila Santi ang palanggana sa gitna. Lumayo na ang mga ito at nag- abang sa hindi kalayuan. Mahigit limang minuto rin ang nakunsumo nila.

Naupo siya sa ibabaw ng palanggana. She meditated. Hindi na niya pinansin pa ang tunog ng pakpak ni Angelus. Ipinikit niya ang mga mata upang makapag- pokus.

Kahit nakapikit na ang mga mata ay alam niyang nakababa na ang Mahiwagang Babaylan. Labis ang liwanag na dulot nito. Nababanaag iyon ng kanyang mga talukap.

"Hayaan mo siya Angelus." Sambit ng Mahiwagang Babaylan na may napakalambing na boses. "Wag mong sasaktan ang babaeng 'yan. Isa na namang mortal na mapangahas. Ano kaya ang mga itatanong niya't nakipagkuntsabahan siya sa mga kaluluwang naipit dito sa lupa?"

Kaluluwang naipit sa lupa? Sino ang tinutukoy nito. Sina Alex? Kaluluwa na ang mga ito?

Nadinig niya ang yabag ng paa na papalapit sa kanyang direksyon. Tumigil iyon sa kanyang tabi.

AN ANGELIC REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon